Chapter 1: Sketchy Beginning

23 1 0
                                    

31 May 2020:

Hapon ng Sabado, mag-isang naghihintay ang isang binata sa isang coffee shop malapit sa Quezon City Welcome Rotonda. Tag-ulan ng mga panahong iyon kaya maraming tao ang nakikisilong at hindi naman umoorder. Kahit maraming tao sa coffee shop at ingay na lang ang maririnig sa loob, hindi niya ito pansin dahil abala siyang nakikinig sa album ni Avril Lavigne.

Naalala niya ang mga panahong buhay pa ang punk rock na genre at lahat ng mga nakakasalubong nila sa university ay rakista. Bumalik sa mga ala-ala niya 'yung panahong nag-e-enrol siya sa college.

"Gusto ko mag-aral sa UST. Pumasa na ako ng Accountancy.", sabi niya sa magulang niya. "Kinausap ko naman 'yung registrar ng school at may scholarship naman daw silang i-o-offer dahil honor student naman ako."

Nagbuntung-hininga ang nanay niya, "Abel, kahit scholar ka, hindi pa rin namin kakayanin ng tatay mo ang panggastos sa malaking university tulad ng UST." Construction worker ang tatay ni Abel at tumutulong naman sa carinderia ang nanay niya. Sapat lang halos ang kinikita nila para matustusan ang panggastos sa bahay. Malaki rin ang gastos nila sa renta kaya kahit nag-iisang anak lang siya, hindi pa rin siya kayang papag-aralin sa malalaking unibersidad.

"Bakit hindi ka na lang sa public school mag-apply?", sabi ng nanay ni Abel. "Kita mo 'yung mga pinsan mo, nakapagtapos naman ng vocational course." Hindi masyadong pinakikinggan ni Abel ang sinasabi ng magulang dahil lumilipad ang isip niya na hindi sila makakaahon sa hirap kung hindi siya makakapagtapos ng kolehiyo. Ayaw na rin niyang makipag-alitan sa magulang dahil wala rin naman silang magagawa sa sitwasyon.

Kinabukasan, nagtungo muli si Abel sa University of Sto. Tomas para bawiin ang application. Masakit man sa loob niya, kailangan niya nang burahin ang pangarap na makapag-aral sa nasabing skwelahan. Bago siya umalis, naisipan muna niyang ikutin ang unibersidad at nagbakasakaling makakuha ng sagot habang naglalakad-lakad. Nagdasal pa siya sa simbahan kahit matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapagsimba. Ganoon katindi ang kagustuhan niyang makapag-aral doon.

Nang maisipan na niyang umalis, may malakas na busina ang narinig hanggang sa gate. Dahil tulalang naglalakad si Abel, 'di na niya nakitang may dumadaang sasakyan. Tinignan lang niya ng masama 'yung driver ng sasakyan kahit kasalanan niya. Hindi rin naman propesor o estudyante kaya hindi na rin siya nagbigay ng panahon para magpaumanhin. Buti na lang, hindi na rin bumaba at nakipag-away 'yung driver.

Sumakay siya ng jeep pauwi at dahil rush hour, mabagal ang takbo ng biyahe. Madalas siyang pumwesto sa dulo ng jeepney para makita pa rin ang view sa labas, kahit puro gusali na lang ang makikita. May mga grupo ng lalaki ang bigla na lang sumakay at sumabit sa jeep. Nasira na ang view at medyo mainit na rin sa loob kaya naisipan niyang bumaba.

    Saktong pagbaba niya ng jeep, may isang maliit na campus na may nakasulat na Sto. Domingo College. Mukhang maayos naman at bago pa, sinubukan niyang pumasok para mag-inquire. Wala gaanong tao sa loob ng building pero may mga student assistant sa registrar na tumutulong sa enrollment.

    "Mag-e-enrol ba kayo?", tanong ng isang student kay Abel.

    "Ay, mag-e-enquire lang po sana. Pwede pa po ba magtake ng entrance exam?", tanong ni Abel.

    "Ah, 'yung mga mag-apply pa lang, sa may dulo nitong hallway may office doon. Kausapin mo si Mrs. Rodriguez. Siya nagfa-facilitate ng mga entrance exam.", sagot naman ng student assistant. Sumunod naman si Abel at nakita naman agad ang office ng mga nag-e-entrance exam.

    "Mam Rodriguez?", tanong ni Abel sa matandang babaeng naka-floral at animo'y magsa-summer outing. Lumingon lang si Mrs. Rodriguez at hindi na nagsalita. Nakuha agad ni Abel na gusto niyang itanong kung ano ang hinahanap niya. "Pwede pa po ba kumuha ng entrance exam?"

Twenty-TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon