Yoona
"Chief," narinig ko pang pahabol niya bago ako makaalis sa opisina.
"Late-late raw, masyado lang siyang maaga." Pagrereklamo ko.
"Oh, ba't ganyan ang mukha mo?" Tanong sakin ni Kaia na tropapips slash katrabaho ko.
"E, paano ba naman, Kaia, nag aalburoto 'yung panget na detective na 'yon. Kesyo late raw ako, nauna pa raw siya sa akin. Edi sana siya na lang ang pulis, ako 'yung detective tapos ihahampas ko sa kanya 'yung chapa ko, nang malaan niya. Tss, kasira ng madaling araw." Nakangusong paliwanag ko habang masamang nakatingin sa pintuan ng opisina ng letseng detective na 'yon.
"Ang sarap-sarap pa naman ng tulog ko dahil umuulan tapos malamig. Ang ganda pa ng tugtugan ko," pagpapatuloy ko pa.
"So kakagising mo lang?" Parang inosenteng tanong niya.
"Ikaw ba, natulog ka? O sadyang medyo may pagkatanga ka? Aba'y malamang! Kakagising ko lang. Natutulog nga ako n'ong tumawag si chief 'di ba?" Sagot ko. Punyemas, mas lalo lang nasira ang madaling araw ko.
Teka nga, bakit ba kasi ako ang tinawagan ni chief? Hindi ko naman duty at marami namang nakabakante na mga pulis pero ako 'yung tinawagan. Matanong nga siya.
"Yoona!" Sigaw niya.
"Bakit ba?! Sigaw ka nang sigaw diyan!" Balik na sigaw ko.
"Oh, e ba't ka sumigaw?" Barumbadong tanong niya. Amputa.
"E, ano ba kasi 'yon, ha?" Tanong ko.
"Libre kita mamaya pagkatapos ng duty. Bonding tayo. Pero kapag na late ka, ikaw ang manlilibre. Deal?" Alok niya at ngumisi ako. Kanina lang ako late, pero sa pagkain, hindi na.
"Deal." Nakangisi kong sagot.
⚜
"Chief!" Tawag ko sa kanya nang makalabas siya roon sa opisina ni detective. Lumapit ako sa kanya at saka nagtanong, "Bakit nga pala ako ang tinawagan mo kanina? Marami namang pulis na available rito sa station pero ako na masarap ang tulog sa condo ang naisipan ninyong tawagan." Nagtatakang tanong ko.
"Ah, oo nga pala. Wala kasing available rito kanina. 'Yung iba nakauwi na at 'yung mga
naka-night shifts naman ay may sari-sariling kaso na iniimbestigahan. Kaya naman, ikaw na lang ang tinawagan ko since ikaw ang pinakamaaasahan sa mga pulis." Paliwanag niya.Tumango-tango na lang ako, "Okay, mauuna na ako, ha. Hindi ko pa duty, e." Paalam ko sa kanya. Lumabas na ako ng station at nagpayong papunta sa kotse ko para makabalik na ako condo ko.
Nang makapasok ako ng condo unit ko, agad akong nagpunta sa banyo para maligo ulit. May lason na involve yung case kanina kaya kailangan kong maligo ulit dahil baka may dumikit na gan'on sa balat ko. Ayoko pang mamatay ng maaga.
"Hmm~" pakanta-kanta pa ako habang nagsasabon ng katawan ko. Naalala ko tuloy bigla yung itsura n'ong detective. Dark brown eyes, pointed nose, and nice kissable lips. Hindi siya maputi pero hindi rin siya maitim, sakto lang. All in all, may pagkagwapo naman pala siya kahit kaunti. I wonder, may girlfriend na kaya siya?
Napailing ako sa mga iniisip ko. 'Stop it, Yoona.' Pagsaway ko sa sarili ko. Natapos na ako maligo at agad na nagbihis ng pantulog. Nagsuklay ako ng buhok at naglagay ng powder sa mukha. Wala naman akong masyadong nilalagay na kung anu-ano sa mukha ko dahil masyadong mabigat sa mukha kapag maraming nilalagay. Pulbos lang sapat na.
Sinuot ko 'yung slippers ko at nagpunta sa kusina para magtimpla ng gatas. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng three tablespoon of powdered milk. Pagtapos, nilagyan ko ito ng warm water. Habang hinahalo ko ito, naglakad ako papunta sa sala para manood sa TV.
BINABASA MO ANG
The Secret Crime Of Death
Mystère / ThrillerEl Crimen Secreto De La Muerte Police Lieutenant Yoona Fae Galvez is a stubborn girl in their station. But who would thought that this pain in the ass policewoman is a great police leader to her group and a responsible one in times of crimes? Here c...