The book tells the story of Will, an eighteen-year old Filipino, who along with his mother immigrated to South Korea in hope for a better life. But, the hope he and his mother hoping for, soon turned into misery. His mother was forced to work for ma...
Marahang naglalakad si Detective Lee sa isang abalang hallway ng isa sa pinaka-malaking ospital ng Seoul. Masusi niyang iniisa-isang tingnan ang bawat pinto ng mga kwarto na kanyang nadadaanan habang naglalakad. Paminsan-minsan ay inaangat niya ang kanyang salamin sa mata para hipan at punasan ng kanyang panyo ang mga hamog na namumuo dito. Ilang saglit lang ay lumapit siya sa pinakadulong kwarto ng ikatlong palapag ng ospital. Sumaludo sa kanya ang dalawang pulis na nakabantay sa magkabilang tabi ng pinto nito.
"At ease," mahinang sabi niya sabay senyas sa dalawang pulis na muling bumalik sa kanilang mga kinauupuan. Tiningnan ni Det. Lee ang maliit na papel na kanina pa niya hawak. Room 313 ang nakasulat dito. Tumango ng may pag-sangayon ang detektib ng makita ang eksaktong numero na nasa pinto, mabilis na pumasok siya rito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa loob ay makikita niya ang isang doctor na may dalawang nurse na abalang inaasikaso ang isang matandang lalaki na pasyenteng tila hindi mapakali sa higaan nito.
"Ahem, Dr. Yee, I presume?" umubo ng bahagya si Det. Lee sabay ngiti ng konti sa doctor na medyo nagulat sa biglang pag-imik ng kaharap niya. Halos ilang Segundo din itong hindi naka-imik dala marahil ng sobrang abala sa pasyente niya at sa mga nangyari sa kanila simula pa ng bumiyahe sila patungo rito.
"Yes, I'm Doc. Yee," sagot ni Doc. Yee ng magkaroon na ito ng lakas ng loob na umimik habang marahang inuga ng doctor ang leeg niya na lumagutok ng malakas. Nakaramdam ang doctor ng kaginhawan sa ginawa niya. "How can I help you?"
"The hospital called the station asking us to investigate your patient," paliwanag ni Det lee na paminsan-minsan ay inaayos ang swabe niyang naka one-sided na straight na buhok na nagugulo sa tuwing tumatama rito ang fan ng heater na nasa tabihan niya. "Would you mind if I ask the patient some questions?"
Bumaling ang doctor sa pasyente na medyo kumalma muli ng mabigyan ng pampa-kalma na gamot at lagyan ng mga slings ang mga paa at kamay nito para hindi na muli siya lumikot. Nang makita ng doctor na secure ang pasyente at masiguro sa mga nurse nito na ayos na ang lahat, pinayagan niya si Det. Lee na kausapin ang pasyente.
Lumabas na muna si Doktor Yee at ang kasama niyang mga nurse para malayang maka-usap niya ang pasyente. "You have 5-minutes to ask him, after that I'm sorry but he needs to rest."
Tumango si Det. Lee ng may pagsang-ayon. "It won't be long."
Lumapit siya sa pasyente na kalmadong nakahiga pero matalas ang mga mata na naka-tingin sa kanyang paglapit. Nginitian ng detektib ang lalaki, ng maka-upo na ito sa tabi nito ay biglang nagbago ang naka-ngiting mukha nito. Biglang nagging seryoso at may mga bakas ng galit sa mga mata niya.
"I know who you are, old man. So cut the lies and tell me the truth," galit na sabi ni De. Lee na di mapigilan ang pangangatal ng mga kamao niya. "I spend 15 years searching and hunting your kind. So cut the bullshit and tell where she is hiding!"