Chapter 1
I am smiling flirtily at the man behind me as I grind myself in front of him. Sinulyapan ko ang pinsan kong si Sarya. Itinaas nito ang shot glass. Pinapabalik na ako sa sofa namin. Binalingan ko ang kasayaw at kinindatan tsaka iniwan sa dagat ng nagsasayawang mga tao. Mga taong gustong pansamantalang makalimot. Gustong magsaya. Gustong tumakas. Katulad ko.
Pasuray-suray akong naglakad papalapit sa pwesto namin. I'm not drunk but I felt tipsy. Sa paglalakad at sa dami ng taong nagsasayawan, wala akong ibang choice kundi ang dumaan sa ibang pwesto. Pinili kung dumaan sa pwesto na walang tao. Madilim. Mukhang nagsayawan na ang umaarkila ng pwestong iyon kaya sa gitna ng pwestong iyon ako dumaan.
Isang lakad na lang at makakaalis na ako sa pwestong iyon nang may sapatos na siyang muntik nang makadapa sa akin. Mabuti na lang at napaupo lang ako. Akmang tatayo ako nang napaupo ulit ako. Pero may napansin akong kakaiba. I'm not drunk to be this stupid. I grind. Dinilat ko ang mga mata ko ng malaki at naaninag ang dibdib ng lalake. So this means, nasa kandungan ako ng isang lalake? Might as well enjoy this moment, eh?
I bit my lip as I look up to the man. Maputi ito. Payat pero pakiramdam ko'y may tinatago rin siyang katipunuan. Dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang dibdib. My hands trembled and my knees wobbled kahit nakaupo ako sa kandungan niya.
"Hey, handsome. Can you help me get up?" I said. I know to myself that I can stand but being touched and sitting on his lap makes my knees tremble that I can't even stand his soulful eyes. Umiikot ang paningin ko. Ni hindi ko siya maaninang. Rinig ko ang pagpalit ng kanta galing sa disco papunta sa maharot na kanta. I could feel his warm breath on my forehead. Bumuntong-hininga siya na para bang isang mahirap na gawain ang pabor ko.
Akmang hahawakan niya ang beywang ko nang may narinig kami.
"And who are you to sit on my fiancé? Are you one of his whores?" hindi ko ito pinansin at mas hinigpitan ang kapit ko sa shirt niya.
"Please, help me get up," I said acting to be helpless as I tried to stand. Hinawakan niya ang beywang ko at itinayo. Ginulo ko ang buhok ko. Mapungay ang mga matang nginitian siya.
"Thanks, handsome. See you around," ani ko saka siya tinalikuran. I still feel tipsy pero rinig ko ang paninigaw ng babae sa kanya. Fiancé huh?
Kasunod lang ng table nila ang pwesto namin kaya rinig ko ang sipulan ng mga kasama ko. Relatives. Habang papalapit ay nararamdaman ko pa rin ang maiinit niyang tingin sa likuran ko. I could care less but I could still feel my legs wobbling. Mariin akong pumikit at pabagsak na umupo katabi si Roe. Pinsan ko rin. May kandong-kandong itong babae kaya hindi rin niya maririnig ang itatanong ko kay Sarya. Mga pinsan ko sila sa mother side.
"May nahanap ka na?" kinuha ko ang tequila sunrise na nakaabang lang sa harap ko at tinungga.
"Wala pa. Expats yung mga kilala ni Blanca na sperm donor. Ano bang gusto mo? Bakit ka nagmamadali?" I groaned as I messed my hair.
"Wag na lang," dinilatan ako ni Sarya.
"Anong ibig mong sabihin?" tumayo siya at lumapit sa akin. She even crossed her arms. "Ako na lang ang maghahanap, Sarya," I chuckled. "At isa pa, nasa bar tayo, should I do one night stand now?"
Hindi ko naman napansin na nakikinig sa akin ang mga pinsan ko kaya napansin ko ang nanlilisik nilang mga mata.
"Anong sabi mo?!" sigaw ni Roe at napatayo pa. Nahulog yung babaeng nakakandong sa kanya. Pilit akong ngumiti kay Roe.
"Wala lang to, Roe. Hindi ka naman mabiro," I chuckled. Kita ko pa ang pag-igting ng panga niya. Padabog siyang umupo at pilit siyang pinapakalma ng babae niya.
BINABASA MO ANG
Soul Society 1: The Lady Who Hates Commitment
General FictionSynopsis Rinia Sarmiento, who hates commitment needs an heir. Bringing an offspring into life is a big commitment and responsibility. Sperm donor. Iyan lang ang kailangan niya. Hindi niya kailangan ng asawa, anak lang. All was planned. After a night...