CHAPTER 2

3 0 0
                                    

LUMIPAS ang buong araw pero wala naman ata ang sinasabi ni Manang na makikita ko na 'daw' kuno. Wala naman akong nakakasalamuha na kakaiba, maliban na lang dun sa babaeng kakilala ni Nathan. Tsk.

"Kanina ka pa tulala. Anong nangyayari sa'yo?" pukaw ni Hurrizon na katabi ko na pala.

Umiling lang ako dito saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Nanggigigil pa akong napasabunot sa buhok ko.

"Ano nangyayare di--Aray talaga!" Napatingin ako kay Nathan dahil sa hindi nito natapos ang sasabihin niya. Nakahawak pa rin ito sa kaniyang pisngi. Mukhang lalong namamaga.

"Lagyan mo na nang yelo 'yang pisngi mo. Saka layuan mo ang kapatid ko para hindi ka na makatikim ng sampal," malamig na sambit ko saka ako nauna nang lumabas ng classroom.

Buong araw. Buong araw akong naghintay sa kung sino mang babaeng 'yun pero wala man lang sumulpot.

"Magpakita ka na kasi!" inis na sigaw ko.

Hindi ko alam pero parang nainis ako dahil sa akalaing makikita ko na siya ngayon. Dahil sigurado ako kapag nakita ko siya ay mananahimik na siya sa panaginip ko.

Akmang sasakay pa lang ako sa kotse ng mahagip ng paningin ko ang isang bulto hindi kalayuan sa akin. Tumatakbo ito at mukhang papalapit sa direksiyon ko.

"Simon!" Bigla ay nawala ang inis na nararamdaman ko at napangiti nang marinig ko ang boses nito. "I miss you!" Nang makalapit na ito sa akin ay niyakap agad ako nito.

Niyakap ko naman ito pabalik. "Na-miss din kita. Tagal kitang hindi nakita dahil sa probinsiya kayo nagbakasyon."

"Ganun talaga eh, pasensiya na ah. Pero hayaan mo nandito na naman ako. Saka may pasalubong ako," may bahid nang excitement na sambit niya.

Natawa ako saka ginulo ang buhok nito. "Ganiyan dapat, laging may pasalubong."

Napanguso naman ito habang inaayos ang buhok niya na nagulo ko. "Tara na muna sa inyo, dala ko 'yung pasalubong ko sa inyo. Para maiabot ko din kay Allison at Manang ang iba."

Nangingiting sumang-ayon naman agad ako dito bago pinaunang pinasakay sa kotse.

Habang nasa byahe ay puro kamustahan at siyempre hindi pahuhuli ang asaran na nagaganap sa amin. Na-miss ko din 'to.

"Nandito na tayo," anunsyo ko saka tinulungan siyang tanggalin ang seatbelt sa kinauupuan niya

"Nagpa-renovate kayo ng bahay?" tanong agad nito habang inilibot ang paningin sa kabuuan nito.

"Ano sa tingin mo?" tanong ko pabalik na may nang-aasar na tono. Kaya naman nakatanggap ako dito ng masamang tingin. Inis-talo talaga kahit kailan. Pft.

"Nagtatanong ako ng maayos, Simon." May bahid na pagbabanta sa boses nito, pero nagkibit-balikat lang ako dito saka naunang pumasok sa loob.

Unang bumungad sa akin si Nathan na pine-peste na naman ang kapatid ko. At nauna pa pala ang loko sa akin. Mukhang hindi natuto sa sampal na natamo niya dito kanina. Pursigidong-pursigido.

"May bisita!" anunsyo ko bago sumalampak sa sofa.

Kita ko naman na lahat sila ay natigilan sa ginagawa. Si manang na natigil sa pagwawalis at si Nathan na natigil sa pagyakap sa kapatid ko.

Naiiling na napatayo na lang muli ako saka itinuro ang bisita. "Nakita ko sa daan, kakaawa naman kaya sinama ko na." Saka ngumisi dito ng malawak.

Sinamaan muli ako nito ng tingin bago bumaling sa lahat na naroroon. "Wala bang pa-welcome diyan?" Saka nito idinipa ang braso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Did.I Do.I Will Always Love HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon