Chapter 7: His Story

7 0 0
                                    

10 Jun 2020

Umakyat si Archie sa kwarto niya at nakitang nakatulala si Abel habang hawak ang stuff toy na palaka. "Uy, ang tagal ng unan, ha?" Nagulat si Abel at natawa.

"Buhay pa pala 'to?", tanong niya kay Archie.

"Oo, naman.", kinuha niya ito sa kanya at sinabing, "Akin na nga 'yan. Baka bawiin mo pa."

"Hindi ko na kailangang bawiin pa ang matagal nang na sa'yo. Pati buhay ko nga nasa 'yo na.", pabirong sinabi ni Abel kay Archie.

Nagkunot ang noo ni Archie. "Anong pinagsasabi mo." At saka niya kinuha ang unan at bumaba sa sala. Napangiti naman si Abel dahil pakiramdam niya, nadudulas na siya sa mga bagay na gusto niyang sabihin. Muli niyang naalala noong nag-aaral pa sila at kung paano siya binibigyan ng panahon at atensyon ni Archie noon.

---

Tuwing tanghalian, palaging makikitang magkakasama ang mga Management students at ilang grupo ng mga studyante na hinahabol si Archie para magpa-picture o kaya ay hingin ang number niya. Minsan inaabot ng 300 ang text message na natatanggap niya at iilan lang dito ang talagang kilala niya. Ganitong eksena palagi ang nakikita ni Abel kapag pumupunta siya ng canteen. Hindi niya nilalapitan si Archie kahit kilala niya ito dahil nahihiya siya sa dami ng mga taong nakapagligid sa kanya. Kapag nagkakatinginan sila, saka lang doon tumatango si Archie mula sa malayo.

Isang hapon, nakansela ang mga klase nila dahil may paghahandang ginagawa ang ibang prof para sa nalalapit na sports fest. Naisip ni Abel na sumali sa kahit anong contest para naman magkaroon siya ng pangalan sa skwelahan nila at hindi lang siya makilala bilang Dean's list. Mula nang makilala niya si Archie, naging mababa ang tingin niya sa sarili dahil sa dami ng atensyong binibigay ng mga taong nakapaligid kay Archie, samantalang sa kanya wala. Masaya naman siyang may mga kaibigan tulad ni Erin at Arvin pero naiisip niya na kapag wala na ang dalawa, nagiging mag-isa lang din siya.

Pumunta si Abel sa faculty room para tanungin ang isang student assistant kung anu-ano ang mga ginagawa kapag sports fest. May mga ball games pero hindi siya interesado dahil hindi naman siya na-expose at hindi siya marunong sa mga pisikalang laro. Bumalik siya ng classroom at nakita doon ang isang kaklase na nagtatanong kung sino ang gusto mag-audition para sa opening number ng college nila. Agad naman niyang sinulat ang pangalan niya at dumiretso sila ng basketball court.

Malayo pa lang, nakikita na niya ang korte ng buhok ni Archie kahit hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Mahilig kasing maglagay ng hair wax si Archie at gusto nito, unique at spiky ang buhok niya kahit madalas ay pinagbabawalan ng mga prof. Pumwesto sila sa gilid ng court at nakita na niyang may tryout din sa basketball si Archie. Habang naghihintay si Abel at ilang studyante na mag-o-audition dapat, tinitignan niya si Archie at hinihintay niyang humarap to sa kanya. Kinakausap niya ang sarili at ulit-ulit niyang binubulong ang "lumingon ka dito."

Inabot ng dalawang minuto bago lumingon si Archie sa direksyon kung saan nandoon si Abel. Tumango lang din ito at saka nagpatuloy sa ginagawa. Naguguluhan na si Abel sa sarili niya dahil dati, wala siyang intensyong makipagkilala sa kahit na sino. Nagtanda na rin siya sa mga nangyare sa kanya noon kay Corine. Hindi rin niya maintindihan pa kung totoong naka-move on na siya sa taong minahal niya. Nalilito rin siya dahil hinahanap niya 'yung atensyon ni Archie sa kanya at hinahanap niya 'yung panahong magkasama sila.

Bago magsimula ang audition nila, nagkaroon muna ng maikling introduction ang lider ng dance troup ng college nila. Lumilingon pa rin si Abel sa mga nagta-tryout ng basketball, pero hindi na niya makita si Archie. "Hay buti na lang.", sabi niya sa sarili. "Hindi ako makakagalaw ng maayos kapag nandiyan siya."

Natapos ang audition ni Abel nang hindi nakikita si Archie sa basketball court. Medyo sumama ang loob niya na hindi ito nagpaalam sa kanya. Pero bakit naman sasama ang loob niya, ano bang mayroon sa kanya para magpaalam. Nagkakaroon na siya ng emotional attachment sa taong hindi naman ganoon ang treatment sa kanya. Nagiging malabo ang pag-iisip ni Abel at naguguluhan na siya. Wala rin siyang mapagsabihan nang mga panahong iyon. Dahil hindi na niya mapigilan ang sarili, binuksan niya ang cellphone at saka nagsimulang magtext.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Twenty-TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon