Chapter 14

13 1 0
                                    


Chapter 14:


Frost Amsterdam Point Of View:

Ilang araw na,ilang araw na naming hinahanap si luxury pero hindi namin alam kong saan siya dinala ng tita niya,hindi niya rin suot ang relong bigay ko sa kanya na dapat magagamit ko upang mahanap siya,napakahirap dahil katumbas ng isang minuto ay matinding kaba at takot kung anong nangyayare sa kanya

Natigilan ako ng bigla tumunog ang aking telepono

"Hello?"

"Are you,frost?"

"Yes,sino po ito?"

"Iho,mommy ni luxury toh,nakita ko ang telepono niya sa pad at nakita ko ang numero mo roon,nahanap na namin ang tita niya,sana ay makasunod ka."

"Ma'am sabihin niyo na lang po kung saan susunod po ako."

"Maraming salamat,sana ay mahanap natin ang anak ko,baka kung anong nangyare sa kanya....sige magkita tayo doon."

"Sige po ma'am."

Agad akong nagmaneho ng I-text ako ng mommy ni luxury,ng makarating ay halos hindi magkandaugaga ang mga sirena ng sasakyan ng mga pulis,nasa harap kami ng isang subdivision na wala na halos katao tao at madilim,nagaamoy mabaho na rito dahil sa mga lumot na nasa paligid at dahil na rin sa kalumaan

"Ma'am loorine."tawag pansin sa ina ni luxury

"Ikaw ba si,frost?"tumango ako at napangiti siya ng pilit"maraming salamat,sana ay mahanap na nila ang anak ko."

"Sigurado po ako mahahanap nila iyan."

"Sana nga iho,sana nga."iniwan ko ang ina ni luxury at lumapit sa mga awtoridad

"Boss,nahanap na po ba si luxury?"

"Pasensiya na sir,pero hinahalughog pa nila ang buong subdivision,hinihintay nalang naming makabalik ang mga pulis na pumasok."

"Salamat po."

Mayamaya ay lumabas na ang mga pulis pero bigo ito dahil wala daw ang tiyahin nito at si luxury,may nahuli silang malalaki ang katawan at sabi ng lalake ay tumakas ang mga kasamahan niya

Luxury san ba kita hahagilapin?

________________

Bella Ventrio point of view:

Madilim,mabaho at mainit

Ganun na lang ang nakita ko ng pagdilat ng aking mata,kinuhang muli ako ng aking ina

Hindi nga ako nakatali, pero nakakulong naman sa mabahong kwarto na ito

Ano ba ang nangyare sa aking ina?tbaliw na siya handang pumatay

Natigil ako sa pagiyak ng bumukas ang pinto ng kwarto at ang aking ina

"Anak."lumayo ka sa akin

"Wag kang lalapit....."pero lumapit siya at hinaplos ang aking pisngi

"Anak,nandito na si mommy.....let's have fun."

"Sinabi ng lumayo kayo sa akin!"naitulak ko siya at nakita ko kung paanong napalitan ng galit ang nagaalalang mata nito

"Ginaganyan mo na ako ha?!"gigil niya akong hinawakan

"Mommy nasasaktan ako,mommy.....let me go!"napaluha ako

Siya ba talaga to?!

"Patay na ang pinsan mo,sa akin ka na sumama."

"Ano?,s-si luxury.....a-anong ginawa niyo.....mommy!"tumawa siya ng matindi habang ako ay naluluha sa aking narinig

The Beautiful You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon