Chapter 1: One Condition

13 1 0
                                    

ELA

"I kept on dreaming this man." Saad ko kay Dr. Chua "He's something I've never met before but..."

Natigilan ako saglit at napaisip. "But what hija?"

"I've been dreaming this for about a month now pero paulit ulit lang yung nangyayari doc." Sagot ko "Na para bang mangyayari pa lang like a warning I guess"

"Ela, are you talking about seeing the future?"

"I know its strange. Every detail of the area, the persons involve and even their voices, paulit ulit" paliwanag ko pa. "I heard this strange phrase everytime I'm about to wake up.."

"Kung pagbibigyan man ako ng pagkakataong baguhin ang lahat, hihilingin kong sana hindi mo na ko hinanap pang muli."

Tumingin ako ulit kay Doc. "Baliw na ba ko Doc?"

Natawa siya sa tinuran ko. "Look, I know its been hard for you this past few days"

Right. Nababaliw na nga ako.

"Much better if you take some rest. I can barely tell you've been skipping. Don't worry, its just reaction from your stress" Tumango na lamang ako.

"But if its really bothering you" Agad itong nagsulat sa isang papel. "I know a friend that can help you." Pinilas ito at iniabot sa akin "Pero kung okay lang, sa atin na lang muna. Just let me know after you consulted to him" Bulong nito at ngumiti

Ngumiti din ako pabalik matapos kunin ang sinulat nito sa papel "Dr. Martin Consulta?" pagbibigkas ko

"Apelido pa lang di ba? " pagbibiro pa ni doc na ngayon ay nag-aayos na para umalis sa clinic niya.

Natawa na lamang ako. Tinulungan ko si Doc para mabilis na din siyang makapag-ayos. "Ako na po Doc, maigi na po siguro na magpalit kayo" ani ko at nagsimula na siyang maglakad papalabas.

"Salamat hija and uhm.." natigilan ito at humarap sa kinaroroonan ko "My deepest condolences"

Sinubukan kong wag maiyak dahil alam kong makaka isang session na naman ako ng consultation sa kanya. Ngumiti na lang ako pabalik na siya namang tinanguan niya at umalis na din.

Ayokong malungkot. Ayoko ding magsaya. "May plano ang Diyos" bulong ko at naglinis na din agad para makapaghanda na sa huling misa nina mama at papa.

"Ela nandyan ka lang pala! halika na, kanina ka pa hinahanap nina Sir Lucas" ani ni Nana matapos niya kong makita na lumabas sa clinic ni Doc.

Iniabot niya sakin ang picture frames nina mama at napatingin akong muli rito.

"Oh wag ka na malungkot dyan, nag usap na tayo di ba? halika na" pagaaya pa nito sa akin.

Another life they say...

"Kawawa naman sina kumare dapat talaga di na nila kinupkop yan"

Pero bakit parang hindi ako masaya na nakaligtas ako

"Malas!"

Malas... buong buhay ko, yan na ang narinig ko sa mga tao.

"Nako wag mong babalakin hawakan yan kung ayaw mong mahawaan ng malas"

Na pang dirian sa isang bagay na hindi naman sakit kundi isang paniniwala.

"Puro kamalasan na dumating sa mag asawa na yan, di lang nakinig"

Nakatitig lamang ako sa picture nina mama habang dahan dahang dinadala ang kanilang abo sa altar.

"Ni hindi man lang umiiyak para sa magulang niya"

Wala ng luha pang lumabas sa mga mata ko. Na kahit ako hindi ko mautusang umiyak ang sarili ko.

Hinawakan ni nana ang kamay ko at ngumiti sa akin. Para bang namanhid ang mga tenga ko at tanging sa misa na lang ako nagfocus.

Umalis man si nana o iwan ako sa pangangalaga nina Sir Lucas. Kahit anong mangyari. Ako pa rin si Ela na anak niyo. Pero ma, pa. Hindi ba oras na din? Para hanapin ko sila? Yung totoo kong magulang. Gusto ko na din malaman kung bakit ganito ang tingin nila sa akin. Kung saan nga ba ako galing... yung totoong ako...

"Sigurado ka na ba dyan hija?" Dahan dahang naibaba ni Sir Lucas ang kanyang hawak na tinidor habang nakain kami sa hapag kainan.

"Opo. Pansamantala po muna akong titira sa apartment at magiipon papunta sa canada." Ani ko matapos paglaruan ang pagkaing nasa harapan ko.

"Alam mo namang hindi totoo--"

"Matagal ko na po itong pinagisipan" ngumiti ako "Bago pa man po mailibing sina mama" pagputol ko sa sasabihin ni Sir Lucas. Alam ko na din naman kung saan papunta.

"Hija, sana hindi namin naparamdam sayo na pabigat ka" malumanay na sabi ni Ma'am Matilda

"Besides, we owe a lot to your parents. Di naman namin hahayaan na umalis ka na lang basta basta baka mapaano ka pa"

"Okay lang po talaga. Sooner or later alam ko pong ganito din ang gusto sakin ng mga magulang ko. Ang matutong tumayo sa sarili kong mga paa" dagdag ko pa.

Pabirong natawa si Sir Lucas. "Clyde, Erika. Pakinggan niyo ito si Ela, alam na alam na kung paano manirahan sa mundong ito. Dapat matuto din kayo"
Ani nito sa kaniyang mga anak.

Tumango ako at hindi na binalak pang tingnan ang dalawa dahil alam kong maiinis lang sila.

"Mukhang di na kita mapipigilan hija." Hinawakan niya ang kaniyang mga kamay at ipinatong ito sa lamesa na parang nagiisip. "Papayag ako pero sa isang kondisyon..."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tale Of The Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon