tribus

38 10 0
                                    







Minasahe ko ulo ko dahil sa sobrang sakit na nito, mga 30 mins na ako nag susulat at nagbabasa, ito namang nasa harapan ko talagang hindi na nagsalita at natulog na lang habang nagpapatugog at nakayuko ang ulo.






Napatingin ako sa table nila kanina nawala na yung tatlong kasama niya. ano gagawin ko dito? gigisingin ko ba? pero halata mo naman na kailangan niya din ng tulog, siguro marami rin silang ginagawa at pinapasa. seryoso din kaya siya sa pagaaral? pangarap din ba priority niya?. pag nakikita ko kasi siya parang pa easy easy lang, pero ngayon halata mo pagod sa mukha niya.





Binalik ko ang tingin  sa sticky notes na nakadikit kanina sa coffee, nilabas ko phone ko at sinave yung number niya, sinulat ko rin ang number ko at dinikit sa noo ni kylo, ang unfair!, gwapo na ang bango pa. nang mapagtanto ko yung ginawa ko napa iling na lang ako. i guess wala naman masama sa ginagawa ko?






Hinayaan ko siyang matulog dahil alam kong kailangan niya yun hindi naman madali yung kurso na kinuha niya, wala naman talaga madali, patience lang talaga, at importante na gusto mo ang kinukuha mo.






Habang busy ako sa pagbabasa ng bagong lesson, may naglapag ng paper bag sa harapan ko.





"Pinapabigay ni Kuya Andrei" Hingal na hingal na sabi niya, saan ba galing 'tong babaeng toh, at parang merong humahabol sakaniya, napunta tingin ni Ele sa taong natutulog sa harapan ko. kaya agad niyang hinampas saakin yung bag niya.





"Bruha ka! sabi mo nung isang araw title muna hindi tite, ano yan ha!" Patuloy niya na sigaw sakin ni Ele, hinihimas ko rin yung part na tinatamaan niya ano ba kasi nasa loob ng bag na yan bato ba? kung oo ibabato ko sakanya yan pag nahawakan ko.








Thursday na pero ganun pa rin, hindi pa rin ako nakakapagpahinga sa dami nang pinapagawa. naglalakad kami ni Andrei papunta sa field. nakatulong yung libro na binigay niya sakin nung isang araw sa recitation kanina.





At simula rin nung unang encounter namin ni Kylo,ay sunod sunod na ang pagkikita sa lobby ng condo or sa convenience store, nagiging civil naman na kami. it's nice naman.





"Thanks sa libro" Pag papasalamat ko kay andrei, kung wala yun wala ako maisasagot. Kuya nga pala ni Ele 'tong si andrei, mas bata samin si Ele ng isang taon.





"wala yun tapos ko na rin naman basahin yun" Sagot niya, napakatalino talaga nito, isang basa lang sa libro natatandaan niya na agad ako kailangan ko paulit ulit mag aral para 'di ko makalimutan. napa buntong hininga na lang ako nung naalala ko yung pinapagawa at pinapapasa samin bukas.





"Nagpaalam si Ele kanina inuman daw kayo mamaya sa up & down" Saad niya wala na siyang pake kung umiinom si Ele kasi legal age naman na pero nung unang inuman session halos pati kami nila Mads pagalitan niya dahil sabog na sabog kapatid niya umuwi. tumango tango na lang ako sakanya dahil wala akong lakas mag salita dahil sa pagod ko, feel ko sinusunog yung utak ko sa recitation ni sir. Cruz kanina.





Nagpaalam na saakin si Andrei may dadaanan pa raw siya sa ibang building, napag desisyonan ko na pumunta muna ng caffetteria dahil kanina pa akong umaga walang kain dahil nag review ako para sa recitation na yun.





I ordered chicken and rice and naglabas na rin ako ng libro para tapusin ko yung paper works na ipapasa, habang kumakain ako nakita ko si Iris na pumasok sa cafeteria papagalitan nanaman ako nito, nagtama ang tingin namin at agad ako kinunutan ng noo at naglakad papunta sa table ko.





SomniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon