1. He have a Weird Angelic Name

38 1 0
                                    

I sat beside him dito sa pinakadulong row. "Hi." I greeted him, but he just snob me. Okaaay. "What's your name?"

Sa halos isang linggo kong pag iisip at pasimpleng sulyap ko sa kanya kapag magka-klase kami, ngayon lang ako nagkalakas ng loob lumapit sa kanya.

Napag alaman kong magka-klase kami sa ilang mga subjects. He's a Civil Engineer student.

Narinig kong nagbulungan at napatingin sa amin ang iba naming mga kaklase. Why? Because he is the only one here in the last row and I am the only one who had the guts to sit beside him. But well, who cares?

He gave me a cold stare kaya napaiwas ako ng tingin. Scary. Nakita kong naglagay siya ng earphones at naglabas ng sketch pad at pencil. He knows how to draw? Stupid, engineer nga pala.

I watched him draw. A... lovers? Really? Jeez! Nakikita mo naman Ruru di ba? A boy and a girl holding each others hands while sitting on a bench at nagshe-share sa earphones. Hmm. May pagka hopeless romantic din pala ito. Wala sa itsura ah

Nagulat ako ng bigla niya sinara yung sketch pad niya and remove his earphones. Tinignan ako ng masama. "Quit staring." he said. But I just smiled at him.

"I'm Ruru Amiella. Nice to meet you." i offer my hand para makipag shake hands pero he just stared na parang sinasabing 'pakialam ko?' Wth.

"It's not nice to meet you." He arrogantly said at ibinalik na naman ang earphones niya. What's the problem of this guy? Kung akala niyang madadaan niya ako sa snob attitude niya, pwes mali siya.

Kinuha ko yung isang earphones sa tenga niya at nilagay sa tenga ko. Nagulat siya sa ginawa ko kasi tumingin siya sa akin ng masama, but I just smiled.

"Good Morning Class." Biglang nasitahimikan ang mga nag bubulungan and focused their attention in our professor. Biglaan niyang hinila mula sa tenga ko yung earphones niya at itinago sa bag niya. How rude.

"Since this is your last day and your christmas vacation is tomorrow, I will give you a requirement for my subject. And serve as your project. It will be a great help para madagdagan ang points niyo." she pause. "I want you to do the Caroling this christmas, have a Documentary and passed it before the encoding of grades. Dapat may picture kayong dalawa to prove that you did the requirements. And you must earn 1,000 per pair. The money will be donated to the orphanage. Understood?"

So that means... by partner? "Your seatmate will be your partner. It is more challenging instead of by group. And in that case, we can earn more funds. Maraming makikinabang dito kaya give it with your best shot. That's all and see you next year."

Hindi ko alam kung anong connection ng project na ito sa subject namin but siguro dahil Christmas?

Napatingin ako sa katabi ko.He boredly look at me. I just smiled. It means I have the time to know him more.

---

"Atlast!" i said ng sagutin na niya yung call after trying for 19 times. He's really that rude. "Hey! This is Ruru. Your seatmate in the English subject."

After kasi ng class ay bigla siyang nawala. I tried to find him in the campus pero wala na siya. Talaga palang ang bilis niyang maglakad. So I just asked for his number to his fan girls. I wonder why and how they have it but they didn't even try to call or text him. Are they scared?

"So?" ang cold niya. Uhm.. pano ko ba siya ia-approach? Maybe start it with a joke? "May itatanong lang kasi ako. Inportante siya!" i said it with my hyper and energetic voice.

"Spill it." sabi ko nga wala siyang pake. "Pero sana wag kang magagalit ha. Importante lang. Nalilito na kasi ako e."

"Just say that goddamn important thing!" ay nagalit na. Siguro na curious na siya.

I breathe deeply. "Anong mas malaki bag ni Dora o bulsa ni Doraemon?"

I hear him cuss. "Hahaha. Joke lan--" the line ended. I just heard that question in Rachell. Maxine and Sandy laugh hard so I thought it was funny, though I don't find it a good joke. Jeez wrong move Ruru.

I tried to call him again but he didn't answer it. What I'm gonna do? I didn't know his house so I can't go to see him personally.

"I heard that he's living at Del Vin Village." I gasped when Maxine suddenly approach me. "Sorry I scare you." She smiled. She really know when I needed help. "Where's Rachell and Sandy?" napansin ko kasing hindi niya kasama. Eh hindi kami mapaghihiwalay eh.

Pero teka, Del Vin Village. Magkapareho kami ng village! Saang phase naman kaya ang bahay nila? May 20 phases kasi dito sa village. And I think may humigit 10 houses per phase. Kaya imposibleng mahanap ko ang bahay nila.

"Magbabakasyon sila ng mga pamilya nila kaya umuwi na agad sila para makapag ayos." I nod.

"Alam mo ba kung saang phase siya nakatira?

"Hindi e. Wala ka bang number niya?" She asked habang patuloy lang kaming naglalakad papasok ng aming village.

Iisang village lang kami nakatirang  magkakakaibigan pero iba't ibang phase kami. Nagkakilala kami nang minsang naging magkagrupo sa isang event dito sa village.

"Meron. But he didn't answer my calls. It looks like I pissed him off."

She decided na samahan ako. Kinwento ko sakanya yung about sa requirements kaya hinahanap ko siya at yung ginawa kong pag joke sa kanya. "So you will grab this chance para makilala mo din siya and complete your list?"

"Kasama na yun." ngumiti ako. "You will help me right?" she nods. Maya maya ay nag paalam na sya dahil may gagawin pa daw siya.

Habang naglalakad pauwi napadaan ako sa park ng village. Sa phase 9 kasi ang bahay namin at nasa phase 6 banda ang park. Nasa gitna ito ng village at talaga namang malaki. Dito minsang ginaganap ang mga events ng village.

Pumunta ako sa playground para maupo sa swing at makapagpahinga. Gawain ko ito kapag naglalakad lang ako pauwi. Napahinto ako ng mapansin may tao doon. There, I saw him with his earphones and sitting in the bench. Pang model ang datingan.

Like what I did before, umupo ako at kinuha ko yung isang earphone sa tenga niya at nilagay sa akin. Paramore eh? Nagulat ako ng samaan niya ako ng tingin at tumayo paalis, nahila na naman sa tenga ko yung earphones.

"Hey! Wait lang!" Hinabol ko siya kasi ang bilis niya maglakad.

"What are you doing here?" Sinabayan ko siyang maglakad. "Are you my stalker? Or one of those crazy girls?"

"Hindi ah! Coincidence lang, dito din kaya ako nakatira." So he's aware na my mga babaeng nagkakagusto sa kanya? Sabagay, karamihan kasi sa mga babae ngayon bad boy ang type. Pero.."Sorry kanina. Joke lang naman iyon eh. Hindi talaga iyon yung sasabihin ko."

"Then say it. You're wasting my time." Hindi man lang niya ako nilingon nang sabihin niya iyon.

"Yung about sa requirements."

"Tomorrow evening. Here in the park." Tuloy tuloy siyang naglakad.

Nakasunod lang ako sa kanya since dito rin ang daan ko. Lumiko sya sa phase 8.  Dire-deretso ang lakad niya kaya naman hinawakan ko ang braso niya. Wow, biceps. "What now?"

Parang nairita siya sa pagkakahawak ko pero hindi ko pa rin siya binitawan. Baka bigla umalis.

"What about a small introduction about my partner?" I smiled. "I'm Ruru. Ruru Rei Amiella." Inilahad ko yung kamay ko pero he just looked at it.

"Cloud Haiven Schicksal" inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Cool name. But.. "You have a weird angelic name." Sigaw ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin at ngimisi. "You have a weird boyish name, then." At nagpatuloy sa paglalakad. Ang gwapo niya sana kahit nakangiti, but what? Weird boyish name? Ang unique kaya ng pangalan ko! Psh, whatever.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating at ako sa phase namin. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mommy ng halik sa pisngi. Pumunta agad ako sa kwarto ko at nilabas ang notebook para isulat ang nalaman ko.

XxxxxxxxxxxxxxxxxxX

That Bad Boy's To Prove List:

1. That bad boy have a Weird Angelic Name.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Bad Boy (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon