"Dude nabalitaan ko nasa CDO na si Krishia." Sabi ni Theo ng pabulong kasi nasa library kami ngayon. Nagbabasa lang ako sa mga libro ko, may quiz ako sa susunod kong subject, kaya kailangan kong mag review nito.

"I just sent her a DM sa Instagram niya. krisyang padin ang pangalan ng instagram niya." sabi ni Xenon habang ginagawa niya ang plates niya.

"Uy Klien! Saan ka pupunta?" Tumayo sana ako para pumunta sa library. I just pointed the building na naroroon ang library. Tumango lang si Theo sakin.

"Nagkita na kayo ni Trishia?" Aalis sana ako pero nagtanong ni Xenon. Tiningnan ko siya at tinaasan ang isang kilay ko, tumingin siya sakin ng seryoso. "I saw my cousin's ig story that she was with you during breakfast and then in her other ig story a picture of her with Trishia in the same cafe. Kaya akala ko na nakita kayo?" I nodded. "Oo nagkita kami." Sabi ko at umupo ulit, hindi na ako pupunta sa library kasi alam ko makapag kwento ako sa kanila.

"Woah really? So, so, kumusta ulit ang pagkikita niyo ulit?" Tanong ni Theo sakin.

"It was kinda fine? I guess..." sagot ko sa kanila. Tiningnan lang ako ni Theo na parang di naniwala. "Walang hug? Walang 'i miss you so much Krishia.' Walang 'Do you still like me Krishia?'" I just look down. 'Sana nga ganyan ang nangyari...' "Ang hina mo naman! Kabarkada kaba namin ha?" Sabi niya at umupo katabi ko at pinat niya ako. I just rolled my eyes. "Zài yīqún niǎo zhōng, huì yǒu yīgè bùtóng de niǎo." Sabi ko sa kanya and he laugh. "Dios los cría, y ellos se juntan." He said. "We don't have the same feathers Theodore. Maybe you and Xenon have the same feather but me nope. In our group, i'm the neutral one diba. Kung wala ako baka naka buntis na kayong dalawa sa kaka ano niyo!" Sabi ko at binatukan si Theo, tumawa naman siya. "Thank you bro." Sabi ni Theo at tumawa ulit. Umiiling iling lang si Xenon na may smirk sa kanyang bibig. Tinignan ko lang silang dalawa at umiling.

"Okay mom, i'll pick up Kit sa Liceo." Sabi ko sa mom ko na tumawag, kakatapos lang ng klase ko ngayong araw at papunta na ako kung saan naka park ang sasakyan ko. "Don't worry mom wala naman ako kailangan daanin." Sabi ko at binuksan ang sasakyan ko at umupo sa driver seat. "Hindi naman din hassle si Kit." Pagsinungaling ko, hassle kaya si Kit, lalo na kapag may nakita siya na gusto niya, iiyak siya kapag di nakuha. Medyo spoiled, hindi, SPOILED talaga si Kit. "Sige ma. I love you, ingat kayo diyan sa Davao." Sabi ko at ni end call ko na. Tinext ko ang teacher ni Kit at sinabihan ko na paki sabi sa kapatid ko na ako ang susundo sa kanya. After that nag drive na ako patungo sa Liceo De Cagayan Grade School. Its a seven minute drive kung di rush hour. Pagpasok ko sa Liceo nakita kona kapatid ko na naglalaro sa green fields kasama ang mga kaklase niya. Nandoon ang teacher nila, noon nakita ako ng  teacher nila tinawag niya si Kit at tinuro kung saan ako. Tumingin si Kit sa akin at ngumiti.

"Kuya!!" Sigaw ng kapatid ko at tumakbo patungo sa akin. He hugged me at dahil maliit siya bumabas ako para i hug ko siya pabalik.

"Bakit po ikaw ang susundo sakin kuya?" Tanong niya. Tumayo ako at ginulo ang buhok niya, nag pout naman siya. "Get your bag na Kit." Pagkasabi ko non ay tumango naman siya at kinuha niya bag niya sa room niya.

"Gusto mo pakarga sakin Kit?" Tanong ko at nag nod naman siya. Karga ko si Kit sa left braso ko at ang stroley niya sa right hand ko. Pinasakay ko na siya sa sasakyan ko, nasa shotgun seat siya at nilagay ko sa trunk ng sasakyan ko ang bag niya. Pagpasok ko nag vibrate ang phone ko, tumatawag si Xenon, sinagot ko naman siya.

"Xe bakit?" sabi ko habang kinuha ko sa bag ko ang isang chocolate bar at binigay sa kapatid ko.

[ Saan ka? Tara punta tayo sa Lifestyle District. ]

"Kasama ko kapatid ko Xe." Kinuha ko ang chocolate sa kamay ng kapatid ko at binuksan at binigay agad sa kanya.

[ Kasama mo kapatid mo? Meaning nasa Liceo de Cagayan Grade School ka? ] 

"Oum." Tiningnan ko ang kapatid ko na puno ng chocolate ng mukha. "Kit kunin mo tissue diyan at i ano mo sa mukha mo." Sinunod naman niya at pinahid niya sa mukha niya.

[ Good nasa Liceo din kami ni Theo kasama namin si Gem at si Selene. ]

"Kasama ko kapatid ko Xe." Ni open ko tumbler ng kapatid ko at binigay kay Kit.

[ Hindi na tayo mag Lifestyle District. Sa Timezone nalang tayo. ]

"Fine. Kita nalang tayo sa Timezone sa SM."

[ Sasakay daw sayo si Gem at Selene. May hinihintay pa kasi kami ni Theo dito kaya ayun. ]

I just let out a a heavy sigh. Bago ako sumagot at ni end ang call. Tiningnan ko kapatid ko.

"You want to go to timezone Kit?" Tanong ko kay Kit. Naexcite naman siya at tumango.

"Please Kuya!!" Sabi niya at pinaandar ko ang sasakyan patungo sa Liceo De Cagayan University.

Pagdating ko sa parking lot tinext ko si Selene na nasa parking na ako.

selselara: pasok ka dito ba, parang hindu dito nag high school oh.

kl.kline: kasama ko kapatid ko sel

selselara: then what? makakapasok naman din siya diba?

I just let out a heavy sigh.

"Pasok muna tayo sa Liceo, Kit." Sabi ko at tumango naman siya. Pagpasok namin binigay konsa guard ang id ko kasi outsider ako, pagkatapos non ay nakita ko sila agad sa may pathway.

"Kuya Xenon!" Sabi ni Kit at tumakbo patungo kay Xenon. Niyakap siya ni Xenon.

"Tara na." Sabi ko lang. Tumayo silang Selene at Gem. Bumaba na ang kapatid ko at humawak sa kamay ko.

"Sino ba hinihintay niyo?" Tanong ko sa kanila. "Basta. Mauna na kayo ha." Nauna kami sa timezone. Tumambay muna kami sa may pizza na katabi sa national bookstore at kumain don. Mga 30 mins nag text si Xenon na nasa parking na sila, sinabi ko sila na nasa pizza store kami na katabi sa National Bookstore.

"OMG! Krishia!!! Bumalik kana pala!!" Sigaw ni Gem at tumayo para puntahan si Krishia. Tumingin ako kay Krishia, nakatingin din siya sakin.

"Klien..."

(---------------------------------------------------------)

THE BOY WHO I MET UNDER THE CHERRY BLOSSOMS | THE BOYS SERIES #1Where stories live. Discover now