↞6↠

256 9 2
                                    

Kyla

“Badtrip!”

Nakasimangot akong lumabas ng gate at padabog itong sinara nang utusan ako ni mama na bumili sa grocery store. Hindi naman ganun kalakas, 'yung lakas lang na malalaman nilang naiinis ako. Paano ba naman kasi, ang panganay namin ang unang inutusan pero dinahilan niya ang paglalaro niya ng mobile legends kasama na rin 'yung pangalawang kong ate at bilang supportive mother, ako ang inutusan niya dahil wala naman daw akong ginagawa.

Nagmasid-masid muna ako sa labas bago tuluyang maglakad. Baka kasi mamaya nandito nanaman si William at inaabangan ako. Knowing that guy, makulit pa naman 'yun. Hindi nakukuha sa isang usapan. Ganitong-ganito siya kapag gusto niya makipag-inuman at ayaw ko pero dahil mapilit siya, napapayag niya ako. Tsaka ganitong oras din kasi siya dumating kagabi.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa sakayan ng tricycle noong wala akong nakitang, William. Hindi naman sa pagiging assuming, naninigurado lang. Baka mamaya pag nakita ko pa siya ulit hindi ko na mapigilan ang sarili kong saktan siya, eh.

Nang makasakay ako ng tricycle, syempre badtrip pa din kaya nakasimangot. Umalis kasi ako sa bahay ng nakasimangot so dapat panindigan ko 'yun hanggang pag-uwi. Hanggang sa makarating ako ng grocery store, lalo pang sumama ang timpla ko noong makita kong ang haba pala ng listahan ng mga dapat kong bilhin. Sana lang maging sakto ang perang pinadala sa'kin ni, mama.

Tumagal din yata ako ng 40 minutes kakahanap sa mga nakalista. Bakit ba kasi ang dami? 'Di ba dapat hindi lang ako ang mag-isang bumili dito? Tapos hindi pa ako madalas dito kaya hindi ko alam kung saan nakapwesto ang mga dapat bilhin. At saka paano ko ba 'to mabubuhat hanggang sa bahay? Arghh! Bahala na! Sana lang mabait 'yung masakyan kong driver mamaya.

Noong ang mga pinamili ko na ang pina-punch ng cashier, nagulat ako noong makita kong sobra ang presyo sa pera na binigay sa'kin. Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh!

“Five hundred and fifty six pesos po ma'am.” sabi ng cashier. Hooo! Napakamalas ng gabing 'to!

“Ah eh, kulang kasi ako ng fifty six pesos, o-okay lang ba kung magbawas ako?” medyo nagpapanic kong tanong. Tumango naman 'yung cashier pero halata sa mukha niya ang pagka-irita. Kailangan niya pa kasing bawasan ang presyo sa mga na-punch niya.

“Sige po.” tugon niya at ako naman naghanap agad ng pwedeng tanggalin sa mga pinamili ko pero, arghhh! Alin ba dito ang hindi pa kailangan ni mama?

Peste!

Pwede bang kuhanin na lang ako ng sahig ngayon? Ang daming nakapila na susunod sa'kin tapos ang tagal-tagal ko pang mamili! Bakit ba kasi ang dami masyado nito?

“Here. Isama mo na 'yung sa'kin sa mga items niya. I'll pay.” napaangat ang tingin ko sa lalaking biglang nagsalita sa likod ko.

Hindi naman ako nakapagsalita agad sa gulat noong maglabas siya ng isang libo sa wallet niya matapos i-punch ng cashier 'yung mga pinamili niya kasama noong sa akin. Nakita ko pang kinilig 'yung cashier noong makita kung gaano siya ka-gwapo kaya malantong niyang kinuha 'yung isang libo at mukhang sinadya niya pang mahawakan 'yung kamay nung lalaki.

“U-uy wag na. N-nakakahiya naman.” pagtanggi ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

“Too late. Nabayaran ko na.” nakangiti niyang sabi sa'kin at kinuha ang sukli niya doon sa maharot na cashier na hanggang ngayon kilig na kilig pa rin.

Napalunok ako ng laway dahil pakiramdam ko natuyuan ako ng lalamunan at hindi ako makapagsalita. Alam ko naman kasing totoo ang issue na gwapo siya, pero hindi ko naman ine-expect na ganito pala talaga siya ka-gwapo sa malapitan lalo na kapag ngumingiti. Ngayon alam ko na kung bakit grabe kung makapilit sa'kin ang dalawang 'yon.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon