Chapter 1

6 0 0
                                    

Chapter 1
"Hoy Gaga! Gising na uy! Taena mo talaga pag ako nadamay na naman sa pagkalate mo at hinarang na naman nung mga nerdies na SSG paktay ka sakin Ina! Eww  that's nakakahiya sa mga friends ko!"

Nabulabog ang maganda kong tulog dahil sa pagputak ng pinsan kong si Mara. Taena nag momorning lesson na naman. Kaya ayokong ma late ng gising eh

"Oo na! Gigising na! Gaga ka rin!"

Panibagong araw na naman.  Hindi naman sa tamad akong estudyante, pero kasi puro pamamahiya lang ang ginagawa sa akin sa school. Magkaibang magkaiba kami ng pinsan kong si Mara na sikat, maganda, matalino at friendly. Palagi akong nabubully dahil sa itsura ko at pananamit. Naghanda na lang ako  para sa pagpasok kesa isipin ang mga bagay na yun.  Nagsuot ako ng Uniporme , Black school shoes at ipinusod ko na rin ang buhok ko tsaka inilagay ang Glasses . Matiim kong pinagmasdan ang mukha kong tinutupok ng mga tigyawat at ang nangigitim na ilalim ng aking mga mata.

"Sana all may Glow up" bulong ko sa aking sarili saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Uy dalagang losyang lika na!" sambit ng nagmamadaling si Mara

Sumunod na ako sa kanya at sumakay sa kotse namin

"Magandang umaga po Maam Mara, Maam Ina!"

"Maganda umaga din po manong!"

"Hay naku manong walang maganda sa umaga. Shut up! " sabat ni Mara sabay baling sa akin

"Alam mo Ina buset ka! Pangatlo ko na tong late dahil sayo! Sana alam mo ang mangyayari pag naka tatlong late na di ba? Epal pa naman yung mga SSG na yun! Ewww mga nerdies naman!"

Napailing- iling na lang ako sa kasamaan ng ugali ng aking pinsan at iniisip ko kung bakit may nagkakagusto sa kanya gayong napakataray at napakasalbahe nya naman. Kaya lang napag isip- isip ko na taglay nga pala nya ang mga katangian para maging katanggap tanggap ka sa mundo.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Gate ng Eskwelahan.

"Uy dalagang Losyang, una na ako sayo! Ayoko magpahuli sa mga nerdies kaya sa bakod na ako dadaan don sa may likod. Alam ko namang magpapakasanta ka na naman kaya dyan ka pa rin dadaan sa harap!"

"Pero Mara mas malala mangyayari sayo pag nahuli kang umiiwas sa parusa. Tsaka mataas yun kaya mo ba? Baka masilipan ka, maikli pa naman palda natin!"

"Ako bahala sanay ako! Ge una na ako!"

Magsasalita pa sana ako pero kumaripas na sya ng takbo. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad papasok at dahil nga inaasahan ko na na may SSG ay hindi na ako nagtaka ng makita sila doon na namimigay ng slip sa mga late at nagpipigil ng mga gustong lumusot

"Ba-bawal pong pumasok! Pangatlo nyo na po kaya sa D.O kayo pumunta! Ang slip ay para lang sa mga unang beses at dalawang beses malalate." sambit ng isa sa mga SSG

"Bitawan mo ako nerdy! kundi tatamaan ka sa akin!" sigaw ni Raul na anak ng isa sa mga sponsor ng school

Napatingin ako sa aking orasan! Hays mukhang hindi lang ako late , mukhang magkakamark as absent pa ako sa una kong subject. Hindi ko tuloy naiwasan ang mairita. Muli akong tumingin sa harap at nakita kong binubulungan ni Raul yung isang SSG na nangiginig na sa takot

"Si-sige daan na p-po kayo"

"Hahaha Yan gusto ko sayo par! Next time uli"

Tinapik nya sa balikat ang SSG at lalampas na sana ng may dalawang dumating

"Raul! What do you think you're doing?"

Napaatras si Raul dahil sa baritonong boses na iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan ako ng malamig

Constant ChangesWhere stories live. Discover now