[CHAPTER 3]
"Throughout life people will make you mad, disrespect you and treat you bad. Let God deal with the things they do, cause hate in your heart will consume you too."
-Will Smith
***
Mahimbing siyang natutulog sa kanyang kama. Damang-dama niya ang lambot nito at kung gaano ka komportable ito.
Everything feels nostalgic. Ramdam niya ang dati niyang malambot na kama and her sweet-scented pillows and blanket. Hinihiling niya na kung sana man ay panaginip ito, ayaw na niyang magising pa.
Gusto na lamang niyang manatili roon habambuhay. Pero bakit ganon? Mukhang totoo nga itong mga nararamdaman niya, at ang kanyang mga naaamoy. Everything feels comfortable and relaxing.
Naalimpungatan siya sa sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kwarto niya. Naupo siya sa kanyang kama at pinagmasdan ang buong kwarto niya. Nagtataka siya kung bakit iba ang itsura ng kwarto niya.
Wala na ang kanyang mga luma at maliliit na drawers na pinaglalagyan niya ng kanyang mga damit. Wala na rin ang mga karton-karton niyang mga gamit na ibinabalak niya sanang ibenta.
Nagsimula na siyang maguluhan sa lahat ng bagay. Dahil ang dati at makalat niyang kwarto sa kanyang apartment ay napalitan ng maaayos at mamahaling mga gamit.
Nagulat siya nang marinig niyang may kumakatok sa pinto ng kanyang kwarto. Kumatok pa ito nang ikalawang beses at binanggit ang kanyang pangalan.
"Ma'am Aly? Gising na ho ba kayo?" rinig niya mula sa labas ng kanyang pinto. Napahawak siya sa kanyang noo, naguguluhan siya sa mga nangyayari.
Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto. Habang kinukusot niya ang kanyang mga mata ay kasabay rin ng kanyang pagbukas ng pinto.
Naabutan niyang nakatayo ang isang babae sa may pinto niya. Sa palagay niya ay nasa mga 40 ang edad nito. Nakasuot din ito ng damit pangkasambahay.
"Good morning po ma'am Aly." bati nito sa kanya nang may ngiti sa kanyang labi. Agad din niya itong binati, "Magandang umaga din po ahh-".
Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin sana dahil inunahan na rin siyang magsalita ng babae. Napansin niya rin na medyo nagmamadali ito dahil sa tono ng boses nito at sa kanyang kilos.
"May naghihintay po sa inyo sa baba ma'am." agad nitong sabi sa kanya. Napansin niya ang hawak nitong mga nakatuping tuwalya.
"Pwede ko po ba malaman kung sino?" wala siyang nagawa kundi umaktong nasa normal at maayos ang lahat. Ayaw niyang magdulot ng gulo at pagkamalang nababaliw siya.
Sinubukan niyang magpanggap na parang walang nangyayari at wala siyang iniisip na kahit anong bagay. Hindi niya pinahalata na napakaraming bumabagabag sa kanya.
"Si sir Elton po, kasama niya po ang kapatid niyang si Eltryn. Nasa baba po sila ma'am, naghihintay. Ang sabi niya po ay may pupuntahan po kayo. " napatango naman siya sa sinabi nito.
Sinabi na niyang mag-aayos lang siya ng mga gamit at maliligo. Napatango naman ito sa kanya saka nagpaalam na dahil may gagawin pa raw siya.
Hindi siya mapakali. Paikot-ikot siya sa kanyang kwarto. Sinusubukan niyang alalahanin ang lahat ng mga nangyari. Mula kahapon at hanggang sa kanyang paggising.
BINABASA MO ANG
When Our Universe Collides
FantasyIf you had one opportunity to change your fate, where do you want to begin? DO YOU BELIEVE IN A PARALLEL UNIVERSE? A seemingly ordinary and odious life of Wilona Aly Castillo changed when she met a colleague. Ms. Mari, who gave her a message sayin...