CHAPTER 19:SAKIN LANG SIYA

447 91 0
                                    

Ji woo pov

Ng makarating na kami sa bahay ay agad kong kinausap si hyo rim

Layuan mo na siya dahil akin siya!. Sabi ko at tumingin sa kaniya

Tiningnan niya naman ako ng masama at nag smirk

Sino ka para utusan ako? Ha! O baka naman natatakot ka na mapalapit sakin si eun byeol at ako ang piliin niya laban sayo gaya ng nangyari 2 years ago! Ay diba kinausap mo rin ako ng ganito 2 years ago?. Sabi niya at inangat ang isa niyang kilay

Hindi ko na papayagan pang maulit ung nangyari 2 years ago! Para ano? Ipadama kay eun byeol ung sakit na pinaramdam mo kay hea soo 2 years ago? Siguro nga ikaw ang pinili ni hea soo 2 years ago pero ano? Sasaktan ko rin si eun byeol gaya ng ginawa mo kay hea soo? Ha!. Sigaw ko at kwinelyuhan ko siya

Ji woo, hyo rim tama nayan!. Sigaw ni ha kyung

Hindi na mangyayari yon hindi ko siya sasaktan!!. Sigaw niya at inalis ung kamay ko sa kwelyo niya

Ganyang ganyan rin ung sinabi mo sakin 2 years ago pero ano? Sa huli iniwan mo siya at sinaktan at gantong ganto rin ung nangyari 2 years ago parehas tayo ng minahal pero ikaw ang pinili ikaw nga ang pinili pero sinaktan mo naman at iniwan si hea soo sinisigurado ko sayo hindi na mauulit ung nangyari 2 years ago dahil hindi ko na isusuko sayo ng basta basta si eun byeol gaya ng ginawa ko kay hea soo tandaan mo yan!. Sigaw ko at akma na sanang aalis pero nag salita siya

Gawin mo ang gusto mong gawin sa huli ikaw rin naman ang talo sating dalawa!. Sabi niya at tumawa

Siguro nga natalo ako kay hea soo pero ito ang tatandaan mo mas minahal ako ni hea soo kesa sayo ikaw lang ang pinili dahil no choice siya dahil binitawan ko na siya pinili kalang dahil no choice siya hindi dahil mahal ka niya at sisiguraduhin ko na sa pag kakataon na to hindi kana pipiliin kahit no choice payan o sadya !. Sabi ko at umakyat na

Hindi ko hahayaang maramdaman ni eun byeol ung sakit na naramdaman ni hea soo ipag lalaban ko si eun byeol kahit ano pang mangyari

Pumunta nako sa kwarto ko at hinanap ung heart stone pero hindi ko makita kaya tinawag ko si yaya loring

Yaya nasan ung bato dito na korteng puso?. Tanong ko sa kaniya

Ay sir pasensya napo hinagis kopo don sa garden akala ko po kasi bato yon don!. Sabi niya at kumamot sa ulo

Ano?. Tanong ko at nag madaling pumunta sa garden

(Iho papakaingatan mo iyan dahil kapag nawala yan maari ring mawala ang babaeng minakamamahal mo )

Naalala ko ung sinabi nong matanda kaya agad kong hinanap pero hindi ko makita wala namang masama kong papaniwalaan ko yon e

Ilang oras pakong nag hanap pero wala parin akong makita dahil sa dami ng bato dito sa garden ay malamang natabunan nayon sayang lang at gusto kong ipakita yon kay eun byeol sana ay hindi totoo ung pamahiin don

Umakyat nako sa kwarto at nakita ko don si ha kyung na naka upo sa sofa may dala dalang wine

Ang kapatid ko!. Bati niya sakim

Anong ginagawa mo dito?. Tanong ko

Totoo bang nauulit ung nangyari 2 years ago?. Tanong niya at sinalinan ako ng wine

Sa tingin ko rin oo !. Sabi ko at uminom ng wine

Anong balak mo? Sigurado akong kapag wala kang ginawa magiging ganon rin ang resulta non!. Sabi niya at uminom ng wine

Wag kang mag alala hindi mangyayari yon teka! Bakit nga pala concern ka?. Tanong ko at tinaasan ko siya ng kilay

May gusto rin ako kay eun byeol pero ayuko ng makisali sa inyong dalawa kaya nakiki update nalang ako kong sino ung mananalo!. Sabi niya at kumindat

Ung mukong nayon umalis na siya ng kwarto ko at nag ayos nako ng higaan ko iniisip ko parin ung bato sana hindi totoo ung pamahiin tungkol ron

Accidentally inlove with you [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon