✏ End

93 12 13
                                    

Her.

Nang mabasa ko ang chat ni Jungkook ay agad akong pumunta sa school garden. Pagdating ko doon ay wala pa siya, kaya naman ay umupo muna ako saglit sa bench na naroon.

"Hara?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Eunwoo.

"Uy! Andiyan ka pala."

"Bakit ka nandito? Hindi ka pa ba kakain?" tanong nito.

"Mamaya na. May hinihintay pa ako eh," sabi ko.

Tinignan ko ang phone ko baka kasi may message si Jungkook, kaso wala. Ganun pa din ang itsura nung convo namin, walang na dagdag.

Halos matapos na ang lunch break kaso wala pa din, hindi pa din dumadating ang hinihintay ko.

Tangina niya kapag ini-scam niya ko. Hayop siya.

"Ang tagal naman nang hinuhintay mo. Sino ba yun?" tanong ni Eunwoo na kasama kong naghihintay.

Hindi ko pinansin ang tanong niya at muli lamang tinignan ang phone ko ngunit wala talaga. Naghintay pa ako ng limang minuto bago napag-desisyunan na umalis na.

"Sige na! Una na ko, baka nasa room na namin yung prof namin," pagpapaalam ko kay Eunwoo.

"Hindi ka kakain? May ilang minuto pa bago mag-klase, kumain ka muna," sabi nito.

Umiling ako. "Ayos lang. Marami rin naman akong nakain kaninang almusal at isa pa hindi pa ako gutom," sabi ko at tuluyan nang umalis doon.

Bwisit, naghintay ako sa wala.

Bawat oras ay chinicheck ko pa din ang phone ko kahit may klase kami. Nagbabakasakaling may message si Jungkook ngunit hanggang matapos ang klase ay wala itong message.

Nang i-dismiss kami ng prof namin ay agad kong minessage si Jungkook.

5:00 pm.

Jung Hara:
Bakit hindi ka pumunta?

Jung Hara:
Sinayang mo oras ko

Jung Hara:
Naghintay ako sa wala.

Tinago ko na ang phone ko nang ma-send ko iyon, bwisit siya. Bahala siya diyan.

Wala na akong ibang dinaanan pa at dumiretso na pag-uwi. Kahit nagugutom ay hindi pa din ako kumain pagdating a bahay, wala akong gana, nabwibwiset pa din ako kay Jungkook.

Sinasabi ko na nga ba, pare-pareho lang silang mga lalaki! Mabilis mainip! Akala ko pa naman iba siya sa mga lalaki na niligawan ko pero nagkamali ako, pare-pareho lang sila.

Naiiyak na lamang ako sa mga ideyang pumapasok sa isip ko. Napaka-paasa niyang hayop siya! Porket mabilis na akong mag-reply at pinapansin ko na siya ay bigla na lang niya akong i-goghost, hinayupak siya.

Hindi ko na napigilan at naramdaman ko nang unti-unting bumagsak ang mga luha ko.

Putangina ka, Jeon! Kung kailan nahuhulog na ako saka ka nag-sawa!

Dahil sa pag-iyak ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lamang ako sa ingay nang pag-vibrate ng phone ko.

Nung mga unang minuto ay hindi ko pinansin ito dahil naisip kong mag-sasawa din kung sino man iyon ngunit nang mairita na ako ay kinuha ko ito.

Wala naman akong balak i-check iyon at patayin na agad kaso noong aksidente kong nabuksan ang screen ng phone ko, kahit malabo pa ang paningin dahil kakagising ko lamang ay alam kong pangalan ni Jungkoom ang nasa screen ko.

Sa Susunod Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon