Chapter 2: Kyla

63 0 0
                                    

KRRRRRRNGGGGGG. KRRRRRNGGGGG

"Ano ba!"

"Demetria, alarm mo!!!"

KKRRRNGGGGGGG. KKRRRRRNNGGGG

"DEMMY, Anu ba!!!! Alarm mo!!"

"Kylamariz Antonina Regina Villalozada, Ano ka ba! Wala ka bang balak pumasok!?"

Nakakita ka na ng bola ng golf? Ganun na ganun siguro ang mga mata ko pagkasabi ni nanay ng salitang "pasok". Anong nangyari at nakalimutan ko na may pasok na ngayon. Si Lynetta kasi eh masyadong excited pumasok. Text pa ng text ng kung anu-ano. Ayan tuloy nakalimutan ko. The more kasing binabanggit ang isang bagay, parang nawawalan ng halaga. And in turn, nakakalimutan mo na. Bigla namang banat ng kabilang part ng utak ko: Kaya pala hindi mo makalimutan si Timothy; iniiwasan mo kasing banggitin. Whatever utak. Past is past. No Strings attached. Shut up!

"Nay naman kasi, ba't ngayon n'yo lang ako ginising?" Di ko na napigilang sabihin habang kumakaripas ng takbo papunta sa dressing room at binubungkal ang cabinet. Kasi naman, nasanay akong ginigising ni nanay tuwing papasok. 

"Nay, yung towel?!"

"Ano ba Kyla. Diba ginamit mo kagabi sa paliligo?" 

"Huh? Eh paano po kung basa pa?"

"Kalalaba lang ng mga damit kagabi anak. Alam mo namang may pasok ka, bakit hindi ka nagsabi."

Weird. Diba dapat alam ni nanay na may pasok ngayon. Eh di dapat naalala niya

"O bakit nakatingin ka sa akin ng ganyan kaykay, iniisip mo na dapat naalala ko no?"

Aba, kita mo nga naman ang intuition ng nanay ko.

"Dalaga ka na, hindi habambuhay eh nandito kami ng tita mo. Maghanap ka sa kwarto mo ng kahit malinis na damit para may pantwalya ka."

Habang sinasabi ito ni inay, biglang sumagi sa paningin ko ang nakakalat na regalo sa ibabaw ng lamesita. Aba't talagang hindi na binuksan ni Demetria. Masyado yatang na-offend na niregaluhan siya nung Valentine's ng ........ [bigla akong napatigil] OM TUWALYA!!!!!

Kita mo nga naman ang pagkakataon. Akalain mong ang pinaka-aayawang regalo ng mga tao sa kahit anong okasyon pa ang magsasalba sa akin sa kahihiyan ng pagiging late sa unang araw ng pasukan. 

Beep.

"Kylabebe, dito na ako. San ka na gandara?"

Nako paano ba ito. Hmmm, maliligo pa lang ako bebe.. erase erase... palabas na ng bahay.... erase erase... "Lyn-be, I'm on my way na!" 

Pagkatapos itext si Lynbebe habang binabanggit ang lahat ng tinetext [na as if naririnig niya], pasok agad ako sa banyo, at sabay buhos ng tubig na malamig. Feel na feel ko pa ang tubig na parang si Kc Concepcion sa commercial ng Palmolive, ONLY TO REALIZE, wala palang sabon. [ANG EPIC]

"IIINNNAAAAAY!!!!!!!! WALANG SABON!!!"

Kahit dinaig ko talaga ang lahat ng epic sa pagiging epic, nakapaligo pa rin naman ako. Akalain mong kakayanin ko 5 minutes, nakaihi, nakaligo, at nakapagbawas pa. Ito na yata ang sinasabi ni Sir Jandel na EFFICIENT! 

Dito pa lang magiging totoo [take note, magiging totoo] ang tinext ko kay Lyn-bebe kanina. 

In all fairness, nakasakay at nakababa naman ako ng maayos. Actually, ningitian ko lahat ng lahat ng nakasalubong ko. Maganda raw kasi yung nakangiti ka sa unang araw ng pasukan. Para raw happy ka buong taon. Naisip ko lang, kakayanin kaya ng ngiti ko ang sandamakmak na nobelang ipapabasa ni Sir Jandel sa taong ito. Nakaya ko naman last year so maybe this time, kakayanin pa rin. 

Kuntodo pa ako sa pag-ngiti sa gate. At siyempre naka-ngiti kong binati ang guard ng isang masiglang "MASA--YANG ARAW!" na parang yung ate sa Puregold sa pagka-OA. "MASA--YANG ARAW din naman" bati ni Manong sabay sabing "ID MO?" na parang sinister sa isang pelikula.

Badtrip. Sa dinami-dami ng iiwanan ko. Sa dinami-dami, ID pa!

So ayun, punta sa Guidance Counsellor. Pirma sa handbook. And Go na sa classroom. 

Medyo nawala na nga ng konti ang smile ko. Pero you know, just like a true Ms. Universe, the show must go on.

Ngiti to the maxx ulit. Sabay pasok sa room ng Grade 7, nakapikit pa, at bumati ng "MASA--YANG ARAW!"

Alam mo yung nakataas pa ang kamay mo na parang bumati ng madla sa Ultra. Ganun! Ang kaso lang hindi siya okay lalo na kung maling room ang napasukan mo!!!! 

ANO PANG MUKHA ANG IHAHARAP KO

This time 'di ko na talaga kayang matuwa pa. As in. OA na 'to ah. It's just my first day pero andami ng di magagandang nangyari. 

Hay, well at least hindi pa ako nadadapa, nasasaktan or anything physical. Thank God pa rin.

Heto na moment of truth, totoong room na namin ito. 

I was surprised to see Lynetta with a face like Tiger's. Away agad? 

"Oi friend, bakit naman ganyan ang mukha mo."

"Eto kasing si Levi eh."

"Let it go Lyn-be. Sige ka, baka ma-in love ka diyan."

"Ewwwww!!"

"Kaya nga, get over it. Let's go muna sa canteen."

Ang Aklat at Ang AbacusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon