Chapter 3- The Accident

29 0 0
                                    

Nicole's POV

Kahit nag-iisa'y masaya kong pinagmamasdan ang mga estudyanteng abala sa kanilang mga ginagawa. May naglalaro, may nag eensayo para sa cheer dance competition, mayroon ding mga nanonood na hindi magkamayaw sa kasisigaw para i-cheer ang kani-kanilang team.

Kasalukuyang naglalaban ang Blue Team at Yellow Team sa larong volleyball.

Kahit pawisan na ang mga manlalaro ay makikita mong walang gustong magpahinga sa kanila.

"Ang galing!" Mahina kong sabi sa sarili ko habang pinagmamasdan ang pagpapalipat-lipat ng bola sa magkabilang court.

I am phlegmatic. Hindi rin na man ako loner pero masaya na akong pinanonood ang iba sa kanilang ginagawa. Kapag malayo ka kasi sa ibang tao mas nakikilala mo sila at mas napag-aaralan.

Natapos ang laro na panalo na naman ang Yellow Team mukhang maganda ang taong ito para sa team namin.

Tumayo na ako para pumunta sa cafeteria. Gutom na naman ang maliit kong tiyan.

Malaki ang cafeteria ng paaralan.
Marami kang mapagpipilian. May mga lutong pinoy ngunit mayroon ring foreign recipes kasi maraming mga nag-aaral dito na kung hindi pure Filipino ay talagang dumayo pa mula sa ibang bansa para dito mag-aral sa Miriam University o MU.

Matalik kasi na kaibigan ng may-ari ng paaralan na ito ang dating senadora ng bansa. Kaya ng yumao ito ay pinapalitan ng may-ari ang pangalan ng aming paaralan bilang pagpupugay sa kanyang yumaong kaibigan.

"Beatrice!" Tawag sa akin mula sa likuran.

Paglingon ko ay nakita ko si George.

"George, anong atin?". Pangiti kong tanong. Kaunti lng sina George na nakahiligan akong tawagin sa ikalawa kong pangalan.

"Kasi Be, kailangan ko ng tulong mo eh."

"Ano 'yon? Basta ba naman hindi pera ay mukhang makakatulong ako sa'yo." Patawa kong sagot sa kanya.

"Patawa ka talaga minsan." Natatawa niyang sabi habang kinukurot ang pisngi ko.

"Aray, masakit iyon ha?" Nakasimangot kong sabi medyo nainis naman talaga ako. Ayaw ko kasing may humahawak sa akin.

"Hahaha pasensya ka na Be, ang cute mo kasi talaga kapag tumatawa." Paghingi niya ng paumanhin.

"So how may I help you?" Tanong ko.

"Sandali lang, ano bang gusto mong orderin at nang hindi ka na makatanggi sa hihingin ko sa iyong pabor? Hahaha" Pangungulit niya.

"Para na mang sinusuhulan mo ako nito pero sige gusto ko ng Chocolate with Vanilla cake."

"Sige sandali lang ha? At medyo mahaba ang pila. I'll be right back." Mabilis siyang tumalikod at umalis.

Lumingon-lingon ako kasi para bang may lihim na nakatingin sa akin.

Wala na man akong nakita, marami rin kasi talagang tao sa cafeteria.

Binuksan kasi ang paaralan para sa ibang estudyante na gustong manood ng mga palaro at mga kompetisyon.

Hindi ko na rin pinansin baka nagkakamali lang ako.

"Hello Beatrice! Here is your order Madame." Natawa ako nang umasta si George na parang utusan ng isang prinsesa.

"Maupo ka na nga, nakakahiya baka ano pa ang isipin ng iba." Nakangiti kong saway sa kanya.

Kahit hindi ko siya sinagot ay hindi naman nagbago ang pakikitungo ni George sa akin.

Until Her Last Breath Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon