LET ME 24

1.6K 98 20
                                    


MAHAL KITA PERO☺️

Jessy Pov

Papunta na ngayon kami ni Jack sa Restaurant

"Napasa muna ba ang Research na ginawa ni Ken" Tanong ni Jack habang nag mamaneho siya

"Oo at paki sabi sa friend mo na Salamat talaga ng Marami" Ngiting sabi ko

"Mabuti naman kung ganon" Ngiting sabi rin niya

Habang nag mamaneho siya ay hinawakan ko naman ang braso kong may pasa

"Pasa bayan, Anong nangyari diyan" Pag aalalang sabi ni Jack sabay hawak sa braso ko

"Oo may nakabangga kasi ako kanina, habang tinitignan ko ang cellphone ko, nakaka hiya nga dahil isang Mayaman at CEO pa ang naka bangga sa akin kaya nakakahiya talaga, pero okay lang yan, malayo yan sa bituka"

"Mag iingat ka kasi at sinong CEO???" Tanong niya sa akin

"Si Mr Richard Kim"

"Ahhhhh, Ninong ko siya actually hahahha"

"TALAGA???" Gulat na sabi ko

"Oo, mabait yun sa akin na parang anak na niya ako, marami na nga yung nabigay sa akin, parang mas Ama pa nga siya kaysa sa Daddy ko" Malungkot na saad ni Jack

"Parang may Daddy issue ka Jack, hindi ba okay ang relationship niyo?, okay lang naman kung ayaw mong sagutin, very private rin kasi yan heheh" Hiyang sabi ko

"Mahal kita kaya, dapat lang alam mo
Lahat" Ngiting sabi niya

"Nako iwan ko talaga sayo so, anong problem niyong dalawa??"

"Mas importante sa kanya ang business at yung yaman namin, yung pangalan namin, at womanizer ang Daddy ko, naawa nga ako sa Mommy ko, dahil palagi nalang umiiyak si Mommy ng Patago dahil sa Daddy ko" Malungkot na saad ni Jack

"Matagal na akong naging Fan mo pero hindi ko yan alam At sorry kong pina remind ko yun sayo"

"It's okay" Ngiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko

"Jack nag mamaneho ka, Ikaw talaga" Sabi ko

"Holding hands lang, ang damot mo naman"

"Hindi ako madamot no" Sabi ko sa kanya

"Patunyan mo" ngiting sabi niya

"Paano ko naman mapapatunyan aber"

"Kiss mo ako sa cheeks" Ngiting sabi niya sabay hawak pesngi niya

"Hoy Mag tigil ka Jack"

"Sabi mo hindi ka madamot"

"What i mean is.... hoy bakit mo hininto!!!" Gulat na sabi ko

"Hindi tayo aandar pag hindi mo hahalikan ang Pesngi ko" Sabi niya sabay harap sa akin

"Hoy!!! Seryoso ka???"

"Seryoso nga kaya, patunayan mo,na hindi ka madamot" Malokong sabi niya

"Madamot talaga ako Jack hahahha" Tawang sabi niya

"Sinugaling ka pala Jessy" Seryosong sabi niya sabay pa andar ng Kotse at parang na wala sa mood

"Jack" Tawag ko pero hindi niya ako pina pansin

"Ahmmm Jack" Sabi ko pero hindi parin niya ako pina pansin

"Jack pansinin mo naman ako" Sabi ko sabay hawak sa shoulder niya

Let Me Be The One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon