Mahal Kita Aking Ina

221 5 4
                                    

Mula ng isinilang niya ako
Minahal niya ako ng totoo
Siya ay hindi sumuko
Inaruga ako ng buong puso

Ang sabi pa nga niya
Ang hirap daw nung siya'y nag dadalantao pa
Pero nung ako'y inuluwal mula sa sinapupunan niya
Umiyak siya sa sobrang tuwang nadarama
Siya ay hindi nagkulang
Na maging isang mabuting magulang

Kahit na siya ay nahihirapan
Ibinigay niya lahat ang aking pangangailangan
Sa mga panahon na naiisip ko si ina
At sa mga panahon naririnig ko ang pangalan niya

Napapaluha ako ng sa tuwing ako'y nag iisa
Dahil ginagawa niya ang lahat upang ako'y mapasaya
Kahit siya ay nahihirapan na
Dumating ang panahon na siya ay nagpaalam na

Ako'y nagdusa sa paglisan niya
Ang aking puso ay parang piniga
Sa sobrang lungkot na nadarama
Nang tignan ko ang kanyang labi na namumutla
Na tinatabunan ng lupa
Ako ay sobrang nagsisi

Na hindi ko naiparamdam na siya sa aki'y mahalaga
May gusto akong sabihin sa kanya
At ito ay apat na salita
Sana sa pamamagitan nitong tula
Masabi ko sa kanya "Mahal Kita aking Ina"

Tulang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon