December 20 2014

25 2 1
                                    

Okay, nakakahiya na ito ang nauna kesa sa iba na pov pa naman nila Charife, nanay at Lulu pero remembrance na rin....

This day is....well....

Magsimula tayo sa pagkagising ko. Sobrang aga kong nagising dahil nga excited ako. Hahaha....and then nakaisip ako ng prank. Prank na ang unang naging katulong ko ay si nanay.

Yeah!!!

Nung nasa tricycle na ako papunta kina nanay, nag-gm ako na hindi ako pinayagan ssince di naman nila nakita ang chat namin.

Pagdating ko, andun na pala si Charife so I was like,"sayang...sayang...tsk!"

But then we made another plan kung saan ang involved ay kaming tatlo na. Well, ito pa rin naman yung kunwareng di ako sasama sa kanila papuntang 1D World. So pagdating na pagdating nila Lulu, nakatago lang ako dun sa likod ng pintuan sa may pintuan tas pinalipat sa kwarto pero ngunit subalit sa pinto lang ng kwarto...hahaha...

Tas nakikinig ako habang nag-uusap sila. Baliw si Sean, kapatid ni nanay, dahil nga tumitingin sa gawi ko tapos pipigilan yung tawa niya.

Muntikan pa nga ako mahuli kasi nakita ako nung lola ni nanay tas tinanong ako kung at nagtatago nga raw ako. Hahaha....buti naman di ata narinig.

Natawa rin ako dun sa excuse ni Charife na di daw ako sasama kasi daw maglalaba ako tas aabutin pa ako ng twelve tas pagkatapos nun pupuntang hometown ko. Twelve? Seriously? Kelangan me oras? HAHAHA.

Nung sinabing "tara na...lika na" that's my cue. Sabi ko." Yey! Alis na tayo!" Tas nagtatalon palabas and I'm tellin ya, pranking them did me no good. Huhuhu....nabugbog lang naman ako.

Tas naglakad na kami papunta sa kung saan pumaparada ang fx at habang naglalakad kami, pinaguusapan nila yung baliw. XD!!

Tapos ang ingay namin sa fx. First time kong makadaan ng floodway!! Hahaha....halatang baguhan! Nako...

Tapos edi isang oras yung byahe at basta maingay kami sa FX. Pagdating sa Megamall todo madali papuntang fifth floor at nakita namin ang 1D World. Syempre, follow the squealing ang ginawa namin. Madali lang naman dahil nga...fangirls, duh!

Nalaman naming may pila at dun kami nagkahiwalay. Si Charife at Aira ang magkasama samantalang ako, si Lulu at si nanay ang together.

So it took us ages rin kaming naghanapan nun. Ugh...so our group decided na wag nalang pumasok ngunit sina Charife at Aira ay nakapila na. Andami kasi talaga! As in! Nag-enjoy kami sa mga nangangaroling na ang kinakanta ay One Thing. Hahaha...mga nakapila rin sila.

Grabe, nagtitilian nung tuwing may nakakakuha ng standee! E saktong may dumadaang tren! So napagtripan namin yung tren.

Pero di ko talaga makalimutan sina ate at kuyang nakakuha ng Zayn ay Harry standee. Ambait nila! E kasi nilagay nila sa likod ng car nila yung dalawang standee and Lulu and I were like "No!! Ate, di sila makakahinga!" Tapos tiningnan nila kami tas tinawanan at nginitian. Kinilig kami ni Lulu! Hahaha...tas gusto sana namin silang lapitan eh! Sayang! Tas nung pauwi na sila, nung papasok na si ate ng kotse, nakita niya kaming kumakaway tapos kumaway rin siya samin. Oo, as in samin talaga! Kinilig ulit kami ni Lulu!

So nagdecide na lang kaming tatlo na mag-ikot ikot tas pumunta kaming Forever 21 na sobrang mamahal ng damit! Wowie! Pumunta rin kaming Bench dahil nga raw may ichecheck out dun si nanay tas tumambay kami sa National Bookstore. Pinakialaman namin yung mga 1D books so sabi ni nanay parang nag 1D World na daw kami kung ganun.

Pagkatapos nun, pumunta kaming food court at kumain. Tapos trip ko pa yung Panda shabu Shabu. :D dun kami nag-wifi. Abey, nagchat pa talaga kami dun kasi nga tinambakan namin ng pics ni nanay. Si lulu naman, nagsesend kay tatay ng pics ni nanay. Todo pasalamat naman si tatay! Hahaha!

At duon ay biglang nawalan na ng connection ng WLAN ang aking selpun. They were like *tawa tawa* and I was like *cry cry*. Ajujuju...

Nag-extend kami ni lulu ng time sa aming mga magulang. Well, more like si Lulu lang. Eh kasi sa kanya dapat ako sasabay. Tapos nag-ikot na lang muna kami at nakapunta kaming Odyssey.  Tiningnan namin ang Four doon tapos nakita ko si Jack Frost!  Oh my asawa! E kaso andun rin si Louis! So I'm so nalilitong lito but anyway,  nakapunta kaming Filbar's kung saan dapat ay nagbebenta sila ng Harry Potter churva things but wala! Wala!! Noooo!!

Edi nagdecide kaming puntahan sina Charife at sumilip ng kahit isang beses na lang ulit  sa mahiwang 1D World. Doon, nalaman namin na kung pumila kami, dapat nakapasok na kami at sina Aira naman ay nakalabas na pala so we spent a good 15 minutes outside, na nagdadrama. Nagsisisi. Masakit!

After that 15 minutes of drama oitside 1D World ay pinuntahan namin sila Charife sa food court na naghahanap ng upuan. Nung makahanap na kaming upuan namin, kumain sina Charife at kami ay...wala lang. Lakas rin ng trip ni Aira sa  Panda Shabu Shabu. Dun nila pala ako sinabihan ng "Eh di ka naman nabubusog eh!"

Tapos nag-akyat baba kami sa paghahanap ng cr dahil iihi si Aira at habang naglalakad, may nakita kaming may hawak ng standee ni Niall kaso nakabaliktad! Aww...poor Nialler! Sasabihan rin sana namin kaso mukhang masungit kasi naka-frown pa siya. Kaya...yeah, we're good. Habang nasa cr si Aira, kinausap namin si Charife na na hahazoned kami ng mudra niya and so on tas hinanap namin ang exit.

*Feng shui* *Feng shui* *Feng Shui*

Mahaba ang pila sa fx. One hundred times exclamation point.  Traffic!!!!!!!

Akala namin ni Lulu, matutulog sina Eyera at chafe ngunit mali pala kami. Ang ingay, shocknets!! Lagi pang sinasama ang pangalan namin sa mga trip nila. Pero mayamaya, kasama narin kami ni Lulu sa pag-iingay.

Nauna silang bumaba at ako'y bumaba na rin sa sm dahil andun sina mommy.

At duon natapos ang last year together namin. See you next year, gals!

Ang gaganda ng mga memories natin!

Bagang DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon