Salamat, Maaari ba?

74 3 2
                                    

Paano bako magsisimula
Sa umpisa, gitna o sa dulo na
Pwede bang magsimula tayo sa umpisa
Yung bang sa masaya

Nagkakilala nung unang-una
Naging masaya
Na para bang panaginip na magiging ala-ala

Mga araw na tayo'y magkasama
Parang nasa langit na
Na gusto ng mamatay kasama ka

Pero nung umabot na tayo sa gitna
Gusto mo ng kumawala
At ang masayang araw nating dalawa
Ay naging basura at humantong sa wala

Akala ko ba
Tayong dalawa
Sabi mo nga tayo ay nakatadhana
Pero bakit ang walang hanggan
Nauwi sa pag-iiwanan

Ganyan na ba talaga ang pag-iibigan
Mang-iiwan at magtataksilan

Pero alam mo
Masaya ako kahit na di tayo
Napaiyak at napatawa mo naman ako
Kahit na diko naman ginusto

At ang iniwan mong bakas
Na aking dinanas
Ay unti-unti ng nawawala
At nabubura na sa aking ala-ala
Kaya salamat, maaari ba?

Tulang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon