CHAPTER 1

14 0 0
                                    

NAALIPUNGATAN ako ng sunod-sunod na katok ang narinig ko sa pintuan. Tinatamad man ay wala na din naman akong nagawa at tumayo na lamang.

"Kanina pa kita kinakatok dito. Tulog mantika ka talaga kahit kailan," bungad ni Manang nang pagbuksan ko ito ng pinto.

"Good morning po." Nginitian ko ito saka napakamot sa ulo, "hindi po kasi ako makatulog kagabi nang maayos."

"Oh siya, siya, mag-ayos ka na nang sarili mo ha. Makikita mo na siya mamaya," saad nito bago umalis sa harap ko.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Halos araw-araw na may sinasabi sa akin si Manang tungkol "dito",  pero hindi naman niya sinasabi kung ano o sino ito.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagsimulang mag-ayos ng sarili. Dahil sigurado ako kapag hindi pa ako kumilos ay baka sunduin ako nito ng pingot. Masakit kaya.

"GOOD morning," bati ko sa kanilang lahat.

Ngumiti naman sa akin si Manang at inirapan naman ako ng kapatid ko. Nangingiting nilapitan ko ang kapatid ko saka ginulo ang buhok nito.

"Hoy, ang taray mo ang aga-aga." Lalo ko pang ginulo ang buhok nito na ikinainis niya at ikinalaki ng ngisi ko.

"Pwede ba? Huwag kang epal kuya, nanggigigil pa ako kay-- speaking of the devil." Hindi pa natatapos ang sasabihin nito nang may pangahas na pumasok sa kusina.

"Good morning everyone!" masiglang sigaw nito. "Magandang umaga Manang!"

"Aga mo ngayon iho, magandang umaga din," nakangiting bati pabalik ni Manang dito.

"Ganun po talaga kapag gwapo." Mas lalong lumawak pa ang ngisi nito bago bumaling sa akin. "Good morning Simon."

Tinanguan ko lang ito. Mukhang hindi naman kasi sa akin nakatingin. Balhag ata 'to. Kakahiya naman kung sumagot ako na wala naman sa akin ang atensiyon.

"Magandang umaga magandang binibini." Parang nagmamadali pa ito sa paglapit kay Allison na katabi ko lang.

Napatingin ako kay Manang pero nginitian lang ako nito saka tumango. Hayst. Magsisimula na naman sila.

"Lumayo ka sa akin," halata sa boses ni Allison ang panggigigil pero hindi ito nagpatinag. "Sinasabi ko sa'yo, tatamaan ka talaga sa akin," sambit nito na halos hindi na ata maipinta ang mukha.

"Ang ganda mo ngayon." At nagsisimula na naman siya.

"Nathan, kapag hindi ka talaga lumayo sa akin, hindi ako magda-dalawang isip na ibuhos sa iyo itong tsaa na iniinom ko."

Pero ang loko patuloy pa rin sa pang-aasar. Minsan nga nagtataka ako sa sarili ko kung bakit pinapayagan kong ganiyanin niya ang kapatid ko.

Mukhang walang titigil kaya ako na ang kusang lumayo. Ayos na 'yung nag-iingat.

"Manang, sawayin mo na nga." Nang makalapit ako dito.

"Ayos lang 'yan. Asaran lang naman," sambit nito. "Oh kumain ka na." Saka iniabot sa akin ang niluto niya.

Agad ko naman kinuha 'yun saka inilagay sa may lamesa na nandoon. Akmang aalis na sana ito ng may maalala ako.

"Ahm Manang, tungkol po pala sa sinasabi mo po. Sino po ba 'yun?" Hindi ko na maiwasang itanong. Mas nakakagulo kasi sa isipan.

"Basta makikita mo din naman siya mamaya. Muntikan ko pa ngang makalimutan kung hindi lang siya dumaan dito kanina." Napatingin pa ito sa isang direksiyon saka ngumiti, kaya naman tumingin ako doon pero wala naman siyang tiinitignan doon. May nakikita ata si Manang na hindi namin nakikita ah.

I Did.I Do.I Will Always Love HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon