00

117 18 0
                                    

Disclamer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


  ---                     

"Have a seat." 

Saad ko habang sinasalinan siya ng tubig ,isa siya sa pasyente ko. Habang hinahantay kong mapuno ang baso pinagmasdan ko siya habang nakaupo sa chouch, sugat ang una kong nakita sa maputla niyang balat. 

"Drink ka muna?" Saad ko habang nilalapag ko ang baso sa table na nasa tapat niya. tinignan niya muna iyon ng malalim na kala mo ay may sinasabi ung baso sakanya sa seryoso at taimtim niyang titig doon, makikita mo ang pagod at sakit sa mga mata niya.

"What brings you here?" Panimulang tanong ko sakanya. 

Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya,Halata sa mukha niyang meron siyang gustong sabihin hindi ko alam kung gusto niyang sabihin or ayaw niya. naalala ko yung mukha ng nanay niya habang kausap ko kahapon puno ng pagaalala at takot.

"People who show up here have courage." saad ko sakanya habang nakatitig sa mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang yun kasi alam kong may takot silang nararamdaman pag pumupunta sila sa doctor na kagaya ko.

"if you don't mind, im going to ask you some questions and takes some notes para fresh sa memory ko" Saad ko sakanya habang nakangiti, Dahan dahan siyang tumango at ininom ang tubig na binigay ko sakanya kanina.

"What brings you here?" Ulit kong tanong habang nakatingin na sakanya at hinihintay ang sagot,mapapansin mo ang bilis ng paghinga niya at ang mga kamay na nakahawak sa mga binti at hinihimas himas ito, pinapakalma niya ang kanyang sarili. 

"Sinugatan ko sarili ko" Mahina niyang saad.

"Bakit mo naman ginawa yun isabelle?" Tanong ko sakanya habang nakatingin ng malalim sa mga mata niya 

"Si jhon namatay siya,kasalanan ko"At nagsimulang tumulo ang kaniyang mga luha na kanina pa gustong kumawala. 

Umabot ako ng tissue na katabi ko lang at inabot sakanya ito.

"Pano mo naman nasabi na kasalanan mo ang pagkamatay niya?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya magpunas ng kanyang mga luha na patuloy parin sa pagutlo.

"Bago siya mamatay nag away kami, nagaway kami sa kotse niya ng sobrang lala dahil sinabi ko sakanya nun na magaaral ako sa ibang bansa upang matupad ang pangarap ko, nagalit siya sakin sabi niya iiwan ko daw siya" Saad niya habang ang mga mata niya ay nakatingin lang sa baso at patuloy na umaagos ang kanyang mga luha. 

"Naalala ko lang ng mga oras na iyon ay nag sisigawan kami, biglang merong truck na bumisina sa harap,para hindi kami mabangga sa truck, binangga niya sa poste, kung sana hindi ko sinabi sakanya nung mga oras na iyon..sana nandito pa siya, kung sana hindi nlng ako nakipag away sakanya,kung sana hindi ko sinabayan galit niya" Patuloy nyang pagsisi sa sarili niya.

Pangarap? kailangan ba para maabot yan, kailangan may mawalang mahalaga sa buhay mo? napaka unfair naman.

Nabalik ako sa katinuan nung nagsimula at kumalma na ulit siyang nag salita. tinitignan ko siya habang hirap niyang bigkasin ang mga sinasabi niya.

"Pero yun din ang hindi ko maintindihan wala ako kasagutan doc eh, masama bang abutin ung pangarap? masama ba un?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa mga mata ko at naghihintay ng sagot. 

Ang tanong na hindi ko rin mahanap ang sagot.

"Hindi masama abutin ang pangarap belle, hindi masama pilin ang sariling kasiyahan, hindi masama piliin ang sarili,mas nakakatakot ang pagsisisi sa huli ." Saad ko habang nakatingin sakanya at nanginging ang mga kamay ko. 

tumatango siya pero makikita mo ang sakit sa mga mata niya, at sa bawat paghinga niya ng malalim ay tumutulo rin ang kaniyang mga luha. 

"Pwede bang magpahangin muna ako sandali? mga 10 mins lang po" Tanong niya habang mabigat ang paghinga. 

Tumango ako at sinamahan siya palabas upang mainform ung nasa front desk.may mga pasyente talaga na mas nakakaopen up pag nagpapahangin kaya naman paghumihingi sila ng oras para sa ganun ay hinahayaan ko. 

Dumeretso ako sa rooftop kasi ako rin kailangan ko rin magpahangin, binilinan ko naman si andrei, siya na ang bahala muna dun.

Ang kaninang mga luha na gusto lumabas ay lumabas na habang nakatingin ako sa langit, naalala ko na naman siya,napangiti ako habang inaabot ang ang mga ulap na kala mo cotton candy.

"kala ko ba sabay natin aabutin ang mga pangarap natin." Mahina kong sabi .

Kailangan ba talaga pag inaabot ang pangarap mawawala ang pinakamahalaga saatin? napangiti ako ng mapait.  

"Napakaduga mo talaga." 




SomniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon