↞31↠

114 5 0
                                    

Kyla


"Ma, may carbonara?" hinanap agad ng mata ko ang carbonara sa lamesa.


"Oo alam ko naman na 'yan ang una mong hinahanap kapag may handaan," natatawang sabi niya.


Halos mapapalakpak ako nang makita ang carbonara. Kahit talaga ito lang ang nakahapag sa lamesa ay hindi ako magsasawa!


"Huwag ka muna kumain hintayin mo ang mga pinsan mo," she reminded me.


I pouted. Mukhang nakakatakam pa naman 'yon.


Pumunta na lang ako ng sala para manood ng, Netflix. Pilit ko talagang nililibang ang sarili ko para kalimutan na 2nd monthsary namin ngayon ni Jun at hindi niya ako sinipot.


Yup that's right, hindi niya ako sinipot. Mula kahapon hindi pa siya nagpaparamdam sa'kin. Hindi ko naman sana siya pagdududahan until I saw Marga's tweet yesterday. Hindi ko siya following pero may isang following ko na nag-like ng post niya kaya lumabas ito sa newsfeed ko. Sinabi niya roon na kahapon ang byahe nila papunta ng probinsya. Nakarami na ako ng texts at tawag sa kaniya pero hanggang ngayon ay hindi niya ako sinasagot.


Napatawa ako nang mapait. Naalala ko bigla ang kwento ni Tita Giselle. Mas pinili ng boyfriend niya noon na piliin ang isa niyang girlfriend dahil ginamit lang naman siya para gumanti.


So that's how we would end too, right?


Nakatulala lang ako sa harap ng tv namin na hindi ko man lang naintindihan ang pinanood ko. Kanina pa pala sigaw nang sigaw ang dalawa kong kapatid sa likod na nakikinood sa akin. Hindi ko napansin na horror pala itong napindot ko.


Umakyat na lang ako sa kwarto ko para humiga habang hinihintay ang mga kamag-anak namin. Bago mag Christmas nakagawian na namin magkaroon ng simpleng Christmas party sa bahay kasama ang mga relatives namin. Parang nawalan na tuloy ako ng gana bumaba at matulog na lang dito sa kwarto.


My phone made a sound so I checked it. I was so stupid to expect that it was from, Jun. Binuksan ko na lang ito kahit si William ang nakita ko sa screen.


From: William

How are you? I miss you.


Napatulala ako sa kisame ng kwarto. All these times, nagpapakahirap si William para sa akin para lang maibalik ang relasyon namin.


Naalala ko ang sinabi sa'kin niya last week. He said his father wants to meet me. Should I agree?


From: William

I'm fine. Kailan ako balak i-meet ng dad mo?


Hindi pa man nakakailang segundo ay nakatanggap na agad ako ng reply.


To: William

We have dinner tonight. Is it okay if you join us? I already told my Mom. 


I replied okay. Sinabi lang niya na susunduin niya ako sa kanto namin at nagbigay ng oras tapos hindi na ako nag-reply.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon