Isa, Dalawa, Tatlo

83 3 2
                                    

Isa, Dalawa, Tatlo
Di yan bilang ng pintig ng aking puso
Di yan yung bilang ng luhang patulo
Kundi yan yung bilang ng hakbang papalayo

Isa, Dalawa, Tatlo
Di yan yung bilang ng pagbuhos ng ulan
Kasabay ng luhang dulot ng sakit na nararamdaman
Kundi yan yung bilang ng pagsuko ko sa laban

Masakit mang tanggapin
Na hindi ikaw yung para sa akin
Yung sampal ng katotohanan
Nasa iba kana nakalaan

Siguro, Mahirap, Oo
Pero wag kang mag-alala, kahit wala ka, kaya ko, Kasi para sabihin ko sayo
Tao ka lang di ikaw yung aking mundo

Simula ngayon tatayo at babangon ako
Di nako mahina tulad ng dating nakilala mo
Magiging matapang at palaban ako
At magsisimula yan sa pagbilang ko ng Isa, Dalawa, Tatlo

Tulang MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon