LET ME 64

1.5K 84 29
                                    



HAPPIER😊

Jessy Pov

"Jack, kailan natin sasabihin sa kanila???" Tanong ko kay Jack, habang naka tingin sa Kambal na nag lalaro sa mini playground dito sa Mansyon

"Bukod sa recording studio, yan rin ang iniisip ko" Sabi ni Jack

"Hindi naman mahirap sabihin, pero si Castor kasi" Sabi ko habang naka tingin kay Castor

"I know it's hard, but we need to tell them Jessy, especially to Castor"

Ng marinig ko yun ay ngumiti ako

"At sasabihin na natin ngayon, PULLOX CASTOR HALIKA KAYO DITO" Sabi ni Jack na ikinagulat ko

"ANO???????" Gulat na sabi ko

"Oo Jessy ngayon" Ngiting sabi ni Jack

"Pero Jack.........."

"Bakit po Dad???" Tanong ni Pullox habang si Castor naman ay seryosong nakatingin sa aming Dalawa ni Jack

"Ahmmmm ano kasi ahmmm......." Sabi ko

"Pullox, Castor, me and your Dada is.........."

Hindi natuloy ni Jack ang sasabihin niya ng sumingit ang Kambal

"Together" Sabay na sabi ng Kambal, si Pullox ay naka ngiti habang si Castor naman ay seryoso

"ALAM NIYO??????" Gulat na sabi ko sa Dalawa

"Kailan niyo pa alam?" Tanong ni Jack

"Dada we see you and Dad, cuddling each other last night" Ngiting sabi ni Pullox 

"Not just last night, but everytime" Seryosong sabi ni Castor

Ng marinig namin yun ni Jack ay nagulat kami

"Nakakakilig kayo hehehe" Ngiting sabi ni Pullox sabay yakap sa amin

"Bakit hindi niyo sinabi sa amin????" Tanong ko sa Kambal

"Naghihintay kami kung kailan niyo sasabihin sa amin" Sagot ni Castor na para bang na pikon ito

"I'm sorry, especially to you Castor" Malungkot na sabi ni Jack

"So Dada and Dad, you are official together????" Ngiting sabi ni Pullox

"Yes" Ngiting sabi ko

"Castor can I talk to you?" Seryosong sabi ni Jack

"I'm about to say it Dad" Seryosong sabi ni Castor sabay lakad nito na siya namang sinunod ni Jack

"Usap muna kami" Sabi ni Jack sa akin kaya tumango nalang ako

"Dada???" Sabi ni Pullox sa akin

"Bakit???"

"Kuya Castor is really serious"

"Oo nga eh" Sabi ko

"Alam mo ba Dada na umiyak si Kuya Castor nong nakita namin kayo"

"Talaga????, bakit???"

"He just love you so much Dada, He doesn't want you to be hurt again"

"Hindi ko alam na ganyan pala ang magiging reaksyon niya" Malungkot na sabi ko

"Ako nga rin Dada ehhh, nagulat ako nong umiyak siya, at iniyak niya rin Dada yung galit niya kay Dad"

Ng marinig ko yun ay nagulat ako

Let Me Be The One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon