Chapter 2

78K 1.7K 534
                                    

Chapter 2
***

Masaya akong nagising galing sa mahimbing na tulog kinabukasan habang inaalala ang halikan namin ni slate.

Nang iparada na nya ang sasakyan sa harap ng mansion nag halikan ulit kami bago nya ako inalalayan pababa ng sasakyan.

Nahiya ako sa ginawa ko Kaya Hindi ko sya matignan habang hinahatid nya ako sa kwarto ko.

Pero ng nasa tapat na ako ng kwarto ko mabilis ko syang hinalikan bago pumasok na.

Namula ang pisngi ko sa mga ginawa ko kagabi at napahawak nalang sa labi ko.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa tapat ng vanity table ko at maliit akong napangiti ng namumula parin ang labi ko Mula sa halikan namin ni slate.

Inayos ko saglit ang magulo Kong buhok bago masayang lumabas ng kwarto ko.

Natawa ako sa sarili ng patalon talon pa ako sa pagbaba ng hagdan sa sobrang saya pero agad ding natigilan ng maabutan ko si slate na nakikipag tawanan kay Nora habang sya Ang nag lilinis.

Parang may tumusok na karayom sa puso ko. Akala ko ba..

Nag angat ng tingin si slate sakin at agad na Nawala ang ngiti nya ng tignan ako.

Malamig ko syang tinignan at tumuloy na sa pagbaba. 

"Good morning, Tamara." Seryoso nyang bati sakin.

Natigil si nora sa pagtawa at natigilan ng tignan ako. "Good morning, ma'am Tammi." Bati nya din sakin pero malamig ko lang silang tinignan at nilapitan sila ng makababa ako.

"You're my Bodyguard. Not our maid." Malamig Kong Sabi habang nakatingin sa basahan na hawak nya bago nag angat ng tingin sakanya at Kay Nora.

"A-akin na slate." Sabi ni Nora at kinuha ang basahan na hawak ni slate at bumalik sa pag lilinis habang kinunotan ako ng nuo ni slate.

Nilagpasan ko nalang sya at pumunta ng dinning room.

Nakahain na angmg pagkain at mukhang tulog pa si daddy. Hindi ko tinignan si slate ng alalayan nya akong umupo.

Akmang sasandukan nya ako ng pagkain ng kumulo ang dugo ko at Masama ko syang tinignan.

"I said, you're not our maid! You're my Bodyguard so act like one!" Galit kong sigaw sakanya Kaya natigilan sya.

Naguguluhan at nag tatanong nya akong tinignan pero umiwas nalang ako at kinalma ang sarili.

"Jana." Tawag ko sa isa pang maid at agad na syang lumapit at nilagyan ng pagkain ang Plato ko.

Tahimik lang akong kumain habang nakatayo lang si slate sa gilid ko at Pinapanuod ako.

Nang matapos akong kumain, tumayo na ako at nilagpasan sya. Lumabas na ako ng dinning room at nilapitan ko si Nora na nag lilinis parin.

"Ma'am Tammi." Tawag nya agad sakin ng makalapit ako.

"Tawagin mo ang iba pang mga maid."  Utos ko sakanya at naguguluhan man ay agad na syang sumunod.

Nakita kong lumabas si slate ng dinning room at tumayo sa tabi ko. Nang nasa harap ko na ang mga maid malamig ko silang tinignan.

"Gusto kong linisin nyo ang buong mansion." Utos ko sakanila Kaya Hindi makapaniwala nila akong tinignan.

Kaka-general cleaning lang nakaraang araw Kaya nagulat sila. Tinuro ko na ang mga napansin Kong madumi. Frames, shelves at Kung ano ano pa kasama na ang hagdan.

Pinanuod ko lang silang mag linis habang nasa gilid ko lang si slate. Nag isip pa ako ng pwede nilang linisin ng maisip ko ang garden.

Sigurado ako na maputik dun dahil umulan ng madaling araw. Nakahalukipkip akong lumakad pero mahina ding napatili ng muntikan na akong madulas dahil kaka-mop lang ng sahig.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon