January 2016
11:45 PM
26 KM Outskirts of Seoul
Mabilis ang takbo ng isang ambulansiya, nakakabingi ang ingay ng mga sirena nito. Napakalamig ng gabi ng buwan ng Enero. Sinasabi ng isang news anchor na nagbabalita sa radyo na nasa ambulansya, na ito na ang pinaka-malamig na winter na mararanasan ng Korea. Kasagsagan ng pag-ulan ng mga niyebe na nagiging dahilan ng zero visibility ng buong paligid. Malakas din ang ingay ng pag-ihip ng napaka-lamig na unos ng hangin. Makikita sa highway 64 na dinadaanan ng ambulansiya ang sobrang kapal ng mga niyebe na naka-kumpol sa magkabilang tabi ng kalsada, na kahit mag-hapon na itinatabi ng mga nag-aayos ng mga kalsada ay patuloy pa ring kumakapal ang daanan na maaring pagmulan ng aksidente kapag hindi maingat ang magmamaneho.
Napaka-dilim ng mga sandaling iyon. Dumagdag pa ang napaka-kapal na pag-ulan ng mga niyebe sa paligid na nagiging dahilan kung bakit medyo nahihirapan magmaneho ang driver ng ambulansya. Ngunit, magkagayunman, hindi ito niya alintana. Para sa kanya, mahalaga na maihatid nila ang pasyente na dala nila sa Seoul sa lalong madaling panahon. Sa loob ng ambulansya, hindi magkamayaw ang isang doktor at dalawa niyang kasama na nurse sa paglapat ng pangunahing lunas sa isang lalaki na duguan na nakahiga sa stretcher ng ambulansiya.
"His losing a lot of blood, Doc. Yee," sabi ng isa niyang ninenerbyos ng nurse na payatot na lalaki habang mabilis na pinupunasan ang duguan na leeg ng isang lalaki na nasa mga late-50's na niya. Halos maging kulay pula ang putting damit ng nurse dahil sa patuloy na pagtilamsik ng mga dugo ng lalaki sa kanya. "If we don't make it haste to Seoul, we might lose him."
"Apply pressure on his neck, Nurse Kim," marahang sabi ni Doctor Yee sa babae niyang nurse na katabi habang pinupunasan ang nanlalabo na niyang salamin sa mata. Magkahalong pawis niya at dugo ng lalaki ang makikita sa salamin nito.
Mahigit apatnapung minuto na rin ang lumipas ng dalhin ang duguang lalaki sa klinika niya sa Bugthong, isang maliit at tahimik na pamayanan na mahigit tatlumpung kilometro ang layo sa maunlad na siyudad ng Seoul. Dalawang forest ranger ang nagdala sa lalaki sa klinika niya. Nang tanungin niya kung ano'ng nangyari sa lalaki ay sinabi ng dalawa na natagpuan na lang nila ito malapit sa kanilang outpost na duguan at tila inatake ng isang mabangis na hayop.
Nang suriin ng doctor ang sugat nito ay nanlaki ang mata niya na may kakaiba itong sugat sa leeg nito. At dahil wala siyang kakayahan na gamutin ang lalaki sa klinika niya ay minabuti niyang dalhin ito sa isang ospital sa Seoul.
"His blood pressure and heartbeat is decreasing, Doctor Yee," nangangambang sabi ng lalaking nurse na hindi na malaman kung anong uunahin na gawin.
"Give him some sedatives to calm him down," utos ni Doc. Yee habang mabilis at maingat na nilalagyan ng gasa at betadine ang mga sugat ng lalaki. "Are we already there, Daegu?" tanong ng doctor sa driver ng ambulansiya.
"We're almost there, Doc," sigaw ni Daegu na mahigpit ang hawak nito sa manibela habang tutok na tutok ang mga mata niya sa makapal na niyebe na kalsada na nagiging dahilan para paminsan-minsan ay medyo dumulas ang ambulansiya sa arangkada. "Another round of this snowy curve and we're there, hang-on."
Habang mabilis na umaandar ang ambulansiya ay mahigpit na hinawakan ng duguang lalaki ang mga kamay ni Doktor Yee. Nangilabot ang doktor sa mga katagang binulalas nito.
"They're coming to get me! Tell Dahyun they're here!" sigaw ng lalaki sa abot ng kanyang makakaya na biglang nawalan ng ulirat.
Mabilis namang inasikaso ng mga nurse ang lalaki. "What are we going to do, Doc!" sigaw ng mga ito kay Doktor Yee na tila unit-unting humihina ang mga sinasabi ng nurse niya sa punto na tanging buka na lamang ng mga bibig ng mga ito ang tangi iyang nakikita. Naging palaisipan sa doctor ang mga katagang sinabi ng lalaki.
...to be continued...
BINABASA MO ANG
LET
Teen FictionThe book tells the story of Will, an eighteen-year old Filipino, who along with his mother immigrated to South Korea in hope for a better life. But, the hope he and his mother hoping for, soon turned into misery. His mother was forced to work for ma...