Chapter 5: Side A

12 0 0
                                    

04 Jun 2020

Naging maulan ang Sabado ng umaga. May pasok si Abel ng 7:00 am hanggang 10:00 am kaya maaga siyang gumising at bumyahe. Dahil araw ng Sabado, maraming tao ang bumibiyahe at halos puno ang mga pampasaherong jeep at bus. Dahil malakas ang ulan, sumilong siya sa waiting shed at doon naghintay. Dumaan ang isa pang jeep at bumaba ang isang ale, pero inunahan siyang sumakay ng isa pang estudyante. Bago umalis ang jeep na ito, nakita ni Abel na nakasakay roon si Archie. Ang pumasok lang sa isip niya noon ay, "sayang!"

Napahinto siya sandali at naramdaman niyang nagkakaroon na siya ng koneksyon sa ibang tao sa skwelahan nila. Pilit niyang pinapaalala sa sarili niya na magfo-focus lang siya sa pag-aaral at wala na siyang kakaibiganin at kikilalanin sa skwelahan. Wala na rin siyang dahilan para makihalubilo sa ibang tao dahil tapos na ang membership campaign at orientation ng mga club. Nakarating siya ng skwelahan ngunit wala masyadong tao. Mas nagkakaroon siya ng gana na mag-aral kapag wala masyadong estudyante. Pakiramdam niya, isa siya sa mga star student na ginagawa ang lahat ng effort para lang makapasok.

Lumipas ang isang oras, hindi pa rin dumadating ang kanilang professor.

"Sayang naman 'yung pagpasok!", sabi ng ilan niyang kaklase na 'yon lang ang klase noong araw na iyon. May ilan siyang kaklase ang nakapagdesisyon ng gumawa ng attendance at saka umuwi. May ilan pa siyang kaklase na naiwan. 'Yung iba ay may klase pa sa hapon kaya nanatili muna sila ng classroom para magpalipas ng oras. May ibang grupo naman na nagtatawanan at narinig pa niyang pinag-uusapan nila ang cute na member sa Science club. Isa lang ang pumasok sa isip niya noon, si Archie lang tinutukoy ng mga 'to. May isa ring babae sa sulok ang nag-aayos ng bangs at parang walang kaibigan.

Dahil nanghihinayang na rin si Abel sa oras, naisipan na lang niyang kausapin ang kaklaseng nag-iisa.

"Irregular student ka rin ba?", tanong ni Abel sa babae.

"Yup. Ikaw rin?", sagot naman ng kaklase habang nilalagay sa bag ang mga suklay at salamin.

"Oo, Abel nga pala."

"Erin. Nag-shift ka ba or transfer?"

"Nag-aral ako dati sa QC. Kaso kailangang lumipat ng probinsya. Mas tipid din kasi.", sagot naman ni Abel.

"Ahh. Kaya pala. Nagshift lang din kasi ako. Nursing ako dati, kaso takot ako sa dugo so dito na lang ako sa Business Ad. Haha.", sagot naman ni Erin.

"Haha. Okay lang din naman kapag business course. Mas maraming opportunity. Mahirap mag-Nursing ngayon e halos lahat pumupunta abroad.", sabi naman ni Abel.

Nagpatuloy ang kwentuhan ng dalawa hanggang sa may pumasok sa class room na matangkad na lalaki.

"Ay, andito na pala siya", sabi ni Erin kay Abel. "Boyfriend ko nga pala, si Arvin."

Nakipagkamay ito sa kanya at saka naupo sa tabi ni Erin.

"Saan tayo pupunta ngayon?", tanong ni Erin kay Arvin.

"Kakain lang sa may Jollibee diyan sa may Puregold.", sagot naman ni Arvin. "Hindi pa rin kasi ako nagbe-breakfast."

"Sakto. Ako rin.", sabi ni Erin. Tumingin siya kay Abel at sinabing, "May gagawin ka ba? Gusto mo sumama ka na rin magbreakfast."

Tumingin sa bintana si Abel at nakita niyang malakas pa rin ang buhos ng ulan. Mababasa lang ulit ang sapatos niya na halos malapit nang masira ng mga panahon na iyon. Naalala niya 'yung mga panahong hinahatid niya si Corine kahit malakas ang buhos ng ulan. "With this kind of weather?"

"Taray! English.", sabi ni Erin na natatawa.

"May sasakyan naman ko.", sabi ni Arvin.

Hindi na nagpapilit si Abel. Sumama rin siya sa dalawang magkasintahan. Hindi na niya inisip na magiging third-wheel siya noon dahil wala rin naman siyang plano na nasira. Sinumpa lang niya 'yung prof nila na hindi nagpakita sa loob ng tatlong linggo. Laging ganito ang Sabado ni Abel, nasasayang ang biyahe dahil hindi pumapasok ang professor.

Twenty-TenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon