quattuor

26 12 0
                                    



Nakatitig na lang ako kay Iris dahil tapos na ako sa mga papers na ipapasa bukas, siya kasi may klase pa mamaya at nakalimutan niya daw itong gawin kaya stress na stress na siya sa ginagawa niya dahil late na daw siya nagising kanina. 




"Sabay kayo ni Lucas umuwi nung nag up & down tayo nung nakaraan?" Pagtanong ko kay Iris habang iniinom yung shake na binili ko kanina, tangina ganto ba mukha ko pag nag aaral? mukha nang paiyak si Iris sa ginagawa niya. 




"Oo" Agad na sagot ni Iris pero nakatutok pa rin sa ginagawa niya. sabi ni Kylo si jace lang daw ang hindi engineering sa kanilang apat, pare parehas mukhang anak mayaman kaya nakakahiyang tumabi sakanila, kahapon niyaya ako ni kylo sumama sakanila at  kasama namin si Lucas kumain ng street food tinanong niya sa tindera kung may alcohol ba daw sila, hindi na talaga ako sasama grabe yung hiyang naramdaman ko nun. 




Maya maya natapos naman na si Iris sa ginagawa niya sakto rin dahil kailangan niya nang pumunta sa klase,nagpaalam naman siya sakin at magkita na lang daw kami bukas. 




Napag desisyonan ko na pumunta muna ako sa field at umupo sa isang bench, magpapahangin muna ako dahil ang tagal ko nang maraming iniisip about school works. 




Nilibot ko ang paningin ko sa buong school, andaming mga pagod na dahil end of the day na ako rin naman pagod na wala nang awa prof namin sa mga pinapagawa halos araw araw na lang laging tambak. 




I was busy staring sa Church na nasa harapan ko dahil napakaganda nito kahit lagi kong nakikita lagi parin akong namamangha. 





Napatingin ako sa gawi ng tatlong lalaki naglalakad papunta sa med building, sila Kylo hindi na umalis ang mga mata ko sakanya, mapapansin mo na seryoso siya sa ginagawa niya dahil may Libro at notebook pa siyang hawak at kausap si Lucas.  Tumigil sila sa tapat ng med building pero si Isaac lang ang pumasok, siguro susunduin nila si Jace. 





Tinanggal ko ang tingin ko sakanila lalo na kay kylo dahil feeling ko lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas nang tibok nito. Nakuha ng atensyon ko yung taong nasa harapan ko, mukhang 1st year kaya hirap na hirap ung itsura habang binabasa yung mga librong nasa harapan niya. napailing na lang ako dahil parehas lang kami nung una, hirap rin ako mag adjust. 




"Ganyan itsura mo tuwing nag rereview."Sabi ni Kylo. 

SomniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon