DISCLAIMER: This is a work of fiction. Any names, characters, events, businesses, places, and incidents are just products of the author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead is just coincidental. Plagiarism is a wrongful action so don't you dare do it!
No parts of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form of action, without the prior permission of the author.
I'm not a proffesional writer so expect typographical errors, grammatical errors, wrong spellings, and what so ever. But please bare with me! Thanks :)
-
Tuwing nananaginip ako napupunta ako sa kakaibang lugar na hindi pamilyar sa'kin at laging may isang tao akong kasama doon na hindi ko naman kilala. Sinubukan kong wag nalang pansinin dahil panaginip lang naman 'yon at ang mga panaginip ay kathang isip lamang na naiisip natin. Pero hindi ko inaasahan na mapupunta ako sa lugar na napapaginipan ko lang at makikilala ko ang taong laging nasa mga panaginip ko.
Ano ng gagawin ko kung hindi na ako pwedeng makabalik sa pinanggalingan ko at kung kailangan kong manatili sa lugar na napapaginipan ko hanggang sa dumating ang takdang oras. Hindi ko alam ang daan palabas o pabalik sa planeta kung saan ako nanggaling kaya wala akong ibang mapagpipilian kung hindi manatili sa lugar na ito na wala akong kaalam-alam sa pamumuhay ng mga nilalang at walang mga kakilala.
Ang tanong will I be able to survive? Andami namang lugar kung saan ako pwedeng mapunta pero bakit sa ibang planeta pa?! Aaaaaaaa! I never wished for this! Bakit ba kasi ako napunta sa lugar na 'to?! Yes, parang nasa Earth lang din ako dahil parang mga tao din naman yata ang naninirahan dito. Ang pinagkaiba lang sa lugar na ito ay mapuno at malinis kumpara sa pinanggalingan ko at sariwa din ang hangin. Hmm mukhang masayang manirahan dito ah maganda at malinis ang paligid pero papaano ba ako biglang napunta dito? Bat wala akong matandaan?! Basta ang natatandaan ko ay paggising ko nasa ibang lugar na 'ko.
Waaaaaahhhh!
Posible kayang ito ang afterlife?
Posible bang patay na ako?
Halaaaa! Hindi pwede madami pa 'kong pangarap!
Pero teka bakit dito ako napunta at hindi sa langit? Waaaahhh! Masyado ba 'kong naging masama sa buhay ko at dito ako napunta sa lugar na 'to? Aaaaaaa pero atlis hindi sa impyerno, hays maswerte pa rin ako. Teka patay na ba talaga ako? Wala naman akong naaalala na nangyari sakin. Ano ba yan wala man lang kahit anong clue kung pano ako napunta dito. Omaygash kaya mo yan Blithe ikaw pa! Antaas ng level ng IQ mo malalaman mo rin ang lahat at ang rason kung bakit ka napunta dito. Yes be positive *hingang malalim*
Anong klase kaya ang mga naninirahan dito? Totoong tao kaya sila o nagbabalat kayo lang pero alien pala talaga. Wahh! Nakakatakot! Pero hindi dapat ako matakot, kaya ko 'to!
Parehas lang kaya ang salita namin sa salita nila? May pagkain ba dito at maiinom? Hays syempre meron, pano mabubuhay yung mga nakatira dito kung wala, common sense Blithe!
Naglalakad lakad ako nang may bigla akong makabangga.
"Paumanhin." paghingi ko ng tawad sa nilalang na nakabangga ko.
Pagkatingin ko sakanya ay para akong nakakita ng isang prinsipe. Ubod ng gwapo at malakas din ang dating, mukhang tao talaga.
Teka, posible kayang mga tao rin ang naninirahan dito sa planetang ito?
"Mahal na prinsipe." may tumawag sakanya na mukha ring tao pero kakaiba ang damit kumpara sa sinusuot ng mga tao sa pinanggalingan ko.
Teka tama ba yung pagkarinig ko?
Prinsipe talaga sya? Woah shet! Ang swerte ko naman para makakita ng isang prinsipe. Teka royal blood ba yung dugo nya? Or baka kasali sya sa royal family? Hays antanga ko talaga nasa ibang mundo nga pala ako so baka walang royal family dito.
Nung mapatingin sakin yung tumawag sakanya ay bakas ang gulat sa kanyang ekspresyon.
"Mahal na prinsesa?! Ikaw na ba yan? Paano kayo napunta rito? Prinsesa Jeera sa wakas nakabalik kana!" mahabang lintaya nya.
Ano daw? Ako prinsesa? Kelan pa? HAHAHAHAHAHAHA nagpapatawa ba sila? Teka posible kayang prinsesa nga ako sa mundo na 'to? Pero matanong nga muna dahil sabi nga nila 'maraming namamatay sa maling akala'.
"Ha anong ibig nyong sabihin? Ako prinsesa? Sorry pero hindi ko naiintindihan ang mga sinasabe mo. Mukhang nagkakakamali ka po yata, ako si Blithe hindi si Jeera."
Sino kaya ako sa mundong 'to? Sino kaya sila? Andami ko pang dapat malaman pero hindi ko alam kung paano ko aalamin.
"Hindi ako pwedeng magkamali ikaw na nga yan mahal na prinsesa." sabay luhod nya para magbigay galang sakin.
"Halika sumama ka samin at ipapaintindi ko sayo prinsesa." saad nya sabay hatak sakin kaya wala na 'kong nagawa kundi sumama sakanila.
Habang naglalakad kami ay nakatingin lang sakin ang prinsipe.
"Bakit may dumi ba 'ko sa mukha?" tanong ko sakanya at parang natauhan naman sya at nag-iwas muna ng tingin bago sagutin ang tanong ko.
"Ah wala." maikling sagot nya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang makarating sa napakalaki at engrandeng palasyo na mukhang matagal ng naitayo pero napakaganda pa rin.
May mga kawal na sumalubong samin at nagbigay galang. Woah! Grabe! Anong klaseng lugar ba 'to at napakaganda?
Pumasok na kami sa loob at habang naglalakad ay may nakita akong dalawang trono na gawa sa ginto at kung hindi ako nagkakamali ay upuan iyon ng hari at reyna. Sino kaya sila? Nakakaexcite tuloy bigla.
Huminto ang mga kasama ko kaya napahinto na rin ako sa paglalakad. May pintong nakakandado sa harapan namin na agad namang binuksan ng isang kasamahan ko.
Pagkapasok sa loob ng silid bumungad sakin ang malaking kama, sinabi nilang umupo ako don na sya namang ginawa ko.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto. Simple lang ang disenyo, may malaking kabinet na kahoy sa gilid ng kama, lampara na syang nagsisilbing liwanag ng silid, at may parang shandelier din. Wow pang sosyal na medyo makaluma ang theme ng kwarto ah pero pasado 'to sa taste ko hahaha.
Habang nagmamasid ako ay narinig kong sumarado ang pintuan kase umalis na ang prinsipe kaya ang nagdala nalang sakin dito ang kasama ko.
Biglang may itinurok sakin na puting likido na syang nakapagpahilo saken. Pumipikit na ang talukab ng mga mata ko pero pinipilit kong magising.
"Magpahinga ka muna mahal na prinsesa." sabi ng kasama ko na tagapaglingkod yata ng palasyo.
Hindi ko na kinaya dahil parang nawawalan ako ng lakas, tuluyang bumagsak na 'ko sa kama at unti-unting nakatulog.
YOU ARE READING
Love in Another World (ON-HOLD)
FantasyBlithe woke up in a place she's not familiar with but she've always dreamt of it. What if it's her destiny to be in that place to find out who she really is and what's her purpose in life but just for a short time? She doesn't know that in that plac...