MADRAMANG ENTRY 3

11 8 0
                                    

BANAT



Tanaw na tanaw ko si Lance na kumakain ng icecream dito sa plaza. At dahil malandi oks, syempre lalapitan ko yung para banatan hehe.

"Hi Lance" malandi kong tawag sa kanya agad naman naplingon ito at kitang kita ko sa mukha niya na ayaw niya ako kausap. Hmmmm banatan ko kaya to.

"Alam mo, para kang icecream" sabi ko sa kanya sabay tingin sa icecream na hawak niya. Sana ako nalang yung icecream urggh.

"Bakit nanaman?" tanong niya saken.

"Eh kasi natutunaw ako pag kasama ka eh" malandi kong sabi sabay wink.

"Kahit kelan baduy yang banat mo! Umalis ka na nga lang" pangtataboy niyang sabi saken kaya sumimangot ako kahit lalo akong papangit.

"Sabihin mo nalang kasi na kinikilig ka!" Sigaw ko sa kanya dahilan para mapalingon siya saken ulit. Tsk

"Eh kung ikaw kaya banatan ko jan baka mamatay ka sa kilig!" sigaw niya rin saken at kinilig naman ako. "Sige nga ikaw nga!" sabi ko sa kanya at mukhang nagiisip pa ang loko.


"Alam mo ang buhay ko ay parang seesaw" banat niya saken at ngumiti naman ako saka nagtanong kung bakit. Omg ang gwapo niya wahhhhhhhhhhh!

"Kasi kung wala ka, Down ako!" banat niya pa at feel na feel ko na yung pisngi kong pumupula sa kilig.

"Baduy tsk." sabi ko at di niya naman halata na kinilig ako.

"Alam mo para kang alam eh"-me

"Bakit? Tsk" -lance

"Habang tumatagal, sumasarap ka yieeeee"

"Ito na talaga last" nakangiting tugon niya at halata namang kinikilig sya sa sinabi ko kanina sus!

"Alam mo, maganda ka, matalino, magaling, pero may kulang sa pangalan mo" -lance

"Ano naman? Ganda kay ng pangalan ko! KATE CRUZ!" -me

"Ang apilyedo ko" nakangiting banat niya at di ko maiwasang mafall lalo sa kanya omg. Is this heaven?

"Halika ka na nga! Kanina pa kita inantay e tas pagbalik mo babanatan mo lang ako? Ikaw na nga may ari nito eh" sabi niya saken at tinuro niya ang puso niya. Hinawakan niya rin ang kamay ko at nagsimula na kaming umalis.

Nakalimutan ko, boyfriend ko pala si Lance hehe

Madrama-ramang Istori ( On Going )Where stories live. Discover now