Chapter 2

26 2 0
                                    

[CHAPTER 2]

"The ultimate tragedy is when two souls share an amazing connection but meet when they aren't yet ready for each other."

-Jess Amelia

***

Araw ng huwebes, maaga siyang nagising upang maghanda at magluto upang may maipadala sa kanyang ama na nasa rehabilitation center.

Nais niya itong ipagluto ng masarap na pagkain upang kahit papaano ay mabawasan ang pagkabagot nito sa lugar at pangungulila ng kanyang ama sa kanya.

Alam niya sa sarili niya na pinagsisisihan na ng kanyang ama ang lahat na kanyang pagkakamali bilang ama at lubos niya itong ipinapasalamat dahil bumalik na ang dating kilala at itinuturing niyang ama.

Maayos niyang inihahalo ang mga gulay para sa kanyang niluluto na chopsuey. 5 minutes na lamang ay pwede na niya itong ilipat sa paglalagyan upang ihanda.

Biglang nagring ang phone niya, agad niyang binitawan ang sandok na hawak at inilagay muna sa isang bowl. Tinignan niya ang kanyang phone upang malaman kung sino ang tumatawag.

"Hey Elton?" pagbati niya.

"Are you done cooking? Foods ready?"

"Uhh, yes I just need 5 minutes to finish everything."

"Okay, just wait for me and I'll be there at 6 AM, I'll help you finish that."

"Yeah, thanks Elton." she was about to hang up but she heard Elton's voice again.

"Oh wait Aly... Huwag mong kalimutang tirhan ako ng niluluto mo, aasahan ko yan."

"Oo naman, dalhan mo na rin si tita Tessa sa bahay, I'm sure magugustuhan niya 'to."

"Yes naman, si mommy pa eh mas tinuturing ka pa niyang anak kaysa sa akin." napansin niyang mahinang tumawa ito sa kabilang linya.

"Oh sige na at baka masunog' tong niluluto ko. I'll hang up na and I'll just wait here." pagbibiro niya.

"Okay Aly, thanks for the food and see you there!" narinig niya ang tunog ng pagputol ng linya kaya agad na niyang ibinaba ang phone sa mesa.

Tinignan niya ang niluluto niyang chopseuy at kumuha ng kutsara upang tikman ito. She nodded for satisfaction. Sa kanyang pakiwari ay tama na ito at magugustuhan na ng kanyang ama at tita Tessa. She turned off the stove and let it rest for a minute before she transfer it to the containers

Hindi niya maiwasang mapangiti sa mga asal ng kanyang pinsan. Simula noong mga bata pa sila ay talagang bibo na at masayahin si Elton. Until now, he never fails to make Wilona smile.

Inihahanda na niya ang paglalagyan ng mga pagkain na dadalhin niya sa kanyang ama. Kumuha siya ng tigdalawang container para maseparate ang para sa kanyang ama at para na rin sa kanyang tita Tessa.

Agad na niyang isinalin ang nilutong chopsuey dito. Kinuha rin niya ang carbonara na kanyang ginawa at nagsalin sa dalawang container.

Bigla siyang nakarinig ng tunog ng mga yapak palapit sa pinto niya kaya agad siyang lumabas upang tignan ito. She knew it was Elton, lagi itong dumadating ng ilang minuto pang mas maaga sa itinakdang oras. This is what she admires about Elton, he always comes in time or sometimes before the time.

"Hey Aly! Ready na ba lahat?" he smiled and gave Wilona that kind of Im-really-really-excited-and-gutom na look.

"Halika na nga rito, help me with these stuffs para makapag-ayos na ako at makaalis sa papuntang university." kasabay ng kanyang pag-uutos sa pinsan ay hinatak na niya ito papasok ng kanyang apartment at dinala sa kanyang mini-kitchen. Pagkatapos ay diretso na siyang naglakad papasok sa kanyang kwarto.

When Our Universe CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon