"Saan kayo galing ijo?" Tanong ng kasambahay namin pagdating namin sa bahay. Binigay ko sa kanya ang kapatid ko ma natutulog sa balikat ko.

"Pumunta kasi kami sa Timezone Nanay eh. Pakihanda po ng dinner para kay Kit nay. Mamaya pa ako uuwi." Sabi ko at inilabas ang stroler ni Kit sa trunk ko.

"Ah ganon ba ijo? Sige ingat ka ah. Balik ka dito before 10 o isusumbong na kita sa mama mo." Sabi ng kasambahay namin at pumasok na ako sa sasakyan ko.

One hour later nakarating ulit ako sa bar kung saan nandoon silang Theo.

"Akala ko di kana babalik Klien!" Sabi ni Xenon at uminom ng blacklabel. Silang dalawa lang ni Theo ang nasa table namin.

"Saan sila?" Tanong ko sa kanila at tinuro nila ang dance floor tumango naman ako. Nasa table lang kami ng isang oras at umiinom ng mga drinks na inorder namin. Si Xenon may naglalande sa kanya na babae, si Theo naman may nakatuon lang sa cellphone niya habang may nagpapansin na babae sa kanya. Tumingin lang ako sa dance floor at nakita ko silang Selene na sumasayaw. Uminon ako ng blacklabel bago tumayo at pumunta sa dance floor at sumayaw. Hindi nagtagal may babae na lumapit sakin.

"Hi! Nice moves!" Sumigaw siya para marinig niya.

"Same to you!" Sigaw ko pabalik at sumayaw kaming dalawa, while dancing she grind her but near my junior i gave her a smirk and gave what she want.

I held her waist and play along, she also held my neck, after few minutes napansing ko medyo dumami na ang tao sa dancefloor.

"Hey, i need to go." I whispered to her ear. Humarap siya sakin na may pagkadismaya.

"Oh, my table is right beside your table." Sabi niya habang tinuturo niya ang table na katabi sa table namin. "How about let continue our heaven there?" She said and bit her lips. Tumingin ako sa table namin at nakita ko si Krishia na may binabasa sa cellphone niya.

"Sorry, how about next time." Sabi ko at umalis sa dance floor. Pagdating ko sa table ay umupo ako katabi ni Krishia at ininom ang natitirang Blacklabel. Medyo nahihilo na ako pagkatapos kong ininom yun. Lumipas ang ilang mga oras nakatangap ako ng tawag galing sa bahay.

[  Sir hindi ka pa ba uuwi? ]

"Sa condo ni Theo ako matutulog ngayon Nay, kasi di ko na kaya magmaneho pauwi." Sabi ko at ni masage ko ang sentido ko at tumingin ako kay Theo na nakikipagmake out sa isang babae, napansin ko na tumingin si Krishia sakin na parang nag-alala.

"What are you lookin' at?" Sabi ko kay Krishia. Sasagot sana siya sakin pero binawi ko ang tingin ko at kumuha ulit ng gin at blacklabel para sana inumin ko pero pinigilan ako ni Krishia.

"Lasing kana Klien, tama na yan." Sabi niya habang hinawakan ang aking braso. Nakita ko ang mata niya na may parang may pag-alala sakin.

Bakit naman siya mag-alala? Sino ba naman ako para mag-alala siya? I just chuckled

Tinabig ko ang kamay niya at ininom ang blacklabel at gin. Tiningnan ko ang orasan ko pero di ko nakita kasi blur ang paningin ko. Sinandal ko ang likod ko at ulo ko sa sofa at hinihilot ko ang sentido ko.

Ugh, Klien magdrive kapa patungo sa condo ni Theodore. Ilan ba ang nainom mo ha?

Naramdaman ko na may dumapo sakin na kamay, hindi ko ma tiningnan.

"Klien mag pahinga ka lang wag kana uminom." Boses ni Krishia. I opened my eyes at tiningnan si Krishia.

Bakit parang nag-alala to sakin?

"Sino ka naman para utusan ako ha?!" Sabi ko sa kanya na pagalit.

"Nag alala lang ako sayo Klien ka-"

"Sino ka para mag alala sakin ha? Hindi ka naman jowa ko para mag-alala sakin! Kaibigan mo lang si Xenon at Theo hindi ibig sabihin non kaibigan mo rin ako!" Sigaw ko sa kanya. Tumayo ako at umalis don. Hindi pa ako nakalabas natumba ako at nagpass out dahil sa kalasingan.

Nagising ako na sumasakit ang aking ulo. Bwesit ilan ba ang nainom ko kagabi. Medyo mahina ako sa alcohol kasi hindi naman ako lasingero gaya ng dalawang kaibigan ko. Ang naalala ko lang ay umalis sa table namin at nagpass out ako.

Tumingin ako sa paligid. Isang organize na kwarto na may malaking glass window na kita ang centre ng CDO. Hindi naman ito kwarto ni Theo ha, at lalo na hindi ito kwarto ni Xenon. Bwesit saan na ba ako? Sino ba tong kwarto?

Habang iniisip ko kung saan ako bumukas ang pintuan at niluwal si Krishia na naka black sports bra at naka gym shorts at naka nike sneakers at pawis na pawis siya. Galing ata siya sa gym, nag wowork out pala siya.

"Oh! Gising kana pala." Sabi niya pagpasok niya. "Tara breakfast tayo?" Sabi niya at nag smile.

"No thank you." Sabi ko at tumayo ako. "I'll be going now."

"Klien naman please." Sabi niya at tumingin ako sa kanya. "Alam ko galit ka sakin kasi iniwan kita noon na walang pasabi." Sabi niya na parang maiiyak na siya. "Bumalik naman ako para sayo eh. Akala ko masaya ka nang makita ako dito pero hindi eh." Umiyak na siya pagkatapos niya sabihin yun.

"Three years Krishia, Three fucking years na pinahanap kita! Hindi mo alam paano ako nagdurusa sa pagkawala mo! Inisip ko nga noon bakit ka umalis? May nagawa ba ako sayo na masama kaya iniwan mo ako?" Sigaw ko sa kanya at umiyak siya. "Kaya wag kang bumalik sa buhay ko na parang hindi ka umalis, na parang hindi mo ako iniwan sa ere!" Sabi ko at umalis sa kwarto, nasa living room ako nang ni hug ako ni Krishia sa likod.

"I-i-i'm sorry Klien for leaving you... Pleaseee forgive me, i'll do everything para mapatawad at mahalin moko ulit." Sabi niya habang umiiyak sa likod ko. Tinangal ko ang kamay niya at lumabas sa condo niya. Pagkalabas ko ay tumawag ako ng taxi at nagpahatid sa Xavier Estates.

Habang nasa byahe, niminamasahe ko ang sentido ko dahil sa sakit sa aking ulo.

"I-i-i'm sorry Klien for leaving you... Pleaseee forgive me, i'll do everything para mapatawad at mahalin moko ulit." Naalala ko ang sinabi ni Krishia.

I never unlove you Krishia.

( ------------------------—————————-)

THE BOY WHO I MET UNDER THE CHERRY BLOSSOMS | THE BOYS SERIES #1Where stories live. Discover now