↞26↠

149 12 3
                                    

Kyla


"Sa ibang booth naman tayo!" masayang sabi ni Stan sa amin.


"Ayoko na! Inuubos mo lang ang pera ko!" inis na sabi ni Vhenice sa kaniya.


"Lilibre na kita promise," nakangiting sabi ni Stan sa kaniya.


"Sinabi mo na 'yan kanina pero scam lang!" umirap pa siya.


"Totoo na 'to," natatawang sabi ni Stan at hinihila-hila pa siya sa braso na parang bata.


"Ang sakit niyo sa mata! Umalis na nga kayo rito at huwag niyo na kaming dinadamay sa kalandian niyo," sabi ni Angelica.


Tinulak niya si Vhenice na naging dahilan ng pagkasubsob niya sa dibdib ni, Stan. Mukhang gaganti pa sana siya kay Angge pero hindi na niya nagawa dahil tuluyan na siyang nahila ni Stan paalis. Natatawa na lang ako sa kanila.


"May plano ako," sabi ko kay Angelica nang makaalis 'yung dalawa.


"Ano 'yun?"


"I-marriage booth natin sila Vhen tsaka Stan."


Napangisi pa ang loko at tumango-tango. Agad kaming pumunta sa marriage booth para ipalista si Vhenice at Stan at nagbayad habang 'yung mga tauhan naman noong booth 'yung maghahanap sa kanila. Sinabi lang namin kung saan silang booth pumunta para alam nila kung saan nila aabangan.


Foundation day kasi ngayon. As usual kaming tatlo ang magkakasama. Hindi ko ba alam kung paano at biglang sumulpot na lang si, Stan. Noong pumasok kami ng horror booth pinagtitripan niya lang naman si, Vhen. Hindi pa niya aminin na gusto niya ang kaibigan namin.


"Solo ko na si fafa Derrick," nakangiting sabi ni Angelica habang tinitignan si Vhenice at Stan na hinihila sa marriage booth.


Mukha ngang solo niya na si Derrick dahil sa tingin ko, hininto na rin ni Marga at Derrick ang namamagitan sa kanila.


Nakikita ko kasi si Jun minsan at Margaret na magkasama at mukhang okay na silang dalawa. Hatid sundo pa nga ni Jun si Marga sa room namin. Ilang linggo na rin kaming nag-iiwasan dalawa. Minsan gusto ko siyang kausapin para kamustahin siya at ang lola niya pero mas pinipili ko na lang na wag na dahil mas okay na rin siguro na hindi ako nakakagulo sa kanila.


"Look at Samira. Kawawa naman siya, foundation day pero sa detention room pa rin ang diretso. She deserved that," Angelica said and smirked.


Nakita namin si Samira na naglalakad ngayon at may hawak na manila paper at ballpen habang masama ang awra. Nang mapatingin siya sa'min, dinilaan siya ni Angelica kaya mas lalo siyang napasimangot. Kasama niya rin 'yung mga babae na nambato sa'kin ng kung anu-ano dahil pinilit ni William si Mira na sabihin ang names nila sa principal dahil sa ginawa niya sa'kin. Wala naman siyang nagawa doon.


Nang malaman ni Angelica at Vhenice ang nangyari sa'kin, balak na sana nilang gantihan si Mira pero pinigilan ko na. Naparusahan din naman siya ng school, noong minsan nga nakita namin sila na naglilinis ng library. Tinulungan na lang ako ni Vhen at Angge na takpan ng concealer ang sugat ko sa pisngi para hindi mahalata sa bahay. Buti na lang at hindi naman ganoon kalala.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon