Chapter 11 SAGLIT NA LIGAYA

9.1K 158 3
                                    

Chapter 11 SAGLIT NA LIGAYA

Magkahawak-kamay sina Dina at Rico nang dumating sa bahay. Agad agad napansin ng mga magulang ni Rico ang paghahawak-kamay nila. Nahiya si Dina kaya inagaw niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Rico pero agad din iyong kinuha muli ni Rico at hinawakan ng mahigpit upang di makawala si Dina, ngiting-ngiti naman ang magasawa nang makitang ganoon sina Dina at Rico.

"Ma, Pa... I think Dina should move and sleep to my room starting today.";biglang pagoopen-up ni Rico habang sabay-sabay na kumakain ang buong pamilya ng hapunan. Nasamid si Dina at pinamulahan ng mukha. Nagulat ang mag-asawa pero masaya ang mga ito.

"Gusto niyo nang magkaapo dib a?";si Rico. Lalong namula ang mukha ni Dina. Ang mga magulang naman niya ngingiti-tatango.

"Aba iho matagal na naming iyan pinapangarap!";abot-tengang ngiti ng ginang.

"Mama naman eh! Rico ano bang pinagsasabi mo!";namumulang awat ni Dina.

"It's ok lang naman Dina... alam mo naman na mahal kita e di ba... matagal ko lang narealize but you know I really love you, atsaka mag-asawa naman tayo. It's normal.";panunukso ni Rico sa namumulang si Dina. Nadagdagan pang muli ang pamumula ni Dina sa mga sinabi ni Rico sa harap ng mga magulang nito, wariy siya ang nakaramdam ng hiya.

"Oo nga iha, pagbigyan niyo na kami. Matatanda na kami at nalulungkot kami pag umaalis kayo, naiiwan kami dito. Masaya siguro pag ang bahay na ito ay napupuno ng maliliit at masasayang halakhak ng mga bata. Si Rico lang ang nagiisang anak naming kaya namimiss naming magkaroon ng batang inaalagaan";kunway pagkampi ng ama ni Rico sa mag-ina.

"Iha, matagal na namin pangarap na magkagustuhan kayo sa isa't isa... kasi gusto na din talaga naming magkaapo.";ang ginang.

"Narinig mo ang sabi nina mama at papa...";panunuksong muli ni Rico kay Dina sabay akbay. Nagulat si Dina, pulang-pula siya at agad inialis ang kamay ni Rico  sa kanya.

"Wa-wag kang lalapit sa akin!";si Dina namumula at nahihiyang harapin ang mga magulang ni Rico saka patakbong tinungo ang kwarto.

"Ilo-lock ko ang kwarto ko!";hiyaw ni Dina kay Rico. Nagtawanan sina Rico at ang kanyang mga magulang dahil sa reaksyon ni Dina.

"Huwag mo namang biglain si Dina, iho.";payo ng kanyang ama.

"Masarap po kasi siyang tuksuhin, ang ganda niya po pag nagkakaganoon e di ba?";natatawa-nangingiting wika ni Rico.

"Napakasaya ko at isang milagro ang nangyari!";masayang naibulalas ng kanyang ina.

"Iingatan mo si Dina, anak. Ikaw ang kanyang kauna-unahang boyfriend... este asawa na nga pala! Haha!";natatawang dagdag ng ginang na halatang walang mapagsisidlan ng saya dahil natupad ang kanilang gustong mangyari.

"Opo mama.";sinserong at nasisiyahang sagot ni Rico. Wala siyang balak pakawalan pa si Dina o ibigay pa ito sa iba kahit na gusto pa nga ba nito kunin sa kanya si Dina. Hindi siya papayag....

Because I am Dina's husband... and that fact will always be true. Until the day I die, no one can take  the woman I love away from me .;isip ni Rico at devoted siya sa kanyang binitiwang salita.

Nang gabing iyon halos hindi makatulog si Dina, pakiramdam niya ay wariy nananaginip lamang siya, napakasaya niya at hindi siya makapaniwala... bagamat masaya siya, hindi niya naitanong ang isang importanteng bagay...  sapagkat natatakot siyang baka magbago ang desisyon ni Rico. Ngunit alam niyang kailangan niyang harapin ang sagot sa tanong na ito kahit anong mangyari... ayaw niyang maging sakim, hindi nya ugali ang ganon.

Paano na si Alice,Rico?;ang kanina pa ibig itanong ni Dina ngunit di niya nagawa hanggang sa nakatulugan niya na lamang ito.

Kinabukasan kalalabas pa lamang ni Dina ng kwarto nang batiin siya ni Rico ng masayang ngiti nito.

I'm Still Your HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon