Chapter 6-Unlucky Morning

22 0 0
                                    

"Pero akala ko ba makakauwi ka na bago ang pageant night ni Nicole, it is her first time thus we should be there to cheer for her." Si mom.

"Ano ba na man yan Frank? Ngayon ka pa natagalan nang sobra sa business trip mo ah." Parang naiinis na na sabi ni mama.

Gusto ko na talagang  lumabas ng bahay dahil baka ma-late ako sa final rehearsal namin pero nasa livingroom si mama. Nahihirapan din akong magpaalam dahil parang nagkakasagutan na sila ni Dad.

"Hindi ko na man sinasabing hindi 'yan importante but please try to understand that Nicole needs her father tonight! Nangako ka na makakauwi ka para suportahan ang anak mo." Nanginginig na ang boses ni mama dahil parang naiiyak na siya.

"Ah mom, may problema ba?" Kunwaring wala akong narinig.

"Ah, wala anak... Kumain ka na ba? Gusto mo samahan kita?" Ramdam ko ang hinanakit sa mga mata ni mama. Gusto ko siyang yakapin pero baka hindi makatulong.

"No mom, I will be late na po kasi sa rehearsal namin. 1 hour lang din naman po mom. I'll be right back before 10am." Pagpapaalam ko.

"Okay anak, basta just make sure na hindi ka magugutom ha?" Nakangiti na si mama.

I kissed her in the cheeks and hurriedly went out.

Halos 10 minutes na akong late dahil dahil malala ang traffic sa kalsada. 

Sa lahat ba na man ng araw na pwedeng magkaroon ng aksidente sa daan ay ngayon pa talaga!

Halos patakbo na ang lakad ko papunta sa venue.

"Ouch! Ahhh... ang init!" I can feel the hot liquid creeping into my fresh-bath body. 

"Oh miss, I'm so sorry. Bakit ka kasi tumatakbo? Eh nakita mong hallway 'to."

"So ganyan na pala ang bagong paghingi ng paumanhin ngayon? Ikaw na nga 'tong may kasalanan!"
I glared at him and looked at him from head to too.

Kung nakakapatay pa ang pagtitig paniguradong kanina pa nakahandusay sa sahig ang antipatikong lalaking nasa harapan ko!

Nakita kong may inilabas siya mula sa kanyang bulsa.

Mabilis niyang pinunasan ang natapon niyang kape sa damit ko nang mapansin kong natatamaan niya na ang malulusog kong dibdib.

Biglang nanlaki pa ang mga mata niya!

"Bastos!" Parang may sariling utak ang kamay ko. Tumama sa makinis na mukha ng lalaking kaharap ko ang isang napakalakas na sampal.

Ayaw ko ng makita ang reaksyon niya.

Tumakbo na ako palayo at hindi na lumingon pa.

"That jerk! Ahhh... He is really insane!" Galit kong sabi habang tumatakbo palayo. 

***
"Buti na man at dumating ka pa, contestant no. 4! Anong nangyari sa'yo at bakit ang dumi-dumi ng damit mo?" Alangang galit na nag-aalalang tanong ng event organizer na min.

Kahit baklang palangiti si sir ay nakakatakot siyang magalit.

"Pasensya na po sir. Eh kasi aksidente akong natapunan ng kape ng lalaking nasa hallway eh." Paghingi ko ng paumanhin.

Naalala ko na naman ang mukha ng lalaking 'yon. Hinawakan pa ang dibdib ko? Ah! Nakakainis talaga!

"Sige, break muna tayo girls at nang makapagpahinga kayo at makabihis na man itong si Nicole.

"By the way, where is your number Nicole?" Tanong ni sir Ricky.

"Nandito lang po iyon kanina sa damit ko sir. Naka-pin na po iyon." Sobrang nag-aalala kong sagot ng wala na akong makapa.

"Is this what you are looking for?" Pamilyar na boses ang narinig kong nagsalita sa likuran ko.

Napansin kong nanlaki ang mga mata ni sir sa nakikita niya sa likuran ko.

Napansin ko ring maging ang mga kapwa kong candidates ay pinipigilan ang pagtili. Para bang manghang-mangha sila sa kanilang nakikita.

"Hi miss, I'm asking if this is what you are looking for?" Tanong niya ulit.

Hinarap ko siya at nakita ko ang number ko na itinaas niya pa.

"Yes, akin na iyan." Paasik kong sabi.

"Mag-sorry ka muna. Ang sakit kaya ng ginawa mo!" Seryoso niyang sabi.

"Nagpapatawa ka ba? Why should I say sorry to you. Look what you have done to me?" Tinaasan ko siya ng kilay habang itinuturo ang damit kong naging kulay kape na.

"Okay, if you don't need this. Then I'll go ahead." Pangiti niyang sabi at agad tumalikod.

"Hoy, Mr. Antipatiko! Is that really your expertise?  Keeping things that are not yours!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Give me first your sincerest apology. If not then give me your calling card so I can let you pay the coffee you just spilled."

"What??? Ginto ba 'yong kape mo at ang oa ng reaction mo?" I shouted at him.

"Ehem... Excuse me, parang hindi pa talaga matatapos yang bangayan niyo pero ang break time ay malapit ng matapos Nicole." Parang nanunuyang sabi ni sir.

"Grrr... Nakakainis ka talaga!" Galit na galit kong sabi sa lalaking kaharap ko.

I gave him my calling card and I'll make sure that he will regret for asking it from me.

"Madali ka naman palang kausap eh."  Then he gave me my number and showed me an evil smile.

I immediately went to the comfort room and changed my t-shirt.

Wala na ba talagang matinong mangyayari sa araw na ito?

"Oh ito Nicole, pampakalma." Kyla gave me a bottle of water and smiled.

"Thanks Ky."

"You're welcome, kilala mo ba kung sino iyon?" She asked.

"No, at ayaw ko ring makilala ang lalaking 'yon! Nanggigil talaga ako sa kanya." Namumula sa galit kong sabi.

"Hahaha ayan namumula na naman si labanos! You know what noong hindi pa siya nagsalita kanina nagagandahang lalaki talaga ako sa kanya. He looks so masculine in his suit and his stares can really melt a woman's heart." Kinikilig na sabi ni Kyla.

"Oh my God Kyla, kailan pa nagbago ang taste mo sa lalaki? Hindi mo ba narinig kanina kung gaano siya kabastos? Antipatiko! Akala mo kung sino!" Hindi pa rin talaga humuhupa ang galit ko.

"Hahaha, alam mo Nicole? Ngayon pa kita nakitang galit na galit at hindi ko akalaing pwede ka pa lang magalit ng ganyan katindi! Relax na okay. You should be very pretty para mamaya. Maraming teammates natin ang umaasa sa atin." Niyakap ako kaagad ni Kyla para gumaan ang pakiramdam ko.

***
Palabas na ako ng skol nang marinig ko ang mga professors naming may seryosong pinag-uusapan.

"Talaga, may nakasagutang estudyante si Mr. Ellison." Pabulong na sabi ni Prof. Ballmer

"At alam mo kung ano ang malala pa doon? Isa raw sa mga candidates ngayong gabi!" Si Prof. Winfrey.

Gaano ba ka importante ang Mr. Ellison na iyan at talagang pinag-usapan ng mga professors namin? Halos magtatapos na ako rito sa MU ngunit ngayon ko pa narinig ang pangalan niya.

Naiinis pa rin ako sa tuwing naalala ko ang paghipo niya sa dibdib ko at paglaki ng mga mata niya.

"Bastos talaga!" Pabulong kong sabi sa sarili.

Sana na man hanggang ngayong umaga lang itong kamalasan ko.

Napaigtad ako nang mag-vibrate ang phone ko.

"You gotta pay me for ruining my beautiful day. 😏"

Until Her Last Breath Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon