AWY: 1

4 0 0
                                    

Tyler's POV

Hindi ko maitago ang matinding tuwa na nararamdaman ko ngayon. Parang walang nangyari sa akin at pakiramdam ko ay panaginip lamang ang lahat ng nangyari bago ako nakabalik dito.

Lumingon-lingon ako sa paligid ko at natauhan lang ako ng makitang may mangilan-ngilang tao na at hindi ako nag-iisa dito di tulad kanina.

Madilim ang kalangitan at tanging mga dilaw na ilaw sa bawat poste lamang ang nagpapa-liwanag sa eskinita.

May nakikita akong mga magkasintahan na magkasama at may mga nagtitinda din ng mga pagkain tulad ng mga ihaw-ihaw, balot, at mga tsitsirya sa gilid.

Wala pa ring pinagbago dito sa lugar namin.

Napailing ako at mahinang natawa ng maalala kong wala namang talagang magbabago dahil ilang linggo pa lang naman buhat nung mawala ako.

Hindi ko pa rin maitago ang mga ngiti ko ngayon habang dinadama ang mainit kong katawan. Totoo na nga talaga 'to.

Muli akong isinilang, gaya na lamang ng ipinangako ni Ariesa.

Naglakad-lakad ako habang iniisip kung saan na ako pupunta ngayon. Sa bahay namin? Pero naalala ko, hindi nga pala ako kilala ng pamilya ko ngayon. Wala nang makakakilala sa akin dito.

Tsk.

Saan ako magpapalipas ng gabi? Hindi ako pwedeng mag-check in sa hotel kasi wala naman akong pera!

Napangiwi agad ako nang kumalam ang sikmura ko. Nagugutom na ako.

Hinimas-himas ko ang tyan ko at biglang napaisip.

May katawang tao na nga pala ulit ako, kaya malamang magugutom talaga ako.

Saan ba ako pupulutin nito? Wala akong kahit na ano. Wala akong mahingan ng tulong. Tsk, dapat nanghingi na lang ako ng pera kay Ariesa bago ako bumalik!

Si Ariesa. Siya ang tumulong sa akin upang makabalik ako sa lupa. Isa siya sa mga bantay mula sa tala at siya ang nilapitan ko base sa naaalala ko nung mga panahong nahihirapan akong tanggapin na wala na ako.

Na sa isang iglap ay bigla akong lilisan dito sa mundong ibabaw.

Ang lahat ng itinulong niya sa akin ay may kapalit. Siya ang nagbigay sa akin ng misyon upang tuluyan ko ng maibalik ang buhay ko dahil ang nangyayari ngayon ay panandalian lamang.

Oo, tama. Nandito akong muli sa lupa para sa panandaliang panahon lamang, para maisakatuparan ko ang dapat kong gawin.

Mahaba ang paliwanag. Marami kaming napag-usapan ni Ariesa pero sa susunod ko na lang muna 'yun iisipin dahil nagugutom na ako. At wala akong matutuluyan ngayon.

Muli akong naglakad-lakad. Eh kung manlimos na lang kaya ako?

Tsk, hindi ako marunong! Crap. I feel so hopeless now.

Napatingin ulit ako sa paligid at sa paglilibot ko ng tingin ay nakita ko ang isang mag-ina na natutulog na sa gilid ng kalsada. May sapin silang karton at wala silang unan at kumot.

Nakaramdam ako ng awa. Hindi ko alam kung paano nila nakayanang matulog sa ganyan.

Ako nga noon, sa sofa pa lang ay hindi na ako kumportable. Sa ganyan pa kaya?

Napahinga ako ng malalim saka lumapit din sa may gilid ng kalsada, malapit sa tabi ng mag-ina.

Wala na akong ibang mapupuntahan kaya dito na lang muna siguro ako magpapalipas ng gabi.

Oo tama.

Naupo ako saka sumandal sa matigas, magaspang at malamig na pader. I don't feel comfortable right now but I need to endure this to survive. Yes, to survive.

Alone With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon