Crown

29 6 0
                                    

"Wala ni isa ang makakaalis. Lahat ng nandito ay prime suspect sa nangyaring krimen."

Nagkaroon ng malakas na bulungan. Kanya-kanyang violent reaction dahil sa sinabi ng imbestigador.

Nitong umaga natagpuan ang isa naming kasamahan na walang buhay sa kanyang kwarto.

Hindi ko maisip kung paano nagawa sa kanya ang bagay na 'yun.

Binalatan ang kanyang mukha at tadtad ng saksak sa dibdib.

Paanong nagawa ng isang tao ang kagimbal-gimbal na pagpatay na 'yun.

Parang noong isang araw lang ay ipinagyayabang niya pa sa amin na kahit anong retoke at skincare ay wala siyang inapply sa mukha niya.

Nakakatakot.

Tapos ngayon, hindi nila kami hahayaang makaalis sa lugar na 'to dahil kami ang pinaghihinalaan nila?

Wala naman kaming ibang pinunta dito kundi ang pageant na 'to tapos ganito ang mangyayari?

Inabot hanggang gabi ang pagiimbestiga. Tinanong nila kami isa-isa.

Ewan ko kung bakit kami ang pinaghihinalaan nila. Kami lang ba ang tao dito?

Porket ba magkakalaban kami ay magpapatayan na kami?

Kinaumagahan ay nagising kami dahil sa isang malakas na sigaw mula sa kabilang kwarto.

Mabilis kaming tumakbo patungo roon at nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan sa nadatnan namin.

Isang babaeng nakahiga sa sahig at walang buhay.

Wala na ang kanyang labi. Mukhang tinapyas ito ng pumatay sa kanya. Kagaya ng nangyari kahapon, tadtad din siya ng saksak sa dibdib.

Madalas siyang mapuri dahil sa ganda ng kanyang labi. Dahil sa natural na kulay pink nito at pagka-kissable.

Napuno ng iyakan ang buong kwarto dahil sa labis na takot.

"Gusto ko nang umalis dito."

"Paalisin niyo na kami dito!"

Wala silang ibang magawa kundi umiyak at magmakaawa.

Kagaya ng sinabi sa amin kahapon, walang makakaalis. Dahil hindi lang isang beses nangyari ang patayan kundi dalawa na.

At kung maaari, huwag na sana pang madagdagan.

Nakakatakot.

Nakakapag-alala.

Hindi mo masasabi ang mga mangyayari. Hindi mo masasabi na baka isa sa amin ang sumunod.

Parang na-trauma kaming lahat sa nangyari kaya naman wala ni isa sa amin ang gustong umalis sa kwarto kung nasaan kaming lahat.

Natatakot kami na baka mamaya kapag umalis kami at natulog na, isa sa amin ang sumunod.

"Bumalik na kayo sa mga kanya-kanya niyong kwarto. Huwag kayong mag-alala at walang mangyayaring masama." sabi ng isa sa mga organizer nitong pageant

"Huwag mag-alala?! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Dalawa na ang nawala sa amin tapos ngayon sasabihin mong huwag kaming mag-alala ngayong alam naming nandito sa building na 'to ang murderer?!" pasigaw na sabi ng isa sa amin, kung hindi ako nagkakamali siya si candidate number 3

CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon