Nakayuko lamang ako habang tinatahak ko ang daan papuntang Senior High building. Parang lumalala ang kaba sa dibdib ko habang palapit ako ng palapit sa classroom ng Stem I. Nang makarating ako sa may harap ng pinto ay bumuga muna ako ng isang malalim na hininga.
"G-good Afternoon po nandyan po ba adviser nyo?"
Halos sumungaw lang ako sa loob ng classroom, takot na makaagaw pansin sa ibang estudyante. Nagtanong lamang ako sa babaeng malapit ang upuan sa may pintuan
" Naku wala, absent ngayon. Bakit ano kailangan mo sa kanya?"
"Ah may pinapaabot lang si-----
" Ina? What are you doing here?"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang lumapit si kuya Cullen kasama ang iba nyang barkada
" Ah may pinapaabot kasi sa adviser nyo kuya, tinatanong ko lang kung asan sya"
"Wala si Maam, may pinuntahan kaya absent. Ibigay mo na lang yan kay Pressy! I'm just gonna call him. Wait here!"
Tumango ako at yumukong muli habang hinihintay ang president
" What do you need?"
Napatunghay ako dahil sa boses na iyon. Nanlambot ang aking tuhod dahil muli kong nakatitigan ang dalawang malalalim na mga mata
"A-ah iaabot ko lang to sa adviser nyo kaso wa-wala pala sya kaya sayo ko na lang iaabot. I-ikaw ang President di ba?"
Tumango sya at kinuha ang papel mula sa akin
"Exclusive ang mga ito kaya hindi dapat dito ilagay. Baka may mangialam sa kanila"
Ako naman ngayon ang tumango. Delikado nga ang mga iyon kapag nasa table sa room nila
"Samahan mo ako sa Faculty ng Senior High Department. Titingnan ko kung may mapag- iiwanan akong teacher na ka close ni Maam! Ikaw ang nakakaalam kung kanino galing to. Kailangan kita"
H-huh? kailangan pa ba? Di naman ako ang mismong nagpapabigay non tsaka di ko rin kilala yung teacher na nag- utos sa akin. Naguguluhan man ay tumango na lang ako dahil baka nga kailangan ang identity don ng inutusang estudyante
Nasa unahan sya at kasunod nya naman ako.Habang naglalakad ay napatingin ako sa aking relo, 1 hour lang ang lunch at mahigit 30 minutes na lang ang natitira. Mukhang mag -i skip na naman ako. Tinitingnan nya siguro kung nakasunod ako kaya napalingon sya at napansing nakatingin ako sa aking relo.
" Oh right!" bulong nya na medyo rinig ko naman
" Sorry I forgot that we have a different schedules. You must be hungry. You can go now. Ako na ang bahala mag explain sa pag-iiwanan ko "Ngayon pa talaga nya ako pababalikin eh malapit na kami sa SHS Faculty Office. Kung di ko lang to.....
"Hindi, okay lang Pressy!"
Nakarating na kami sa wakas sa Faculty Office at pumasok sa loob. Lumapit siya sandali sa isa sa mga teachers doon at nakipag- usap habang iminumwestra ang folder na hawak. Hinanap ako ng kanyang paningin. Hindi kasi ako lumapit at nanatili sa hamba ng pintuan. May sinabi sya sa teacher, dahilan kung bakit tumingin ang teacher sa akin pagkatapos ay tumango. Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong papabalik na sya sa direksyon ko
"You Go First!" Hinawakan nya at binuksan ang pintuan ng faculty office kaya ako ang naunang lumabas
"S-salamat Pressy"
I thought that he will change his route and will go back to his room but i was wrong. Im on my way to canteen pero nagulat ako nung nakasunod pa pala sya sa likod ko
