[CHAPTER 4]
"Life is a series of natural and spontaneous changes. Don't resist them; that only creates sorrow. Let reality be reality. Let things flow naturally forward in whatever way they like."
-Lao Tzu
***
Pagkatapos tumila ng ulan, pagpatak ng 3 pm, napagdesisyunan nilang mamasyal sa park. Kasalukuyang magkasabay na naglalakad si Wilona at Eltryn at naghahanap ng bench na mauupuan.
"Ate Aly, talaga bang wala kang naaalala tungkol kay kuya Glenn?" tanong sa kanya ni Eltryn. Nagulat naman siya sa biglaang pagsalita nito.
Hawak niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likod. Wala siyang ibang alam na bagay para may maisagot sa tanong ni Eltryn.
"Parang kailan lang po nung sinabi mong ayaw mo nang makita siya kahit kailan. Madalas ka raw pong mapikon ni kuya Glenn base po sa mga kwento ni kuya."
Mas lalong nagiging interesado si Wilona sa tuwing may ikinukwento si Eltryn tungkol sa kanya at sa lalaking nagngangalang Glenn.
Kasalukuyan silang naglalakad pa rin at naghahanap ng bakanteng mauupuan. Tamang tama naman at may nakita si Wilona na bakante at kakaalis lamang ng magbabarkadang nakaupo doon.
Agad na silang naglakad diretso papunta sa bench na iyon. "Dito na lang natin hintayin ang kuya mo." saad niya kay Eltryn.
Naupo rin naman sa kanyang tabi si Eltryn. Palingon-lingon lamang siya at pinagmamasdan ang buong paligid. Ito ang park kung saan purposively siyang hinabol ni Ms. Mari para maiabot sa kanya ang isang letter.
Muli niyang naisip ang letter na iyon 'I know where she had been'. Minsan na ring sinabi ng propesor na iyon bago pa man nangyari ang lahat ng ito na dadalhin daw siya nito sa kinaroroonan ng estudyanteng nagngangalang Aila Aceres.
Mas lalo siyang napapaisip habang unti-unti na siyang nagkaka-ideya sa lahat ng tungkol kay Ms. Mari at kay Aila Aceres.
Hindi naman siya napunta sa ibang lugar. Tama ang araw at oras, parehong lugar, parehong panahon. Walang may nagbago.
Ang kanyang ipinagtataka lamang ay may mga bagay na hindi niya maintindihan kung bakit nangyayari sa kanya sa kasalukuyan.
Nagising na lamang siya isang araw sa isang pamilyar na silid subalit alam niyang matagal na niyang nilisan iyon.
Ang bahay na pagmamay-ari ng kanilang pamilya, ang lupa na kanilang pagmamay-ari na matagal nang naibenta, at mga taong hindi niya kilala pero naging parte ng buhay niya.
Lahat ay nagbago, simula nang magising siya sa araw na ito. Napakaraming bagay ang gumugulo sa kanyang isip sa ngayon at patuloy siyang naghahanap ng sagot sa mga katangungang ito.
"Ate Aly..." rinig niyang tawag sa kanya ni Eltryn habang iwinawagaygay nito ang kamay sa harap niya. Bigla namang nagising ang kanyang diwa nang mapagtanto niyang kanina pa pala siya nakatulala.
"Okay lang po ba kayo? Kanina pa po ako nagsasalita, buong akala ko naman ay nakikinig ka po. Is there anything na bumabagabag sa inyo?" seryosong tanong ni Eltryn sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang siya saka tumingin muna kay Eltryn bago nagsalita. "Eltryn... Nasubukan mo na bang magising na lamang isang umaga at marerealize mong may mga pagbabago at marami nang bagay ang hindi pamilyar sa iyo pero alam mong parte na iyon ng buhay mo?"
BINABASA MO ANG
When Our Universe Collides
FantasyIf you had one opportunity to change your fate, where do you want to begin? DO YOU BELIEVE IN A PARALLEL UNIVERSE? A seemingly ordinary and odious life of Wilona Aly Castillo changed when she met a colleague. Ms. Mari, who gave her a message sayin...