10

191 12 0
                                    

Shin yuna

Nanlalaki ang ilong ko na lumabas ng taxi. Si kai na nagbayad kasi tukmol sya. Nagtataka si manong driver samin kasi para kaming aso't pusa kanina sa loob.

"Nakailan ka na labs ah!" Ngumuso si kai. Pareho kaming pasaway kasi nasa baba namin ang facemask na suot naming dalawa. Ang init kasi

"Buti nga hinayaan pa kitang mabuhay na animal ka! Nakakahighblood ka!" Hinilot ko sentido ko. Nahihilo na ako gago kasi sya.

Nakatayo siya ngayon sa harap ko tapos nakataas ang kilay. "Oh?"

"Ano?" Nakakunot ang noo ko


"Ba't di ka pa papasok? Gusto mong mavirusan? Geh mamatay tayong dalawa dito." Sabi nya. Sinamaan ko siya ng tingin tapos sinapak ko ang dibdib nya.

"Ulol ka!" Tumalikod na ako at naglalad papasok. Sasarhan ko na sana ang gate pero sumunod at tumakbo si kai palapit.

"Ano na naman?!" Kung mang aasar na naman itong gagong toh. Hindi pa sya nadadapuan ng covid dadapo talga ang kamao ko sa kanya.

"Paalala lang habang may covid. Kumain ka ng maayos, maghugas ka ng kamay palagi, wag ka ring lalabas palagi." Tinaasan ko sya ng kilay

"Di ko akalaing trip mo rin palang maging barangay kapitan." Sasarhan ko na sana ulit siya pero pinigilan nya ako.

Namilog ang malaki kong mata ng inangat niya ang mask ko para matabunan half ng mukha ko.

"Tsaka palaging magsuot ng mask ha."

Napaatras ako sa gulat ng hinalikan nya ang tungki ng ilong kong natatabunan ng facemask.

"Bye labs."



Anong nangyari?


Gago sya ah

BASHER (Yuna x Huening Kai)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon