Chapter 6
***Nakakandong ako Kay slate habang madiin at matunog kaming naghahalikan. Kakauwi lang namin at nasa parking lot pa kami ng mansion at nag hahalikan sa driver seat ng sasakyan.
Nang matapos kaming mag halikan, hinintay muna naming umayos ang hininga namin at inayos ang sarili bago bumaba na.
Buhat ni slate ang bag ko habang naglalakad na kami papuntang mansion. Pasimple Kong Hinawakan ang kamay ni slate Kaya napatingin sya sakin at pinagsalikop ang mga kamay namin.
Namumula ang pisngi at kinikilig nalang akong napangiti pero napanguso din ng bitawan nya ang kamay ko dahil papasok na kami ng mansion.
Binati kami ng nadaan naming mga maid.
"Tamara, mag bihis ka na agad para makapag merienda ka na." Sabi ni slate at napanguso nalang ng iabot na nya sakin ang bag ko.
Napangiti si slate at tinignan muna ang mga maid bago ako bigyan ng mabilis na halik sa labi. "Go." Mahina nya pang bulong sakin.
Kinikilig nalang akong napaakyat ng hagdan habang Hindi sya nililingon. Gaya ng Sabi ni slate, mabilis lang akong nag bihis at bumaba na din.
Papunta ako sa dinning room ng matigilan ako sa harap ng kitchen.
"Slate, tikman mo nga Kung masyado bang matamis." Sabi ni Nora Kay slate na walang emosyon lang syang tinignan at nilagpasan.
Napangiti ako dahil sa ginawa ni slate.
"Slate, galit ka ba sakin? Iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Nora sakanya Kaya nakita Kong natigilan si slate at napahinga ng malalim.
Asar ko silang tinignan at parang may tumusok sa puso ko ng tikman ni slate ang niluto ni Nora sa sandok.
Nakita Kong napatango si slate at nakita Kong nasarapan sya sa luto ni Nora sa ekspresyon nya.
Masayang napangiti si Nora at kumuha agad ng lagayan para sandukan si slate.
Hindi na kinakaya ang nakikita na pumasok ako ng kusina Kaya agad silang napatingin sakin.
Gulat akong tinignan ni slate at mapanuring tinignan ang ekspresyon ko pero malamig ko lang syang tinignan.
"Can I borrow your phone?" Tanong ko Kay slate na madiin muna akong tinignan bago kinuha na ang cellphone sa bulsa at inabot sakin.
Walang password ang cellphone nya Kaya mabilis ko ng kinontak ang favorite Kong pizza shop at umorder ng ilang box ng pizza.
Habang may kinakausap sa kabilang linya nakita Kong inabutan na ni Nora si slate ng niluto nya na nakalagay sa tray para Hindi sya mainitan.
Matalim Kong tinignan ang niluto ni Nora bago nag angat ng tingin Kay slate at inirapan sya.
Binaba ko na ang tawag at hinintay ni slate na kausapin ko sya pero Hindi ko sya pinansin at pumunta na ng dinning room habang tinitignan ang cellphone ni slate.
Umupo na ako at agad naman syang umupo sa tabi ko. Matalim ko syang tinignan at ang niluto ulit ni Nora bago tumuloy sa pagtingin sa gallery ni slate.
Lumipas ang ilang minuto at lihim akong napangiti ng hindi nya galawin ang niluto ni Nora. Subukan nya lang at makakatikim sya sakin. And as for Nora.. sisiguraduhin Kong walang kakain ng niluto nya.
Lumipas ang ilang minuto habang asar Kong kinakalkal ang messenger nya dahil madaming nag cha-chat sakanyang mga babae at humihingi daw ng tulong kuno at dahil mabait na pulis si slate ay nirereplyan nya ang iba, dumating na ang order ko at buhat na ng isang maid ang limang box ng pizza.
BINABASA MO ANG
My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]
General FictionWARNING: R18+ | SPG Obsession Series #5: My Possessive Hot Bodyguard. Mayor as her father and now running for Governor the beautiful, wild and party animal, Tamara Adeline Reid's life will put in great danger. Need someone to protect her, Oozing wit...