Chapter 2

4 0 0
                                    

Kinabukasan ay ganoon lang din ang mga nangyari, gumising kami ng maaga  and  nagprepare for school. Himala nga dahil hindi kami late ngayon.  After classes kailangan namin mag mop ng hallway, magdilig ng halaman at tumulong magtapon ng basura sa School Maintenance members.

Mag-isa lang ako ngayon sa upuan dahil wala naman gusto kumausap sa akin. Si Mara kasi ay nasa mga kaibigan nya ngayon at may sariling usapan, mukhang may party na naman silang pupuntahan mamayang gabi. Kinuha ko na lang ang aking cellphone at nag scroll ng kaunti sa social media habang naghihintay sa Teacher. Madami akong followers at likers dahil karamihan sa kanila ay yung mga gustong makipagclose kay Mara tsaka kay kuya Cullen. Pero hindi ko alam kung bakit ang sama ng ugali nila sa akin sa personal.l my

Ang hirap pag nagmula ka sa kilalang pamilya, oo madami kang previleges pero minsan kahit gaano kadami yun di ka pa rin makukuntento. Wala talagang perpektong buhay dahil kahit ang mayayaman meron pa ring kakulangan, maaring hindi sa pinansyal na kakayahan kundi sa ibang bagay gaya ng totoong kaligayahan.

"Good Morning Class!" bati ng aming teacher na si Sir Panutchada. Oo yun talaga apilyido nya. Isang matandang binabae si Sir panutchada kaya naman minsan sobrang taray nya at parang laging galit. Lagi din nya pinupuntirya yung mga magaganda naming kaklase, siguro ay naiingit o insecure kaya ganon.

Dali- dali namang bumalik ang lahat sa kanilang pwesto.

"Good Morning Sir!" bati namin pabalik at pagkatapos ay nag si upo na pero pagkaupo at pagkaupo pa lang ay muling umingay ang buong klase

"Tahimik! Silensya! Class I have an announceme---  Students keep Quiet! " Patuloy ang pagsasaway ni sir samantalang patuloy din ang pag- iingay ng lahat

"Tangina, sabing tumahimik kayo!" napatigil ang lahat sa di inaaasahang pagmumura ng aming teacher

"Ayan! Salamat naman! So as I was saying, I have a special announcement regarding the upcoming festival of talents!"

Muling naghiyawan ang lahat tila nananabik sa papalapit na Program dahil ibig sabihin non ay walang klase at buong araw lang silang makakagala sa loob ng paaralan. Mayroon namang mga nagmamaktol dahil wala naman daw silang gagawin at mas gusto nilang sa bahay na lamang. Hindi kasi pwedeng umabsent dahil attendance is a must.

"I need to ask who among you have a talent to show off to be a representative of your section!"

"Sir me!" nag volunteer si Rachel na kilala bilang dancer ng school at vice president ng Indak Club

" Theres a set of rules that the Faculty made! Bawal ang experienced na at laging participant sa mga nagdaang program. They want a new face for the festival of talents! They want someone from the students that have never been on the spotlight before"

" Sir Ako! Ako!" napalingon ako kay Mara nang magpresinta sya. Ano naman kayang talent nya? Haha sa kanya lang talaga ako nakakapanghusga ng ganito

"Ms. Vergara? Ano naman talent ipapakita mo, magmamake up tutorial sa stage in 1 minute?"

Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Sir Panutchada kay Mara . Sabi na nga ba at pag- iinitan na naman sya dahil isa sya sa mga sikat at magaganda. Di makapaniwala si Mara  sa sinabi ng guro at parang napahiya kaya padabog na naupo at nag cross arms pa. Inalo naman siya  ni Jenny na isa sa kanyang mga kaibigan na katabi lang din nya sa upuan.

"Sir! Ako!" sigaw ni Terrence na isa mga nangbubully sa akin at siga sa school pero wala naman laman ang utak

"Yes Mr. Pamintuan? Im glad na may talent ka naman pala kahit puro ka yabang at hangin! At least di ka na rin lugi!"

"Hahaha Sir hindi ako kundi si Ina! Thanks sa compliment anyway!" sabay sabay na nagtawanan siya at sila ng mga tropa nya

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni terrence.   Kumakanta ako pero never ko pinarinig sa ibang tao kaya pano nya nalaman yun?

"Oh? Talaga may talent ka Ina? Come here. Why don't you show it to class?"

"S-sir hindi po ako kumakanta!"

"Woooh! Pahumble si ate, pangit naman! Pabebe!" sambit ni terrence at sabay sabay na namang nagtawanan ang buong klase

"Hoy terrence shut your mouth nga! It's so mabaho!" sambit ni Mara kaya napatingin ako sa kanya. Napabaling din ang tingin ni Mara sa akin , nagtaas ng isang kilay na parang nagsasabi na ' What? I didn't do it for you' pagkatapos ay naghair flip at umirap

" Shut up Everyone! Ms. Ina go in front"

Kabado akong pumunta sa harapan at  manginig - nginig na ang tuhod. Sinabihan ako ni Sir Panutchada na kumanta ng kahit ano

This is my fight song Ta-----

Naputol ang pagkanta ko dahil humagalpak ang lahat sa pagpuyok ko habang kumakanta. Napayuko ako . Ginaya pa iyon ni Terrence at mas lalong humagalpak ang buong klase. Nakita kong napailing- iling si Mara at muling umirap sa akin

"Okay, I get it! You definitely have the voice Ina! But you need confidence to show it. I am choosing you to be the representative. Ayoko ng humihindi sa akin at ayoko ng binibigo ako maliwanag?"

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Sir at di makapaniwalang ganon na lamang ang tiwala nya sa akin. Ipinaliwanang nya hindi lamang sa akin, kundi pati sa buong klase kung gaano kahalaga ang confidence sa sarili , pati na rin ang  kung paano mo dapat dalhin ang iyong sarili sa harap nila. Noong una ay inaamin kong medyo naiinis ako sa kanya dahil sa nakikita kong pakikitungo nya sa aking ibang mga kaklase. Nalaman kong ayaw nya sa mga magaganda at sikat dahil karamihan daw ay sobrang taas ng tiwala sa sarili at malamang  kung hindi nya ito gagawin sa kanila ay baka mas lalo silang maging mapagmataas sa mga nakakababa.

Napakalalim ng kanyang pagkatao

Matapos yun ay pinaupo nya na ako at dumiretso sa talakayan ng klase. Ilan pang subject ang nagdaan bago mag tuluyang mag time. Nang mag lunch time na ay naglabasan na ang lahat. Kitang kita ko na ang dami ng tao sa hallway. Nakasalubong ko ang isang teacher sa mula sa faculty ng Junior High na madadaanan papuntang canteen, tinawag nya ako saglit

"Excuse me, your Ms?"

"Ah, Ms. Vergara po!"

" I want to ask a favor from you Ms. Vergara"

Tumango ako at may ibinigay syang folder sa akin.
"Bring this to  Stem I from Senior High Department .Kindly give this to their adviser!"

Pagkabanggit nya ng Section na yun ay biglang bumilis ang aking puso at sumibol ang kaba sa aking dibdib. Hindi ako madalas nagagawi sa Building area ng Senior High at  kahit pa doon ang room nina Kuya Cullen. Pero ang higit na gumugulo at nagpapakaba sa akin ay ang room na aking pagdadalhan ng folder. ' Pupunta ka sa room niya, makikita mo ulit sya' ito sambit ng aking isip. Bigla tuloy akong na conscious sa itsura ko. Baka pahiyain  na naman ako ng ibang Senior High. At sa harap pa  niya...

Pagkabigay ng folder ay umalis na rin agad ang teacher

"Bahala na nga, dadalhin ko na lang to para makapaglunch na ako" bulong ko sa aking sarili habang tinatahak ang daan papunta sa Senior High building

















Constant ChangesWhere stories live. Discover now