Alexandria's POV
"Magandang gabi mga kababayan! Ako po ito si Esleen Saldivar ang inyo lingkod, uulan po dito sa Luzon lalo na Ang mga lugar sa NCR, dulot po iyan ng hanging habagat, Samantala sa Visayas naman ay maanlinsangan..." Sabi ng babae sa telebisiyon.
Nanonood kami ni mama ng balita ngayon, pero masasabi ko na ako nalang kasi busy so mama mag-budjet ng kita niya sa Café sa tabi ko. "...May paparating na Blood Moon po ngayong Sabado ng gabi, ang sinasabi phenomena na ito ay bihira lamang! Kaya naman ay huwag niyo nang palampasin. Ito po si Esleen Saldivar nakakatotok 24 oras. "
Wow may magaganap na blood moon sa Sabado!? Ang saya naman, napangiti naman ako sa saya at kinuha yung tinapay sa harapan ko.
"Bakit ang saya mo aya ngayon?" Sabi ni mama habang nagsusuma sa calculator. "Ma, nood tayo ng blood moon sa Sabado!"
"Blood moon? Ikaw nalang anak, nakakatamad eh at isa pa dugo Ang buwan hindi ba nakakatakot yun?" Sabi ni mama na ikinatawa ko.
Umiling nalang ako sa kanya,"Ma naman eh, at hindi yun malas phenomena yun."
Naku si mama kung ano-ano na ang inisip niya tungkol sa Blood Moon. Minsan lang kaya yun mangyayari, paranoid talaga so mommshie, modern era na kaya, minsan nalang nagpapakita Ang mga aswang, maligno, etc.
Come to think, Hajinan is a ghost na naging tao dahil sa mga "susi" daw na nahanap ko. It's crazy... Pasalamat lang siya Ang gwapo niya.
"Hindi ka pa matutulog nak?" Biglang tanong ni mama. Gabi na kasi, I think it's a good idea to sleep now. Wala naman akong Korean novela na pagpupuyatan mamaya. Tumango ako sa kanya, umakyat ako mula grand floor to third floor. Grabe bakit ko ba naisip na matulog sa third floor? Ano uli yun? To avoid my neighbor's noise and some stuff.
Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Ang bilis lang pala ng panahon. Parang kailan lang na lunes tapos bukas huwebes na. Ang bilis talaga. Pinikit ko ang aking mga mata. Ang lamig pala ngayon, malapit na kasi ang pasko eh.
"Lila Sari, gissing ka pa ba?"
Hanggang sa pagtulog ko, nambubulabog siya? Hay buhay parang life. "Malamang gissing kasi ginising mo." Sagot ko sa kanya.
"Suplada naman sa personal nito." Sabi niya sa akin.
Bumangon ako sa pagkakahiga, at tiningnan siya. Nakasout siya ng maong na pantaloon, V-neck shirt at nakatuck-in pa ang kuya niyo. Lakas maka-model ah. Bench bodies? Valentino men's wear?
"Suplada your face! Umalis ka na nga!" Sigaw ko sa kanya.
Ngunit imbis na umalis siya eh, lumapit pa siya sa kina-uupuan ko. "Huwag ka nga sumimangot jan, Ang ganda mo pa naman."
Guys send help, Ene be...keleg nemen eke. "Wala akong piso eh." Pag-bibiro ko sa kanya.
Inaasahan ko na maiinis siya sa akin, pero hindi. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang magkabilang baga ko. "Makinig ka aking mahal, malapit na maging pula ang buwan. Kailagan na natin hanapin ang iba pang susi."
Ano kinalaman ng Blood Moon sa mga susi? "So anong plano?"
"Kailangan muna natin hanapin ang senyas. Kung nakikita natin yun, sinimulan na natin hanapin Kung saan ito nakatago." Dagdag niya.
Napakunot naman ang noo ko, gusto ko sana manood ng Blood Moon eh kasi minsan lang yun mangyayari, tapos may mission pa ako na gagawin. Bad timing naman oh. Natigilan ako nang lumapit pa si Hajinan sa akin. Napatitig tuloy ako sa mukha niya, grabe anong sabon kaya ang gamit niya? Ang kinis ng skin! Tapos ang tangos ng ilong, kahit medyo moreno siya pang-artista parin ang dating.
BINABASA MO ANG
MY WATER GHOST
HistoryczneAlexandria Samantha Manalo babaeng namumuhay ng mapayapa hanggang sa nakilala niya ang sinumpang kaluluwa ni Hajinan at pagkakamalan na siya ang asawa nito. Ang buhay ng isang malinis at purong binibini ang makakaputol sa sumpa. Sa ngalan ng pag-ib...