Isa lang akong simpleng tao na may simpleng buhay. Pero nagbago ang lahat pagkatapos kong mag 18 years old. Dahil simula noon ay nananaginip na 'ko ng kakaiba gabi gabi ngunit hindi ko iyon pinapansin sapagkat akala ko ay wala lamang iyong kahulugan ngunit ngayong napunta na 'ko sa ibang mundo nagsisisi ako na hindi ko pinansin ang mga napapaginipan ko noon hayss.
Nakapikit pa rin ako pero nararamdaman kong may nakamasid sa'kin kaya pinilit kong imulat ang aking mga mata. Tinignan ko kung sino iyon at laking gulat ko nang ang mahal ng prinsipe pala.
Dali-dali akong bumangon at pagkaalis ko sa pagkakahiga ay nakaramdam ako ng sobrang pagsakit ng ulo. AAAAAA! Ano ba yung tinurok saken at ganyan nalang ang epekto. Bakit pa kasi ako tinurukan, pwede namang sabihin sakin na matulog muna 'ko hays.
"Oh you're finally awake, kanina pa kita ginigising tulog mantika. Magbihis ka at ililibot kita sa buong palasyo." sabi ng prinsipe saken nang mapansin na gising na 'ko.
What?! Marunong syang mag-english? Wtff! Anong klaseng lugar ba 'tong pinatunguhan ko? Shit so tao talaga sila?
"What? Marunong kang mag-english?" tanong ko at nagtatakang tumitig sakanya.
"Yeah, nung teenager pa kase 'ko pinadala ako sa planeta mo para hanapin ka, pero hindi naman kita nakita. Kaya pinabalik nalang ulit ako dito." mahabang sagot niya sa tanong ko.
"Ah kaya pala. Eh bat mo 'ko hinahanap? Tsaka pano ka nakabalik ulet?" nakakapagtaka na talaga ah. Feeling ko sinadya ng tadhana na mapadpad ako dito.
"Not so fast my princess. Malalaman mo din yan." he said and winked at me.
"Tara na! ililibot pa kita dito diba? Bangon na!" pag-aaya nya sakin.
"Sige." pagpayag ko dahil gusto ko ring libutin ang kabuuan ng engrandeng palasyo.
"Wait." pagpigil ko sakanya "Uh may toothbrush ba kayo dito?" pagtatanong ko at inamoy ang aking hininga. Hmm hindi naman ganon kasama ang amoy pero kelangan ko pa ring magtoothbrush dahil 'yon ang nakasanayan ko pagkagising.
Tumawa muna sya bago sinagot ang tinatanong ko.
"Wala pero merong kulay asul na minumumog na pampaputi ng ngipin at pampabango." mahabang salaysay nya.
"Ah okay. Pengi naman non?" sabi ko at nagpuppy eyes para magmukhang cute pero di na kelangan eon dahil cute na talaga ako since birth char.
"Sige sandali kukuha lang ako." oh so mabait naman pala toh pinagbigyan request ko eh hihi.
"Waittt!" pigil ko sakanya sa pag-alis dahil may nakalimutan pa pala akong itanong "eh anong gamit nyo pag umiihi at tumatae? May cr ba dito?" tanong ko dahil nakakacurious.
"Oo meron pero iba ang tawag namin. It's called 'binyo' here" sagot nya kaya napatawa ako.
"HAHAHAHAHA ah okay okay samin kase banyo tawag eh." pagsasabi ko, tumango lang sya saken at umalis na ng silid para kuhanin yung hinihingi ko.
Pagkabalik nya ay may dala na syang asul na likido na nakasilid sa bote. At inabot nya saken 'yon.
"So san banda yung binyo dito?" tanong ko dahil hindi pa 'ko pamilyar sa mga direksyon sa lugar na 'to.
Sinamahan nya 'ko papunta sa parang banyo nila dito.
Pagkapasok ko ay pinagmasdan ko muna kung anong itsura. Hmm parang ganon lang din naman sa mundo ko. May bowl den na parang inidoro kung saan pwedeng tumae at umihi. Pero wala silang gripo. Waaaahhhh! Bakit wala omg! Anong gagamitin ko.
Paglabas ko ay nakasandal sa may pader ang mahal na prinsipe at kung hindi ako nagkakamali ay hinihintay nya 'kong matapos, char assuming ko talaga hehe.
"Uh prince." pagtawag ko at humarap naman agad sya sakin.
"Patulong naman oh." mahinang sabi ko at nginitian sya ng pagkatamis-tamis, baka sakaling effective ang pagpapacute ko malay nyo.
"May nadaanan tayong bomba kanina diba?" tanong ko sabay turo sa bomba at makahulugang tinignan sya. Tumingin naman agad sya sa itinuro ko.
"Okay ako ng bahala." sabi nya agad.
Wao madali pala syang makagets, wala pa nga akong sinasabi alam nya na agad ang ibig kong sabihin. Bravo, buti nalang hindi sya slow hehe.
Lumayas muna sya at pagbalik nya ay may dala na syang lalagyanan ng tubig.
Pinanood ko kung paano sya nagbomba ng tubig para sakin. Wew prinsipe sya pero pinagsisilbihan nya lang ako dito. Aba dapat lang HAHAHA charot.
Nagmumog na muna ako gamit yung binigay nyang likido na ewan basta iyon 'di ko alam tawag eh. At saktong pagkatapos ko ay kumatok sya sa pintuan kaya agad kong binuksan at kinuha ang isang timba ng tubig. At nung tantyahin ko ay ang lamig shit! Huhu pero no choice ako pagtitiisan ko nalang kesa naman mangamoy mabaho. Baka maamoy pa 'ko ng prinsipe at maturn-off sya saken kung sakali char.
Kumatok ulit sya at may binigay na parang sabon at gugo din na buti nalang alam kong gamitin kahit papaano dahil pinag-aralan namin 'yon sa skwela noon. Nag-umpisa na 'kong maligo at napapasigaw nalang dahil sa lamig ng letseng tubig, pero mas ayos na 'to kesa naman hindi makaligo.
Halaaaaa! Wala akong damit gosh! Sumilip ako sa labas at pagkakita ko ay may nag-aabang saking babae na may dalang damit at pampunas.
"Para sakin ba yan?" pagtatanong ko para sigurado dahil baka pag agad kong kinuha eh hindi naman pala para sakin magmukha pa 'kong assuming.
"Ah opo para sainyo 'to mahal na prinsesa." sabi ng babae at nakayukong inabot saken ang bitbit nya.
"Salamat." sabi ko nalang at sinarado ulet ang pinto para makapagpunas at makabihis na.
Nung nakabihis na ako ay dali dali akong lumabas at may nakita akong bakya na kung hindi ako nagkakamali ay para sakin kaya sinuot ko yon. Habang sinusuot ko iyon ay may biglang nanggulat sakin kaya napasigaw ako.
"Ay pota." gulat kong sabe at humawak sa dibdib ko. Hindi ko pa tapos suotin ang bakya kaya muntik na 'kong ma out of balance pero may mga bisig na sumalo saakin.
"Tapos kana?" tanong saken ng prinsipe.
"Obvious ba?" pambabara ko kaya napatawa sya ng mahina. Agad akong tumayo ng maayos at pinagpatuloy ang pagsusuot ng bakya.
"Wag ka ngang sumulpot nalang bigla sa susunod, nakakagulat ka eh." panenermon ko sakanya at nabigla ako ng lumuhod sya para tulungan ako sa pagsusuot ng pansapin sa paa, agad din syang tumayo nang maayos nya na.
"Sige sabi mo eh." pagsang-ayon nya sa sinabi ko at nagbow pa.
"Tara balik na tayo sa palasyo at ililibot pa kita." aniya at tumalikod na sakin para magsimulang maglakad.
"Ay oo nga pala noh sige tara." pahabol kong sabi at sumunod na sakanya.
YOU ARE READING
Love in Another World (ON-HOLD)
FantasyBlithe woke up in a place she's not familiar with but she've always dreamt of it. What if it's her destiny to be in that place to find out who she really is and what's her purpose in life but just for a short time? She doesn't know that in that plac...