Death //01

158 7 2
                                    

Nagising ako dahil sa matinding liwanag na tumama sa mukha ko. Pagdilat ko ng mata ko, isang di pamilyar na lugar ang nakita ko. Puro puti at tila walang katapusan ang lugar na ito. Na-abduct na ba ako ng mga alien? Pag-eeksperimentuhan na ba nila ako? Jusko! Wala akong utak. Wala silang mapapala sa akin.

T-Teka? Ang huling naaalala ko kasama ko pa ang mga kaibigan ko. Bakit ako lang mag-isa dito? Ang tunay na magkakaibigan magkasama hanggang sa ka-alien-an.

"Follow my voice." Oh my gosh! English speaking 'tong alien na 'to. Boses lalaki siya pero wala naman akong nakikitang tao bukod sa akin. Baka mamaya lutang lang pala ako sa klase at kung anu-ano na yung napasok sa isipan ko ah.

"You should've just told me if you want to die." Napakurap ako ng mabilis. Di pa nga ako napag-eeksperimentuhan papatayin na agad ako? Ganyanan kapag madalang mag-isip? Walang pakialamanan ng utak ganun? "But you're still an exception anyways."

"Magpakita ka nga! Sino ka ba? Kanina mo pa ako ini-english diyan eh." Tungunu nitong lalaking 'to. Kapag ito nagpakita sa akin, babatukan ko 'to ng matindi-tindi eh.

I heard his soft laugh. "Anong nakakatawa?" Inis kong sabi. Lumingon ulit ako sa paligid, pero sa pagkakataong ito, nasa loob na ako ng isang silid. Walang bintana kung hindi isang bukas na pintuan lamang. Para siyang silid ng kawalan.

Walang duda. Nababaliw na nga ata talaga ako. Sa pagkakaalala ko di naman ako gumagamit ng drugs. Di rin ako sumisinghot ng rugby. Ano bang nangyayari? Bakit ngayon pa ako naghahalusinasyon?

"How fascinating. Nagagawa mo pang magbiro sa mga oras na 'to. Sa mga oras na nasa bingit ka ng kamatayan." Dahan dahan, sa mismong harapan ko, lumabas sa mismong pinto ang isang lalaking kakaiba manamit. Madetalye ang suot niya. Pero isa lang ang nakaagaw ng pansin ko, yung suot niyang kwintas. Parang yung kalawit ni Kamatayan.

Sa tingin ko hindi kami nagkakalayo ng edad. At higit sa lahat, mukha naman siyang hindi alien. "Sagutin mo ako. Gusto mo pa bang mabuhay?"

"Ano bang sinasabi mo? Buhay pa naman ako ah." Sa isang kisap-mata, napunta na naman ako sa ibang lugar. Maraming tao. Nagkakagulo. Sinubukan kong magtanong sa kanila pero parang di nila ako naririnig parang di nila ako nakiki------.

Nakita ko ang sarili ko. Duguan. Walang malay. Kasama ng mga kaibigan ko. Ano bang nangyayari? Nalilito ako. Natatakot.

Mas lalo akong natakot nang lagpasan lang ako ng mga tao. Tumagos lang sila sa katawan ko.

Biglang may bumulong sa tenga ko. "I told you. You're dying."

Di ko alam pero parang napako ako sa kinatatayuan ko. Sa paraan palang ng pagkakasabi niya sa akin nun, kinikilabutan na ako. "S-Sino ka ba talaga?"

Nawala siya sa likuran ko habang patuloy na nagbabago-bago ang paligid ko. Pinapakita nila ang mga nakaraan ko. Ito na ba yung sinasabi nilang flashbacks bago ka mamatay? Mamatay na ba talaga ako? Ni hindi ko pa nga nakikita soul mate ko eh. Wala talagang forever. De joke lang! Pero pakinshet! Good bye world na ba talaga ako?

Gusto kong pumikit pero kusang mata ko na mismo ang pumipigil sa akin para gawin yun. Parang gusto nilang makita kung ano ako noon at kung ano ako ngayon. May nagawa ba akong mabuti? Naging makabuluhan ba ang buhay ko? Gusto ko pang mabuhay. Kailangan ko pang mabuhay. Pipilitin ko.

"Kerstine Santos. November 28, 1995. Soon to die. August 12, 2015. Due to a car accident." Napatingin ako sa kanya na kasalukuyang binabasa yung kung anumang libro na yun na tungkol sa akin. Sinarado niya yung librong hawak niya at tumingin sa direksyon ko. "But as I've said, you're an exception."

Nagtatakang tinignan ko siya. "Kukunin mo ba ang kaluluwan ko?" Pagtatanong ko. Tinawanan niya lang ako at nagsimulang maglakad paikot sa akin. Ako naman, sinusundan lang siya ng tingin.

"Hahahahaha! Hahayaan ba kitang mabuhay kung bandang huli kukunin ko lang ang kaluluwa mo?" Napahinto siya at sabay turo sa akin. "Pero kung yun ang gusto mo bakit hindi." Gamit ang mga mata niyang sing-itim ng gabi ngunit singliwanag ng buwan, tumingin siya at napangisi sa akin. Titigan mo palang ang mga mata niya halata na agad na isa siyang misteryosong tao. Tao nga ba siya?

"Gusto ko pang mabuhay. Kahit ano, basta bumalik lang ako sa mga mahal ko sa buhay." Kinuyom ko ang mga palad ko. Desidido na ako. Kailangan ko pang patunayan ang sarili ko.

"Very well. I'll take that as a 'yes'." Pagkasabi niya nun, bigla na lang siyang napunta sa harapan ko kaya naman napaatras ako. Kinuha niya ang kamay ko pagkatapos nun. Hawak niya na yung kwintas niya. Yung sinasabi kong parang kalawit ni kamatayan.

Gamit yung kwintas, sinugatan niya ang kamay ko. Masakit pero walang dugo. Oo wala man lang dugong pumatak.

"Bakit walang dugo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala nga ba?" Sabi niya sabay pakita nung kwintas. Dun ko nakita yung dugo ko. Di man nakakapaniwala pero yung mismong kwintas na yung humigop dun sa dugo ko. Yung tipong uhaw na uhaw sa dugo yung kwintas na yun.

"Yun na yun? Mabubuhay na ulit ako?" Yun lang yun? Eh di sana pala kanina ko pa sinugatan ang sarili ko. Jusmeyo! Pahirap din sa buhay 'tong lalaki na 'to eh.

"Nope. Siyempre kailangan may patunay." He then suddenly popped out infront of me and put a ring in my hand. Simple lang naman yung singsing. As in simple lang dahil pinaliit na kadena lang yung itsura niya. Sinubukan kong tanggalin pero may locked siya. Hindi siya yung ordinaryong singsing na makikita at mabibili mo lang sa tabi-tabi.

"The last step. I have to sealed it." He kissed me. Di ko na nagawang magreklamo dahil nagliwanag na yung paligid naming dalawa. Sa mga movies lang ako nakakakita ng ganito pero nangyayari na sa 'kin ngayon. May lumabas kasing magic circle sa sahig at may pwersang humihila sa akin pataas. Kampon yata ng kadiliman 'to eh.

Sinubukan kong abutin siya gamit ang kamay ko. "Sino ka ba? Di mo man lang ako sinasagot."

"I'm Wyji." He bows while putting his right hand to his chest. "A Death God. And I'll be your Knight-in-shining-armor, but in a deadly way."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Did my ear heard it right? I'm talking to a Death God? Ang alam ko bungo si Kamatayan ah? Nasan yung kalawit niya na malaki? Eh design lang naman ng kwintas niya yun.

"And that ring in your hand, symbolizes our contract. Until we meet again, my lady."

Right after that scene, everything turned into black. Kasabay nun ay tuluyan na din siyang nilamon ng dilim. Nawala na siya sa paningin ko. At hanggang ngayon nag-e-echo pa rin sa isipan ko yung sinabi niya.

Our contract.

My contract with a Death God.

Huh! This is just a dream.

No. A nightmare.

I need to wake up.

I should wake up.

"Kerstine!" Someone's shouting my name. I tried to open my eyes. And then I saw my mom, she's crying. "I thought you would leave me like your Dad." She hugged me so tight.

Sabi na nga ba panaginip lang yun eh. Hindi totoong nakipagkontrata ako sa isang Death God. Malabong mangyari yun lalo na at modern days na ngayon.

Kahit hinang-hina pa ako sinubukan kong yakapin si Mama. Aaminin ko, akala ko din iiwanan ko na siya.

Kumawala si Mama sa pagkakayakap niya sa akin. "May ipapakilala nga pala ako. Siya yung humingi ng tulong para malaman namin yung nangyari sa inyo."

Lumabas saglit si Mama para tawagin daw yung tumulong sa aming magkakaibigan. I guess it's a pure miracle after all.

"Here he is. Meet Wyji." Nanlaki ang mga mata ko. OMDG! I mean, 'Oh My Death God'. Bat nandiyan yang lalaking yan?

"Hello." Nginitian niya ako. "Nice ring." Napayuko ako para tignan ang kamay ko. Nandun nga sa kamay ko yung singsing. Katulad na katulad nung nasa panaginip ko.

"Iwanan ko muna kayo." Binaling ni Mama yung atensyon niya kay Wyji. "Ikaw muna bahala sa kanya ah? Bibili lang ako ng prutas."

"Opo. Wag po kayong mag-alala." Nginitian niya si Mama bago ito tuluyang umalis. Ganun? Close na agad sila? Nakatulog lang ako kaclose niya na 'tong estranghero na 'to.

"Nice to meet you again, my Lady."

And that line left me some goosebumps.

Soul ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon