Prologue

10 0 0
                                    

Prologue

Prologue

I hate commitment. I hate it to the core. I only do flings. Pero ano bang pinagkakaiba ng fling at boyfriend? They only act the same. Irritatingly the same. Demanding all around, act so possessive, and gets jealous. That's why I only do flings. It will draw the line and keeps you stand to where you should only stand. Alamin mo kung saan ka dapat lulugar coz less attachment, less mistakes.

Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Lolo at pumasok. Pinatawag niya ako at hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin. Kakabalik ko lang galing Spain at may jetlag pa ako. Nasa may pintuan pa ako ay may naririnig na akong tawanan. I held my head up high. You see, confidence is beauty and beauty is a curse acting like a bliss. Natigil ang tawanan nang nagsimula akong maglakad palapit. Tanging takong ko lang ang naririnig.

Pagkalapit ko ay ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Hindi naman siguro mahahalatang plastic ako. Nanakit at panga ko dahil sa pagpilit kong ngumiti kahit ayoko na. Kausap ni Lolo ang dating karibal naming kompanya.

Tss. Mga plastic talaga ngayon nagiging saranggola na. Ang tataas ng pangarap at lipad, sumasabit rin naman.

"Hi!" I smiled so sweet that my chinky eyes can't see their plasticity anymore. Ngumiti sa akin ang asawa ng lalakeng katawanan ni Lolo kanina. Tumayo si Mr. Chen. Ang CEO ng dating kalabang kompanya. Nakipagkamayan ito sa akin na tinanggap ko naman. Plastic and another plastic flock together.

"You have a very beautiful granddaughter, Mr. Sarmiento. Your granddaughter is a match to my handsome nephew. Don't you agree?" tumawa si Lolo.

"Yes, yes. Sure they will gonna be," natatawang saad ni Lolo. Kanina pa ako nakatayo dito. Hindi man lang ako inaanyayahan. I crossed my arms and snickered.

"So pinapunta mo ako dito para ipagkanulo, Lolo?" tumayo ang mag-asawa at nakipagkamay kay Lolo.

"Umaasa akong pag-iisipan mong mabuti ang alok ko, Mr. Sarmiento. Mauuna na kami," said Mr. Chen as he held his wife's waist and stormed out from the office. Tumikhim si Lolo.

"Isa yan sa dahilan ng pagpapapunta ko sa'yo dito. Umupo ka," I tsked. "Pinapunta kita dito dahil ikaw ang gusto kong mamahala sa flagship company natin. Ang kapatid mo ang bahala sa ibang branch. Isa pa, kailan ka ba magsesettle down? Bente siete ka na, ilang taon na lang lalagpas ka na sa kalendaryo. Kailan mo ba ako bibigyan ng apo sa tuhod?"

I almost choked on my own. No. Settling down is not yet on my plan. Or will never be. Mukhang nabasa ni Lolo ang nasa isip ko at nagsalita.

"Alam ko kung gaano mo kaayaw ng commitment, apo. At hindi kita masisisi. Pero kahit wag ka nang mag-asawa basta magkaanak ka lang. Nang sa ganun, may susunod na sa pamamahala ng kompanya. Malaki ang tiwala ko sa'yo, Rin. Alam ko rin kung gaano mo kamahal ang kompanya. You managed the company at the age of 16. Nagluluksa pa ako sa pagkamatay ng lola mo at masaya akong nakayanan mong pamahalaan iyon sa ganung edad. Kung hindi mo alam, sinubukan kong ibigay kay River ang kompanya pero sunud-sunuran lang rin sa'yo ang kapatid mo. Sa inyong dalawa, ikaw ang mas dominante kaya nasisiguro kong mas palalaguin mo pa ang kompanya," I sighed. I love the company dearly. Kaya ko itong pamahalaan buong buhay ko pero ang magkaroon ng anak ng wala sa plano ay hindi ko kakayanin. Ni hindi ko pa nga naiisip ang pagboboyfriend at pagpapakasal, anak pa kaya?

"Bibigyan kita ng palugit," taka kung tiningnan si Lolo. Masama ang pakiramdam ko dito. "Hindi na ako bumabata pa, apo. Kaya dapat sa susunod na taon ay nagdadalang-tao ka na. Kahit wala kang maihaharap na lalake basta bilog at malaking tiyan ang ihaharap mo sa akin. Maraming lalake ang naghahabol sa'yo kaya mas mabuting pumili ka na lang ng isa sa kanila. Kung maghahabol pa rin sa'yo kahit buntis o may anak ka na, aba e maganda. Pero sa'yo pa rin ang desisyon. Kapag hindi mo nagawa sa susunod na taon, ibibigay ko sa papa mo ang kompanya," namutla ako sa sinabi ni Lolo. Hindi ako makakapayag. Ibigay niya na kahit sa kapatid ko ang kompanya wag lang sa walang kwenta naming ama.

Namumutla akong umalis ng kompanya. Nang makapasok sa kotse ay agad kong tinawagan ang isa sa mga kaibigan ko.

"Blanca, may kilala kang sperm donor?"

"Yes, marami. Why?"

Napakagat-labi ako at nagdadalawang-isip kung sasabihin ko ba.

"A-ano kase.. kailangan ko ng s-sperm donor.."

"Ah.. W-wait-what? Ikaw? Sperm donor? Para saan? I mean, bakit? I mean both! Para saan at bakit?!" napapikit ako sa sigaw ni Blanca. Napabuntong-hininga ako.

"I'll tell you when I got there. Itetext ko ang address," tsaka ko pinatay ang tawag at itinext ang address.

I hope this will turn good dahil kung hindi. Lalayas talaga ako kay Lolo.

Soul Society 1: The Lady Who Hates CommitmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon