Prologue

7 1 0
                                        

Tyler's POV

Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko pa ang matinding pagkahilo ko. Ramdam kong gumegewang-gewang ako at ni hindi ko rin makita ng maayos ang aking dinadaanan dahil sa panlalabo ng paningin ko.

Ang naaalala ko lang ay naaksidente ako.

May misyon.

Bumalik ako para gawing permanante ang pananatili ko dito. Para bawiin ang buhay ko.

Nang luminaw ang paningin ko at bahagyang nawala ang pagkahilo ay tumigil ako sa paglalakad.

Dinapuan ko ng tingin ang katawan ko at hinaplos ko ng mahina ang mukha ko.

Totoo nga.

Nabuhay ako ulit.

Tumingala ako at madilim na kalangitan agad ang natanaw ko. Wala ni isang bituin at natabunan na ng makakapal na ulap ang buwan.

94 days. Yan lang ang mayroon ako upang maisagawa ko ang misyon ko. Kailangan kong magmadali dahil malaki ang mundo, hindi malayong mahihirapan ako sa paghahanap ng susi.

Muli akong nagbaba ng tingin saka nagpakawala ng malalim na hininga.

Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.

----

Alone With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon